Napakamot ito ng ulo at mabilis siyang hinapit at niyakap nang mahigpit. "I'm sorry kung napagselos kita nang hindi ko alam. Si Jennifer 'yong babaeng kasama ko, yes, my first love pero wala kang dapat ikatakot na baka maagaw niya ang puso ko mula sa 'yo dahil bukod sa imposible 'yong mangyari dahil ang puso ko ay nakalaan lamang para sa 'yo, in love din siya sa boyfriend niya. Pareho nang may nagmamay-ari ng mga puso namin at friends na lang kami." Seryosong paliwanag nito. "Niyaya lang niya akong mag-coffee that time para magkakuwentuhan, hindi lang nakasama si Gab, 'yong boyfriend niya dahil may importanteng gagawin." Paliwanag nito. Tumango siya at mas lalong naiyak dahil ang shunga niya at masyado siyang naniwala sa bitterness na bulong ng isipan niya. Gumanti siya nang mahigpit na yakap sa lalaki.
Saglit itong kumawala sa pagkakayakap sa kanya para punasin ang luha sa kanyang mga mata at hinalikan siya sa noo bago siya muling mahigpit na niyakap. "Simula nang makilala kita Ken, marami na ang nagbago sa akin lalo na emotionally. Gusto na kita noon pa man kaso hindi ko lang maamin sa sarili ko hanggang sa tuluyan akong na-in love sa 'yo. No'ng puntahan ko din isang araw si Joaquin sa puntod niya ay nag-sorry ako sa kanya dahil may mahal na akong iba at no'ng time na nakita kita sa coffee shop ay galing ako sa isang resto dahil nakipagkita ako sa parents ni Joaquin para isauli ang mga ibinigay sa akin ng anak nila at para sabihin na rin na hindi na nila kailangang mag-alala sa akin dahil may bago nang nagpapatibok ng puso ko." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa lalaki.
Naramdaman niyang humalik sa ulo niya si Ken. "Nasa puso at sistema na kita, Neko, kaparusahan naman siguro sa pagkatao ko ang pakawalan ka." Dahan-dahan itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya saka ito ngumiti at pinisil ang tungki ng ilong niya. "I love you and you're the sweetest karma of being a playboy."
At hindi pala lahat ng playboy ay mananatiling playboy. "I love you din." Nakangiting sabi niya. "I couldn't imagine my life without you in it." Hinawakan na nito ang kamay niya para igiya sa parking lot nang mapatigil siya sa paglalakad. "Wala ka bang kasamang nagpunta dito?" curious na tanong niya.
"Ako lang. Dapat ay pupunta kanina sina mommy at daddy kaso sinabi kong okay lang ako. Tumawag kasi kanina si Vic at hinahanap ako, maglalaro sana kami ng basketball pero ibinalita ko na muntik na akong maka-aksidente ng aso."
"Si Vic talaga..." naiiling na wika niya, siguro kapag nakita niya ngayon ang kapatid ng lalaking mahal niya, mapipingot niya ang dalawang tainga nito, pinakaba siya nito nang husto.
"Alam mo namang may pagka-baliw ang isang 'yon, e," naiiling na lang na sabi ni Ken.
'Teka, nasaan na ba sina Vic at Vaness? Paano nila nalaman ang address ko?"
"Umuwi na siguro ang mga 'yon. Hiningi nila kanina sa akin 'yong address mo, ayoko nga dapat ibigay dahil parang may naaamoy akong hindi maganda, kaso nagpumilit si Vic."
"Saan ba ipinaglihi si Vic? Ang kulit, e." natatawang sabi niya.
"Sabi ko nga sa 'yo e, ampon siya." Natatawa ring sabi ni Ken. Muli silang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa parking lot, nang makarating sila sa sasakyan nito ay mabilis siyang ipinagbukas ng pintuan saka ito nagmamadaling pumasok sa driver's seat. "By the way, Neko, ipinakilala mo ako kanina sa babae bilang boyfriend mo..."
"Yes Ken, you're now my official boyfriend as of this day and forever." Nakangiting anunsyo niya.
"R-Really? Sinasagot mo na ako?" excited na tanong nito. Nang tumango siya ay halos mapindot nito ang busina ng sasakyan nito, nagulat tuloy ang mga taong nasa paligid. "Oops," natatawa pang sabi nito. "Oh, this is the best and sweetest answer ever, yes!" masayang-masayang sabi nito. Mas nagulat pa ito nang hilain niya ang kuwelyo ng suot nitong polo shirt saka ito mabilis na hinalikan sa mga labi nito. Napatulala tuloy ito at nakatitig lang sa kanya na parang nagulat sa nangyari. "Y-You kissed me."
"I did." Aniya.
"I-I'm speechless."
Pabiro niyang tinampal ang braso nito. "If I know, marami ka ng lips na nakahikan sa buong buhay mo."
"But yours is the sweetest and the best, kahit smack lang 'yon. At ipinapangako ko na ikaw na lang ang tititigan ng mga mata ko at rason ng pagtibok ng puso ko."
"Huwag ka ngang masyadong ma-keso dahil baka kiligin ako nang husto." Natatawang sabi niya. "Ken, can I say something?"
"Like?"
"Ken I have you for the rest of my life?" halos pareho silang natawa ng binata sa kakornihang sinabi niya. Nahiya tuloy siya sa banat niyang 'yon.
"You can have all of me." Natatawang sabi nito. "Can I also say something?"
"Sure."
"Something."
"What?"
"Nasabi ko na, something." Natatawang sabi nito, mabilis tuloy niyang natampal nang magaan ang braso nito. "Seriously, Neko, you are what I always wanted in my life. Simply I love you."
Napangiti siya at mabilis na yumakap sa lalaki. "Thank you for everything, for not giving up on me, sa lahat ng pasensya sa pagiging gangster ko, sana mas marami ka pang baon." Natatawang sabi niya, na tinangu-tanguan nito. "Weird but I felt that there was like a connection between us and I think it will always be there no matter what happen. I love you too and I always will." Hinalikan muli nito ang tuktok nang ulo niya at gumanti nang mas mahigpit na yakap.
"Pero Neko, nagulat talaga ako sa pagtatapat na ginagawa mo sa lalaki kanina, akala ko kaboses mo lang 'yong nagsasalita kaya ko hinanap but it was really you."
Mas lalo niyang ibinaon ang mukha sa dibdib nito. "Mas nakakahiya naman 'yong pagkamalan akong kabit n'ong asawa ng lalaking kinakausap ko. Buti na lang dumating ka agad, akala ko magpapakain na lang ako sa semento sa labis na kahihiyan, e." nahihiyang sabi niya, natawa naman ang lalaki at hinagod-hagod ang likuran niya.
"That's okay at least safe tayong naka-alis doon." Natatawa uling sabi nito, tumango-tango naman siya.
"Humanda talaga sa akin si Vic!" determenadong wika niya. Pipingutin talaga niya ito dahil sa panlilinlang nito sa kanya.
"Susuportahan kita dyan. Pero ngayon, tayo muna ang bida." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinaulanan siya ng halik sa mukha at nagtagal ang mga labi nito sa kanyang mga labi. "I love everything about you, really!"
"I also love everything about you." Nakangiting sabi niya.
Haaay, ang sarap namang ma-in love nang ganito! She never knew that she could feel that much and that's the way she loves him and vice versa.
WAKAS
![](https://img.wattpad.com/cover/127104066-288-k559129.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Novela JuvenilPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?