HINDI maintindihan ni Neko kung ano ang mararamdaman niya habang naglalakad siya noon papasok sa MOA. Nang makarating siya sa loob ng Mall ay naupo siya sa isang bakanteng bench na nadaanan niya saka niya binalikan ang naganap na usapan sa pagitan niya at ng mga magulang ni Joaquin.
Nang makarating siya sa bahay ng mga Domingo ay agad siyang dinala ng mga magulang ni Ken sa kuwarto ng lalaki at may ibinigay na sulat sa kanya. Ang sabi ng mommy ng binata ay dapat ibibigay daw ng binata sa kanya ang sulat nang gabing makikipagkita ito sa kanya, kaya lang ay na-aksidente nga ito. Humingi ng despensa ang mga magulang ni Ken dahil nabasa na daw ng mga ito 'yon out of cuiroisty.
Giniya siya ng ginang na maupo sa kama saka ito tumabi sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang sulat, hindi niya alam kung bakit nanlalamig ang pakiramdam niya sa anumang laman ng sulat. Napalunok siya nang mariin bago tuluyang binuksan ang sulat.
Neko,
Happy first year anniversary but are we really happy? Hindi ko na kasi mahanap at maramdaman ang kaligayahan, I'm sorry. At first, akala ko mahal kita at gusto kitang laging kasama dahil mabait ka sa akin at magkasundo naman tayo pero napapansin ko habang tumatagal ay nawawala na 'yong una kong naramdaman para sa 'yo. I'm really sorry but I guess I already have fallen out of love with you. Dapat ay matagal ko nang ginawa ang makipag-break sa 'yo, kaya lang ay hindi ko alam kung paano. Kaya idinaan ko na lamang sa sulat ang lahat at kapag naibigay ko na ito sa 'yo, maintindihan mo na agad nang hindi ko kailangan pang magsalita dahil baka mas lalo ka pang masaktan. At sorry dahil 'di ko sinasadyang mahulog ang puso ko para kay Arnie, 'yong girl na nakilala ko through social media and we already started dating. I'm really sorry kung hindi ako agad nakipaghiwalay sa 'yo at umabot pa sa ganito ang lahat. Sana mapatawad mo ako. Gusto kong magkaayos tayo bago maghiwalay at sana ay makilala mo si Arnie.
-KenNagulat siya sa nalamang rebelasyon ni Joaquin, wala man lang siyang ideya na gusto na pala talaga nitong makipaghiwalay sa kanya. At mukhang ang sulat na ito ang itinawag nito sa kanya na gusto nitong ibigay. Si Arnie din ba kaya ang sinasabi ni Beverly na babaeng kasama ng binata nang maaksidente ito na hindi man lang nabanggit ng mga pulis o ng mga magulang nito?
Hindi niya maramdaman sa puso niya ang sakit, galit o ang maiyak man lang dahil mas nagulat siya sa rebelasyong nalaman. So, all along, tama nga pala nang sinasabi si Beverly na wala na ang pag-ibig ni Joaquin sa kanya. At hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman o wala na siyang anumang maramdaman dahil tuluyan nang naglaho ang pag-ibig niya para sa lalaki? Dahan-dahan niyang itiniklop ang sulat at tahimik silang tatlo sa loob ng silid hanggang sa ang ginang ang unang bumasag ng katahimikan nila.
"I'm sorry hija, itinago namin ang sekretong 'yan sa 'yo. Ayaw lang kasi naming madagdagan ang sakit na nararamdaman mo at ayaw naming magalit ka kay Ken." Anito, saka siya mabilis na niyakap.
Kung iisipin ay parang nagpakahirap siya ng isang taon para sa lalaking niloko lang pala siya. Iniyakan niya ito at nagpaka-wasted lang pala siya sa wala at muntik pa niyang layuan at kalimutan si Ken Chrysander dahil ayaw niyang kalimutan si Joaquin. Gusto tuloy niyang matawa sa sarili niya.
Mas natawa pa yata siya sa sitwasyon kaysa nainis o nagalit. On the other side, may nagawa ding kabutihan ang mga nangyari dahil nakilala niya si Ken Chrysander Cruise. At siguro ay si Joaquin din ang nagdala sa kanya sa piling ni Ken.
"And please forgive our son." Na tinanguan niya at tipid na ngumiti.
Napangiti at napailing-iling na lang si Neko. Mabilis niyang inilabas ang kanyang cell phone para tawagan si Ken, parang na-miss niya bigla ang binata.
Hinanap niya ang numero nito sa contact list niya, mabuti na lang talaga at nanaig ang nararamdaman niya para sa lalaki kaya hindi niya binura ang numero nito sa phone niya. After three rings ay agad namang sinagot ni Ken ang tawag. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinilig sa boses pa lang nito o baka dati pa siyang kinikilig pero nagpapaka-KJ lang siya?
"Hello there beautiful, what's up?" masayang bati nito sa kanya.
Hindi niya napigilang mapangiti. Masyado talagang mabulaklakin ang dila ng guwapong nilalang na kausap niya. "I'm hungry..."
"Really? So, you're asking me for a date?"
Hindi na tuloy niya napigilang matawa. Date agad talaga, e. "Nasaan ka? Nasa V's cuisine ka ba?"
"Nag-off ako sa V's cuisine ngayon dahil may pictorial ako sa isang clothing wear at two PM pa resume ng class ko. So, where are you?"
"Ako na lang pupunta dyan, nasaan ka?"
"Really?" masayang tanong nito sa kanya. Hindi niya napigilang muling mapangiti sa pagiging parang bata nito. "I'm here at Square studio."
"Okay, I'll be right there."
"Okay, see you."
Bago siya nagpunta sa Square studio ay dumaan na rin siya sa isang restaurant para mag-take out ng pagkain nila ni Ken, sabay na silang kakain sa studio para hindi na ito maabala pang lumabas.
HINDI pinapasok si Neko ng mga staffs sa loob ng studio kung saan ginaganap ang pictorial kaya nagkasya na lang siya sa pagsilip mula sa pintuan. Nakita naman niya agad si Ken—nakasuot ito ng V-neck white shirt at denim pants, kasama ang isa ring modelo na parang namumukhaan niya—yes, that girl Alondra.
Napakunot-noo siya nang makita niya kung gaano kalingkis ang babae kay Ken, halos pati malaking dibdib nito ay gusto nitong idikit sa biceps ng binata—nakakainis dahil ang sexy ng babae, nakasuot din kasi ito ng white v-neck shirt at lumilitaw ang cleavage nito at ang liit ng baywang nito, seksing-seksi sa suot na denim pants.
Napatingin siya sa sarili niya. She was wearing a plain black rounded neck shirt na hindi hapit sa katawan niya, rugged jeans at white sneakers. Saka lang naman kasi siya nagsusuot ng mga dresses kapag may special events pero madalas ay ganito ang get up niya. Nang mga sandaling 'yon ay nahiling niyang sana nagsuot na lang siya ng mas pambabaeng damit.
Napakunot-noo siya nang yumakap pa ang babae sa binata at walang pakialam kung mukha nang naiilang ang kasama, parang ang sarap tuloy hilain ng buhok nito at ingubngob sa semento.
"Ah excuse me, PA ka ba dito? Pakidala naman ito sa loob kay Ms. Marian, 'yong naka-floral dress. Thank you." Nakangiting sabi ng isang lalaking nag-abot sa kanya ng isang box. Napangiti tuloy siyang pumasok sa loob at akmang pipigilan siya ng isang staff pero mabilis niyang sinabi na ibibigay lang niya ang box na hawak kay Ms. Marian. At least nakalusot siya doon para mas lalong makita nang malapitan si Ken.
Naglalakad siya no'n palapit sa lugar kung nasaan si Ms. Marian pero hindi niya maialis ang tingin kay Ken. Napasigaw na lang ang lahat sabay baling sa kanya nang biglang namatay ang ilaw na ginagamit sa pictorial—napatid kasi niya 'yong cable wire ng ilaw kaya nabunot 'yon mula sa saksakan ng kuryente.
"Ano'ng nangyari?!" may galit na sumigaw niyon, saka ito mabilis na bumaling sa likuran nito—at nakita siya. Napakagat siya sa ibabang labi niya at nang tumingin siya kay Ken ay mabilis itong bumitiw kay Alondra para lapitan siya. "At sino ka naman?" mataray na sabi ng baklang marahil nasa lagpas kuwarenta na ang edad, na animo'y maglalabas na ng apoy sa ilong nito.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Fiksi RemajaPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?