Playboy 7.2

1.8K 48 0
                                    

"K-KEN CHRYSANDER!" kinakabahang wika ni Neko. Halos itago na nga niya ang mukha sa suot na damit para hindi lang makita ni Ken, pero pinahamak nga yata talaga siya ng suot na uniform kaya mabilis siyang nahanap nito. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?"

Tumawa ito at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Dito ako nag-aaral." Sagot nito. pakiramdam tuloy niya ay namula ang magkabilang pinsgi niya. "Nandito ka ba para tingnan ang obra ko? Nakita mo ba? So, what do you think?" nakangiting sabi nito.

"M-Maganda..." aniya, saka niya nilagpasan ang lalaki, naramdaman naman niyang umagapay ito sa paglalakad niya.

"Asus! Alam kong hindi lang maganda 'yon, sobrang ganda at nahihiya ka lang umamin." Natatawang sabi nito, hindi na siya nag-react dahil totoo ang sinabi nito—animo'y kuha ng mga expert photographers. Ang bulubunduking kuha nga nito na natatanaw ang magagandang mga ulap ang una niyang napansin sa mga larawan na nakasabit doon though lahat maganda.. "Thank you for coming here." Narinig niyang sabi ng lalaki. "Akala ko talaga hindi na tayo magkikita, ngayon ko lang napatunayan na ang boring pala ng buhay ko no'ng hindi pa kita nakikilala. Meeting you is like riding in a space shuttle; nakaka-excite, masaya, nakakaba at kung anu-ano pa." hindi siya agad nakasagot sa sinabi ng lalaki dahil dinagundong ng kaba ang puso niya at parehong-pareho sila nang nararamdaman. "Nakakapanibago namang hindi mo ako sinisinghalan." Anito, na naunang naglakad sa kanya saka ito patalikod na naglalakad para humarap sa kanya, hindi tuloy niya maiwasang ma-concious. "Okay ka lang?"

"U-Umayos ka nga nang paglalakad." Sita niya.

Ngumiti ito at sumaludo sa kanya. Saka ito muling tumabi sa kanya at umagapay sa paglalakad. "Are you hungry?" tanong nito.

"Hindi."

"Nagugutom ako."

"Eh, di kumain ka."

"Kasalanan mo kung bakit ako nagugutom."

Mabilis siyang bumaling dito at napakunot-noo. "Ako?"

Tumango ito at ngumiti. "Hindi kasi ako nakakakain nang husto dahil wala akong gana."

"Bakit?"

"Dahil nami-miss na kita, sobra." Seryosong sabi nito.

Kumabog muli ang puso niya at naco-concious siyang makipagtitigan kaya nag-iiwas siya ng tingin. Pero ang weird dahil pakiramdam niya ay para siyang idinuduyan sa alapaap.

"F-Fine! Kumain tayo, libre ko." Aniya na sobrang ikinatuwa ni Ken kaya mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay. Ngunit akmang babawiin niya dahil pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak n'yon kaya sa huli ay sumuko na lang din siya. Pero ang sarap ng piling mo.

DAPAT AY sa V's cuisine uli sila kakain dahil gusto uli niya matikman ang mga pagkain doon, ang kaso ni-rent ni Jerry ang buong restaurant para sa third weeksary ng kasintahan nito, kaya sa iba na lang sila kumain.

Sa isang seafoods restaurant sila nagpunta. Hindi niya maiwasang bumusangot dahil sa mga babaeng nakatingin sa lalaking kasama niya. At ang kumag naman na 'to ay kung sinu-sino pang kinakawayan.

Magana silang kumain habang masayang nag-uusap nang kung anu-ano at ito rin ang nag-offer bilang taga-bukas ng shrimps, crabs at shellfish. He is so sweet and thoughtful. Hindi lang siya kumain ng crabs dahil may allergy siya doon na kabaligtaran nito dahil isa daw 'yon sa paborito nito. At sa huli ay ito rin ang nag-insist na magbayad ng bills nila sa restaurant.

NAG-VOLUNTEER si Ken na samahan siyang sumundo sa parents niya sa airport. Ang sabi ng mga magulang niya ay magkita na lang sila sa bahay pero nagmatigas siya na sunduin ang mga ito, parang gusto niya bumawi sa mga ito sa mga naging kasalanan niya no'n.

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon