Playboy 2

2.4K 58 0
                                    


NASAPO ni Neko ang kanyang ulo nang pagbangon niya mula sa kama ay parang minamartilyo ang kanyang ulo sa sobrang pananakit niyon. May hangover siya mula sa paglalasing na ginawa niya kagabi. It was Joaquin's first death anniversary yesterday.

Joaquin "Ken" Domingo was her first boyfriend and first love. Kaedad at kaklase niya ito dati sa Saint Lauren Academy sa parehong kurso na BS Math, naging magkaibigan at magkasama sa martial arts school, nagkapalagayan ng loob hanggang sa maging magkasintahan sila.

Siya ang unang nagtapat nang nararamdaman para sa binata na mabilis din nitong tinugon. Magkasundo sila nito ngunit dumating 'yong time na halos magkahiwalay sila dahil sa hindi pagkakaunawaan, gayunpaman ay naging mas malakas ang kapit ng kanilang relasyon.

Sa araw na dapat ay magse-celebrate sila ng ika-first year anniversary nila as a couple ay naaksidente ito, may importante pa naman daw itong ibibigay sa kanya na matagal na nitong gustong ibigay—nabangga ito ng isang ten wheeler truck at tumumbling ang sinasakyang kotse. Dead on arrival daw ito ayon sa mga pulis na tumawag sa kanya para sumaklolo sa kasintahan.

Isang taon na niyang ipinagluluksa ang lalaking unang naging bahagi ng kanyang buhay. Pakiramdam niya ay wala na rin magandang patutunguhan ang buhay niya. Her parents were busy with their Farm and food production business, wala siyang kapatid o malapit na miyembro ng pamilya na laging nariyan para samahan siya sa kanyang kalungkutan.

May mga kaibigan siya pero hindi mga close friends na handang dumamay sa nararamdaman niyang kalungkutan. Wala na yatang pakialam ang parents kung magpatuloy man siya o hindi sa pag-aaral, nasa third year college na siya ngunit madalas ay wala siya sa klase.

Dahil sa dalas ng kanyang pag-a-absent ay pinapadalhan na siya ng letter ng school para makausap ang kanyang mga magulang pero hindi niya alam kung bakit ang bilis maayos ng gusot sa pagitan nila ng school o may hinala siyang nag-u-under the table ang kanyang mga magulang.

"Neko, are you awake?" ang mommy niya ang nasa harapan ng kanyang pintuan. Hindi siya sumagot at muling nagtalukbong ng kumot, sisitahin na naman siya nito dahil umuwi siya nang lasing kagabi.

Sa nakalipas na isang taon ay halos ilang beses siyang magpunta ng bar para aliwin ang sarili at doon na nga siya natutong uminom ng alak, laman din siya ng mga computer shops, malls at kung saan-saan pa, basta hindi siya nananatili sa isang lugar para makalimot sa sakit na nararamdaman niya. Takot din minsan ang mga tao na lumapit sa kanya dahil bukod sa hindi siya namamansin ay hindi niya natatanya minsan ang kanyang sarili.

Bigla niyang naalala na may nasaktan nga pala siyang pakialamerong lalaki kagabi na basta na lang niyang iniwan sa daan, hindi siya gano'n ka-sobrang lasing kaya naalala niya 'yon. Gayunpaman ay wala na siyang pakialam doon.

Sa loob ng isang taon ay napaka-boring ng buhay niya. Si Joaquin na nga lang ang nagpapaganda sa buhay niya pero nawala pa, paano na lamang ang susunod pang mga taon?

Nang hindi siya sumagot sa ina ay tuluyan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at narinig niya ang mga yabag nitong palapit sa kanya.

"Balita ko kay manang Nancy ay lasing ka na namang umuwi kagabi. Neko naman, ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi maganda para sa isang babae ang mga ginagawa mong 'yan?" paunang sermon sa kanya. Mabilis niyang tinakpan ng unan ang kanyang magkabilang tainga para hindi marinig ang mga sinasabi nito sa kanya. "Pinapalagpas ko lang ang mga nakaraan dahil ayokong marinig ng daddy mo na nagtatalo tayo dahil na naman sa parehong isyu at baka mas lalo kang pagalitan. Paano kung may mangyaring hindi maganda sa 'yo sa labas? Pasalamat ka dahil hindi ito nalaman ng daddy mo, dahil kung hindi grounded ka na naman ng isang buwan." Anito, na tumagos pa rin sa pandinig niya kahit pa nakatakip na ang mga 'yon.

