"BALITA KO may photo exhibit daw sa Kingston University ngayong araw at pwedeng bumisita ang mga outsiders. Gusto mo bang sumama, Cindy?"
"Hanggang ano'ng oras ba nakabukas 'yong photo exhibit, Toni? Gusto ko rin kasi magpunta dagdag pa na isa sa mga photographer na nai-feature ang mga arts doon ay si Ken Chrysander, 'yong isa sa mga quadruplets na Cruise's brothers."
Kumabog ang puso ni Neko nang marinig niya ang pangalan ni Ken Chrysander. Naglalakad siya noon papunta sa classroom nila nang marinig niyang nag-uusap ang dalawang babaeng nasa likuran niya, kaya binagalan niya ang paglalakad para marinig pa ang ibang usapan ng mga ito.
"Si Ken Chrysander ang pinaka-type ko sa quadruplets, mas approachable kasi ang hitsura niya at ang ganda niya mag-smile." Kinikilig na sabi ng isang babae.
Paano hindi magiging approachable at maganda ang smile, e, nang-aakit nga kasi ng biktima niya. Kontra ng isipan niya sa sinabi ng babae.
"Pero super guwapo silang apat, kung bibigyan ako ng chance na maka-date isa sa kanilang apat, naku, para na rin akong nanalo ng billion sa lotto." Kinikilig din na sabi ng isang babae.
Huh! Ako, nakasama ko na ang lalaking pinapangarap ninyo!
"Sad thing, tuluyan na daw nawala ang one week relationship rule ni Ken, gusto ko pa naman sanang pumila sa kanya para maging boyfriend siya for a week. Dream come true sana 'yon, e."
"Sinabi mo pa! Napakabait ni Ken para pagbigyan ang mga fangirls niya na makasama siya for a week, kaya ang swerte ng kung sinumang babaeng pag-aalalayan niya nang totoong pag-ibig niya."
"Sang-ayon ako! Ang sabi pa naman sa isang kasabihan na kapag na-in love daw ang mga babaero ay totoo at wagas. Kaya gusto ko talagang sa akin ma-in love si Ken!"
"Tara hanapin natin si kupido baka matulungan niya tayong mapana ang puso ng mga Cruise's brothers—" hindi nito naituloy ang sasabihin nang mabilis siyang humarap sa dalawang babae, na ikinatigil ng mga ito sa paglalakad.
"Kahit gayumahin ninyo sila o dasalan... kung hindi talaga kayo ang itinitibok ng puso nila, hindi ninyo sila makukuha. Huwag kayong magpaka-trying hard." Kunot-noong sabi niya.
Napakamot ng ulo naman ang dalawang babae saka mabilis siyang nilagpasan. Ano bang nangyayari sa kanya at bigla niyang pinakialaman ang usapan ng dalawang 'yon?
Napabuga na lang siya ng hangin. Ang dami ngayon nang nasa isip niya. Hindi kasi niya makalimutan ang mga sinabi ni Beverly sa kanya two days ago, naguguluhan kasi siya at gusto niya malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Joaquin.
"Balita ko may photo exhibit daw sa Kingston University ngayong araw..."naalala niyang sabi ng isang babaeng kanina. At sa pagkakatanda niya ay inimbitahan siya ni Ken para dumalo sa photo exhibit na 'yon.
Parang gusto niyang pumunta pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Baka kasi makita uli niya si Ken—samantalang ang huling sinabi niya dito ay ayaw na niya itong makita pa uli. Nakakahiya naman kung siya mismo ang babali sa sinabi niya.
Muli siyang napabuga ng hangin at pumasok sa classroom nila saka naupo sa kanyang designated chair. Nagulat siya nang biglang may isang babae ang tumabi sa kanya at kung pwede daw ay magpaturo ito sa kanya ng isang math problem.
Hindi naman siya gano'n ka-selfish para hindi i-share ang nalalaman niya kaya tinuturuan niya ito, nagulat siya nang unti-unti na silang napapalibutan ng iba pa nilang mga kaklase at nanunood na sa pagtuturo niya. Kahit pala papaano maganda rin sa pakiramdam na may ibang kausap maliban sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Teen FictionPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?