Playboy 4

2.1K 48 0
                                    


NASAPO ni Neko ang kanyang ulo nang kumirot 'yon dahil sa hangover mula sa paglalasing niya kagabi. Hindi naman talaga siya pupunta sa bar para uminom kung hindi lang siya nag-back read ng mga text messages ni Ken sa kanya—dagdag pa na wala siyang kasama sa bahay maliban sa isang katulong nila.

Minsan naiisip niya; bakit pa ba siya nabubuhay sa mundo kung puro boredome at lungkot na lang ang nararamdaman niya? Marahil ay may purpose pa siya sa mundo kaya naroon pa siya ngunit hindi lang niya makitaan ang purpose niya ngayon sa buhay.

Saglit siya nag-inat ng katawan bago naupo sa kamang kinahihigaan pero mabilis siyang natigilan nang makita niyang parang hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya. Pinalibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar at parang nasa isang magandang hotel room siya, pero papaano siya napunta doon? Saglit siyang nag-isip nang biglang mag-flashback sa isipan niya na dinala pala siya doon ng lalaking nakilala niyang may Ken din na pangalan.

Mabilis siyang bumaba sa kama nang magulat siya dahil biglang may umungol sa kanyang paanan—at gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita doon ang lalaking nasa isip lang niya kanina. Napanganga siya at agad na inalis ang paa na nakaapak sa braso ng lalaki at mabilis na dumistansya dito.

Ano'ng ginagawa ng lalaking ito at kasama niya ito ngayon sa hotel room? Akmang gigisingin niya ito para sungbatan nang bigla siyang napahinto dahil muling may nag-flashback na alaala sa kanyang isipan; mabilis niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para pigilan itong umalis—dahil nang mga sandaling 'yon ay gusto niyang may kasama. Aware siya na hindi ito si Joaquin pero naglabas pa rin siya ng mga hinaing na matagal na niyang gustong sabihin. Niyakap pa niya ang lalaki at doon siya nakaramdam nang kapanatagan at init sa kanyang kalooban.

At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maalala niyang hinalikan din niya ang lalaki sa mga labi nito.

Hindi niya alam kung ano'ng sumapi sa kanyang ka-pervert-an at bigla niya itong hinalikan—basta ang natatandaan lang niya ay napaka-inviting ng namumulang mga labi nito. Nagulat pa nga ang hitsura ng lalaki sa ginawa niya hanggang sa hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil marahil knock out na siya.

Tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanyang mukha dahil pakiramdam niya ay namumula na 'yon dahil sa labis na kahihiyan, ito ang unang beses niyang nanghalik ng lalaki—kay Ken nga dati ay hindi niya 'yon ginagawa. Oh God!

"You're awake!" sabi ng lalaki, kaya mabilis siyang bumaling dito, nakangiting nakatitig ito sa kanya kaya na-concious tuloy siya sa ayos niya. Ito kasi ay kahit kagigising lang ay mukha pa ring fresh pero siya ay sabog na sabog ang buhok at amoy alak pa. Tuluyan na itong tumayo para maupo sa kama. "Good morning." Nakangiting bati nito.

"W-What are you doing here?" kunwari ay tanong niya saka siya nag-iwas ng tingin dito pero alam naman niyang siya ang may kasalanan kung bakit ito narito, dahil hindi niya ito hinayaang umalis kagabi.

Narinig niyang tumawa ang lalaki sa itinanong niya, kaya bumaling siya dito at nakita niya itong napailing-iling. "Nagmakaawa ka sa akin na huwag umalis kagabi. Halos umiyak ka pa sa pagmamakaawa, hindi mo na ba naaalala?" tukso nito.

Of couse she did remember it. Kaso ayaw nga niyang aminin dito ang mga ginawa niya dahil bigla siyang tinubuan ng kahihiyan sa katawan. Bakit ba kasi niya nagawa 'yon? Ang shunga mo talaga Nekolai Gonzales! Aniya sa sarili. She's really hopeless and for the first time in her life history, nagkaroon siya nang maituturi niyang kahiya-hiyang pangyayari sa buhay niya.

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon