Agad siyang nagpaalam sa mga kapatid niya saka mabilis na lumapit sa babae at agad na inagaw ang iniinom nitong alak kaya nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Ikaw na naman!" anito, na agad siyang namukhaan, siguro ay mataas ang alcohol tolerance nito dahil kahit gaano kadaming alak ang naiinom nito ay kaya pa rin nitong dalhin ang sarili. "Akin na 'yang iniinom ko!"
"Bakit ba ang hilig mong maglasing? Alam mo bang nakakasira ito ng internal organs? Saka isipin mo naman ang mga kawawa mong biktima kapag nalalasing ka, pasalamat ka at hindi kita isinumbong sa pulis no'ng sinaktan mo ako. Pero paano kung 'yong ibang taong nasaktan mo, e, i-demanda ka?"
"Ano bang pakialam mo sa akin?" tanong nito sa kanya. "Saka ano bang sinasabi mong masisira ang internal organs ko? Uminom lang ako kapag sobrang lungkot ko katulad ngayon." napasinok ito kaya mabilis nitong inagaw ang alak na nasa kamay niya ay tinungga 'yon, mabilis uli niyang inagaw ang bote sa babae. "Ano ba?" singhal nito sa kanya. "Wala kang pakialam sa akin dahil hindi naman tayo magkakilala!""Para sa kapayapaan ng mundo, please tumigil ka na!"
"Hindi naman ako mananakit ng tao hangga't hindi nila ako ginagawan ng masama, e." Anito.
Napalinga siya sa paligid, nahahakot na pala nila ang atensyon ng lahat ng mga customers, kahit pa malakas noon ang tugtog sa bar.
"Eh, bakit ako? Hindi naman kita ginawan ng masama pero sinaktan mo pa rin ako?" aniya, napatitig naman ang babae sa kanya. "Halika ka na, nakakahakot ka na ng atensyon sa mga customers namin dito." Aniya, saka niya ito inalalayang tumayo ngunit muntik na silang matumbang dalawa, mabuti na lang at mabilis niyang nabalanse ang katawan.
"A-Ayoko pang umuwi sa bahay namin. Wala naman akong maaabutan doon e, wala ang mga magulang ko dahil nasa business trip sila."
"Kahit na, kailangan mo pa ring umuwi dahil gabi na."
Mabilis nitong binawi ang braso sa kanya na muntik na nitong ikatumba, mukhang hilo na ito dahil sa hitsura at kilos nito, mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang baywang nito, nagkalapit tuloy ang kanilang mga katawan at mukha. Ang weird dahil biglang may kung ano'ng gumalaw sa sikmura niya lalo pa no'ng napatitig ang mapupungay na mga mata ng babae sa kanya. Nagulat siya nang mag-skip ng beat ang puso niya.
"Hindi kita tatay kaya pabayaan mo ako." anito, na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya.
Ngunit hindi niya ito hinayaan, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak dito at mabilis itong inalalayang maglakad palabas ng bar para pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya at nang maihatid na ito sa bahay nito, mahirap na dahil baka kung may mangyari dito ay kargo de konsensya pa niya.
"Sino siya?" sabay-sabay na tanong ng mga kapatid niya na nasa daraanan nila.
"Isa sa mga babae mo?" nakangiting tanong ni Vic.
Saglit siyang natigilan dahil sa kanyang mga kapatid; hindi niya maaaring sabihin sa mga ito na ang babaeng kasama niya ay ang babaeng gumulpi sa kanya last time dahil baka mas lalo lang ma-curious ang mga ito at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito sa kanila ng babae.
Napakusot naman ng mga mata ang babae saka ito nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang apat. Napangiti siya nang makita niyang tila gulat na gulat ito sa nakikita nitong may tatlo pa siyang kamukha sa harapan nito.
"S-Sobrang lasing na siguro ako." Narinig niyang sabi nito, na lihim niyang tinawanan.
"Hindi ka namamalik-mata, apat talaga kami at quadruplets kami." Paliwanag naman niya sa babae, saka siya bumaling sa mga kapatid. "Ihahatid ko lang siya sa bahay nila." Aniya.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Roman pour AdolescentsPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?