KUMAKAIN ng mag-isa si Neko sa school canteen nang biglang may tumambad na bouquet of red roses sa kanyang harapan, pag-angat niya ng tingin ay kumabog ang puso niya nang makita niya ang nakangiting mukha ni Ken. Sa uri ng ngiti nito ay tila kaya nitong hawiin ang maitim na ulap sa kalangitan.
Nag-init ang magkabilang pinsgi niya. Mabilis itong umupo sa kanyang harapan at nakangiting muling inabot ang bouquet sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Tanggapin mo muna itong bouquet ko." Nakangiting sabi nito.
"Not a fan of roses, mas maganda ang tulips." Aniya.
"Noted." Nakangiting sabi nito saka nito inilagay sa tabi nang plato niya ang dala nitong roses. "Nandito ako dahil gusto kitang makita, hindi ka kasi nagre-reply sa mga texts ko, e."
"First time mo bang hindi reply-an ng babae?"
Lumabi at tumango-tango ito. "Ikaw pa lang."
Hindi niya alam kung matatawa siya pero napailing na lang siya. "Bakit ka nandito? 'Di ba itinigil na natin ang pagpapanggap natin?"
"'Di ba sinabi ko din na tutulungan kitang maka-get over kay Ken nang paunti-unti?"
"Why are you doing this?"
"Hmm... I also don't know, weird ba?"
Tumango-tango siya. "Baka may binabalak kang masama sa akin." Kunot-noong sabi niya. "Gusto mo ba akong idagdag sa listahan ng mga one week girlfriend mo?"
Mabilis itong umiling-iling. "'Uy hindi, ah. Bakit gusto mo ba?"
"No way!"
Natawa ito sa pagiging defensive sa sagot niya. "Para ka kasing nagsu-suggest, e."
Napailing-iling na lang siya. "Oh, gusto mo?" alok niya sa pancit bihon na kinakain niya. "Ay hindi bumili ka na lang pala dahil nakainan ko na 'to—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mabilis nitong kinuha ang tinidor na hawak niya saka ito kumuha sa kinakain niya, excluding the carrots saka ito sumubo doon. Napa-thumbs up pa ito nang masarapan ito sa pagkain. That was an indirect kiss—saglit siyang napahinto nang maalala niyang nahalikan na nga pala niya ito last time at inaamin niyang malabot at matamis ang mga labi nito.
"A-Akin na 'yang tinidor ko!" aniya, saka niya mabilis binawi ang hawak nitong tinidor. Pakiramdam niya ay nahakot na nila ni Ken ang lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi naman siya attention-seeker pero mukhang gustong-gusto siyang topic ng mga tao pero iba ngayon dahil sa lalaking kasama niya. "M-Masakit pa ba 'yang mukha mo?" pag-iiba na lang niya.
"Ang lupit mo talaga," naiiling na sabi nito. "Buti nakuha uli sa ice pack at medicine 'yong ginawa mo sa akin last time at naitago sa mommy ko ang nangyari. Huwag mo itong gagawin sa iba dahil baka saktan ka nila, hindi mo sila kilala."
"Eh, bakit ikaw hindi mo ako sinaktan? Hindi pa naman tayo magkakilala nang lubusan."
"Dahil naiintindihan kong galit ka, but you can't do this to anyone. At please lang huwag ka nang umiinom ng alak. Hindi ka ba pinapagalitan ng mga magulang mo?"
"Palagi naman silang wala, e. Mas importante kasi ang trabaho nila kaysa sa akin."
"Silly!" naiiling na sabi nito. "Nagta-trabaho sila para din naman sa kinabukasan mo at kung nagkukulang man sila ng time para sa 'yo, intindihin mo na lang dahil sa kagustuhan nilang mabigyan ka nang magandang kinabukasan, kaya imbes na maglasing ka ay mag-aral ka na lang nang mabuti. Pumapasok ka nga ng school, nag-aaral ka ba naman ng mabuti?" sermon nito sa kanya, na dinaig pa ang daddy niya.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Teen FictionPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?