"I'M SORRY Rona pero tapos na ngayong araw na 'to ang one week relationship na pinag-usapan natin."
"It's Jerisse, Ken." Pagtatama ng babae sa pangalan nito. "And I don't want to end this relationship yet. I like you so much!" Pagmamakaawa ng babae sa kanya.
Umiling-iling si Ken at ngitian ng matipid ang babae. "Pero alam mo naman ang tungkol sa one week relationship rule ko, 'di ba?"
Simula pa lang nang pakikipag-relasyon niya sa sinumang babae ay ipinapaliwanag na niya sa mga ito na after a week ay matatapos din ang relasyon nila, a rule is a rule at ayaw niya sa mga babaeng pushy at clingy katulad nitong si Rona, okay, Jerisse nga pala ang pangalan nito. Sa dinami-dami ng mga babaeng nakakasama niya ay napagpapalit-palit na niya ang pangalan ng mga ito. Hindi kasi siya matandain sa mga pangalan ng babaeng nakakasama niya.
Pero sinisiguro naman niyang nag-e-enjoy ang mga nakakarelasyon niya sa isang linggong samahan nila, ipinapadama niya ang kahalagahan ng mga ito at itinatrato niyang mga prinsesa bago makipaghiwalay sa mga ito. May iba na nagpapasalamat sa mga araw na nakasama siya at may iba rin—katulad ng babaeng kasama niya ngayon na ayaw pang makipaghiwalay sa kanya, well, hindi naman niya kasalanan kung ma-in love ang mga ito sa kanya pero ang usapan ay usapan at ang kondisyon niyang isang linggo ay hindi pa nababali.
Nasubukan din niya 'yong halos takutin na siya ng ama ng babaeng naka-relasyon niya pero hindi siya nagpatinag. Halos mamroblema nga ang tatlong mga kapatid niya sa pagiging babaero niya. Well, hindi naman siguro masamang magpaligaya ng babae for a week, tutal ang mga ito naman ang nagvo-volunteer ng mga sarili sa kanya, pinagbibigyan lang niya ang mga ito dahil gusto niyang maging masaya ang mga ito.
"Ken Chrysander Cruise, please give me another week..." pakiusap ng babaeng nasa harapan niya.
"Look, Arnie, I'm sorry but I can't break any of my rules and conditions. Gusto mo bang awayin ka ng ibang girls?" aniya. May time din kasing nag-away-away na ang mga kababaihan dahil sa kanya, those are his super fangirls na kahit sawayin niya ay hindi patitinag.
Sumimangot ang babae. "I'm Jerisse!" naiinis nang sabi nito. "Bakit ba kasi hindi ka na lang matahimik sa isang babae? Ano ba ang hinahanap mo sa isang babae? Kaya kong baguhin ang lahat ng pagkatao ko para sa 'yo."
"Kung natahimik ako sa isang babae, hindi sana kita nakasama ng isang linggo." Nakangiting sabi niya. Ang babaeng ito ay nakilala lang niya sa V's Bar na pag-aari ng mga tito at tita niya—kung saan din tumutugtog every Fridays ang The Cruise Brothers, na binubuo nilang quadruplets.
Identical quadruplets sina; Jerry, Ken, Vaness at Vic na isinunod sa pangalan ng paborito ng mommy nila na Taiwanese actors na miyembro ng dating sikat na F4.
At hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero apat sila sa pinaka-kilalang estudyante sa Kingston University, dahil bukod sa nasa dean's lists sila ay marami din silang fangirls, hindi lang sa school nila kundi sa iba ring school campuses na madalas manood sa Bar dagdag na rin ang pagsikat nila sa youtube at sa iba't ibang SNS.
"I really need to go, Jerisse. See you around." aniya ngunit mabilis siyang hinarangan ng babae pero tinapik lang niya ang balikat nito bago niya ito tuluyang nilagpasan. Narinig pa nga niyang ngumawa ang babae, gustuhin man niyang balikan at i-comfort ito pero baka mas lalo itong umasa.
Sa park sila nag-meet ng babae para tapusin ang one week relationship nila, mabuti na lang at mga bata lang ang naroon para maka-witness sa pagngangawa ng babae, pero mamaya siguro ay magiging maayos din ito.
Tumigil siya sa paglalakad sa tapat ng isang sorbetero para bumili ng dalawang ice cream cones, tumawag siya ng isang batang lalaki na marahil nasa sampu pababa ang edad na noon ay naglalaro sa may slides, nang makalapit ang bata ay ibinigay niya dito ang isang cone ng ice cream at ang isa naman ay ibinilin niyang ibigay nito sa babaeng noon ay nakaupo sa isang bench na umiiyak, na mabilis ding tinanguan ng batang lalaki. Umalis na rin siya agad doon dahil may klase pa siya.
Fourth year college na siya sa kursong Photography. Nag-take siya ng kursong 'yon dahil mahilig na siya no'n simula pagkabata. Mas lalo pa siyang na-inspire sa photography dahil sa isang babaeng nagustuhan niya no'ng nasa second year high school siya. He never believe in such thing called love at first sight or whatever it is, but the heck, he fell in love with her.
Siya si Jennifer Suarez, isang transferee student at kaedad niya ito. Bata pa siya noon para sa mga love-love na 'yan dahil nasa paglalaro pa ang isip niya noon like his brothers, pero ibang impact ang dinala ni Jennifer sa buhay niya, iba ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ito. Nagkakasya na nga lang siya sa palihim na pagkuha ng litrato nito hanggang sa na-e-enjoy na niya ang pagkuha-kuha ng larawan hindi lang ng babae kundi sa lahat ng nasa paligid niya.
Naging magkaibigan sila nito, hindi siguro kapani-paniwala pero naging torpe siya sa babaeng ito dahil hindi niya agad niligawan ito dahil pinanghinaan siya ng loob.
After a year ay saka lang siya nanligaw, third year high school na sila noon kaso madami na siyang mga karibal. Maganda kasi talaga si Jennifer at matalino kaya pinag-aagawan ng mga kalalakihan. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng manliligaw ng babae ay siya ang sinagot nito.
Tumagal nang mahigit isang taon ang relasyon nila dahil nakipaghiwalay din ang babae sa kanya no'ng magfi-first year college sila. Sa abroad na kasi ito magpapatuloy ng pag-aaral at ayaw nito sa LDR.
Kung sila daw para sa isa't isa ay gagawa ang tadhana ng paraan para maging sila sa huli. Nasaktan siya sa sinabi nito hanggang sa unti-unti din niyang tinatanggap ang lahat. Nagkahiwalay sila pati na rin ang kanilang mga landas.
He was so heartbroken, tinago niya 'yon sa buong pamilya niya pero hindi naman nakalusot dahil masyado siyang transparent kapag may iniinda siya; natatahimik siya sa isang lugar at lutang. At masyado siyang naapektuhan sa unang pagkabigo niya sa larangan ng pag-ibig kaya natatakot na rin siyang magmahal uli at masaktan. Halos ilang buwan din siya nagdamdam sa unang pagkabigo ng puso niya hanggang sa maka-get over din siya dahil na rin sa tulong ng pamilya niya—at doon na rin nagsimula ang pagiging babaero niya. Ayaw na niyang muling masaktan sa larangan ng pag-ibig.
AFTER ng klase ni Ken ay dumiretso siya sa pictorial ng isang sikat na clothing wear na ini-endorso niya. Bukod sa pagbabanda, pagiging waiter sa V's cuisine na pag-aari ng maternal grandma at pag-aaral ay isa din siyang freelance model at photographer sa kilalang clothing brand sa bansa. Nakailang beses na ring naging modelo sa Legacy na isang sikat at multi-branch na fashion boutique na pag-aari ng kanilang pamilya.
Actually, no'ng mga bata pa sila ng mga kapatid niya ay naging modelo na rin sila for kids apparel na nilikha ng kanilang mommy, na isang fashion designer, no'ng mag-teenager naman sila ay sila na lang ni Vic ang nagpatuloy sa pagmo-modelo hanggang sa siya na ang mag-pursue no'n hanggang ngayon.
Sa sobrang pagkaabala niya sa buhay ay naisisingit pa niya ang babae, hindi pa kasi niya nakikilala ang babaeng makakapagpatino sa kanya. Pagkatapos nang pictorial ay nagkakayayaan sila ng mga co-models niya na mag-dinner sa isang grilled restaurant.
At pagkatapos nilang kumain ay saka sila nag-kanya-kanyang uwian, dala naman niya ang red convertible Bugatti Chiron car niya, na iniregalo pa ng parents niya no'ng nakaraang birthday nilang magkakapatid.
Paalis na siya sa lugar nang tumawag ang mommy niya, tinatanong nito kung nasaan na daw siya—nakalimutan kasi niyang may dinner nga palang inihanda ang mommy niya at nasa mansion na ang tatlong mga kapatid niya. Nasapo niya ang kanyang noo at napailing, masyado na ba siyang busy at pati ang dinner kasama ng pamilya niya ay nakalimutan na niya?
"I'll be there, mom. See you." Aniya, bago ibinaba ang tawag. Pero paano 'yan, nakakain na siya ng dinner? Kung sabagay ay hindi naman siya gaanong nabusog sa mga kinain niya dahil mas masarap pa rin ang mga luto ng mommy Chinky niya.
Binuksan niya ang radio ng kanyang sasakyan para saglit ma-relax, it was a tiring day, indeed. Abala niyang sinasabayan ang kanta ng Chainsmoker nang bigla na lang may babaeng tumawid sa kanyang harapan—kaya mabilis siyang napa-preno at halos mangubngob ang kanyang mukha sa kanyang manibela, siguro kung hindi lang siya naka-seatbelt ay napahalik na siya sa windscreen ng sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/127104066-288-k559129.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Novela JuvenilPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?