Oo, nasubukan na niyang ma-grounded ng isang buong buwan last summer dahil sa pananatili niya sa labas ng bahay hanggang midnight para mag-AWOL o mamalagi sa computer shops at kung anu-ano pa. Kaya sa buong buwan na 'yon ay nasa loob lang siya ng kuwarto niya, walang gadgets o kahit ano pa, halos mabaliw sa sobrang boredom at kalungkutan.

Alam din ng mga ito ang tungkol kay Joaquin at ang pagkamatay nito at ayon sa mga ito ay 'life must go on' daw, pero hindi 'yon gano'n kadali.

"Hindi mo ba ako naririnig? Neko, tumayo ka na dyan dahil may pasok ka pa, don't tell me ay a-absent ka na naman sa klase mo? Halos isang linggo ka nang hindi pumapasok sa klase mo. Mabuti at napapakiusapan pa namin ng daddy mo ang Presidente ng school ninyo, sobrang nakakahiya na ang mga pinaggagagawa mo." hindi siya uli sumagot. Wala siya sa mood i-depensa ang kanyang sarili dahil mas kailangan niyang magpahinga. Nagulat na lang siya nang mabilis hinila ng mommy niya ang kanyang kumot at tinanggal ang unan na pinantakip niya sa magkabilang tainga niya. "Nakikinig ka ba o hindi?" galit nang sabi nito.

"Mom, please!"

"Neko, hanggang kailan ka ba magluluksa sa pagkawala ni Joaquin? Naka-move on na nga ang pamilya niya, ikaw hindi pa? Hija, it's time for you to move on, hindi lang naman si Joaquin ang nag-iisang lalaki sa mundo, you're just nineteen years old at marami ka pang makikilalang lalaking maaari mong mahalin."

"Mom, nag-iisa lang si Joaquin at wala nang makakapalit sa kanya sa puso ko."

Umiling-iling ang ina. "Huwag mong pilitin ang sarili mo na isara ang puso mo para sa iba dahil hindi mo kailanman mahahawakan ang magiging desisyon puso mo, hindi mo siya kayang labanan, kaya hindi mo masasabi na wala nang makakapalit kay Joaquin sa puso mo."

"Mom!"

"Marahil hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin na si Joaquin na ang pinaka-the best na lalaking nakilala mo, pero hija, hindi si Joaquin ang lalaking para sa 'yo, kaya siya maagang nawala sa buhay mo, na marahil may lalaking nandyan sa tabi na handang gumamot sa puso mo at kaya kang mahalin nang mas matindi sa nagawa ni Joaquin sa 'yo. Just don't close your heart to possibilities."

"Mom, please..." aniya, saka niya iminuwestra ang pintuan palabas.

"Hanggang kailan ka ba magkakaganyan? Sabihin mo nga sa akin, minahal ka din ba ni Joaquin na katulad nang pagmamahal mo sa kanya?"

"Mom!"

"Fine! Fix yourself and you're going to school. Naka-ready na ang breakfast mo at si manong Jaime para ihatid ka sa school."

"I can go to school, alone."

"Fine! Bumaba ka na at mag-agahan, nakahanda na rin ang gamot para sa hang over at aalis na din ako papunta sa work." anito, tinitigan muna siya nito at napailing bago tuluyang lumabas sa kanyang silid.

Napabuga na lang siya ng hangin. "...minahal ka din ba ni Joaquin na katulad nang pagmamahal mo sa kanya?" naalala niyang tanong ng mommy niya. Hindi niya 'yon nasagot agad pero sigurado siyang minahal din siya ni Joaquin na katulad nang pagmamahal niya dito.

Ang mommy lang niya ang hindi naniniwala sa totoong nararamdaman ni Joaquin dahil nang makilala daw nito ang boyfriend niya ay wala itong naramdamang attachment sa kanta at sparks sa pagitan nila ng lalaki. She really didn't mind it at all, masyado lang mapagpaniwala sa sparks at chemistry ang mommy niya. Palibhasa doon daw nagsimula ang lahat sa pagitan ng mga magulang niya.

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon