Playboy 3

2.1K 54 0
                                    

"TAMA ako, 'di ba? Na gusto mo akong gawan ng masama por que lasing ako kagabi? Siguro kung hindi ako gumawa ng move baka kung ano na ang ginawa mo sa akin!" asik ni Neko sa lalaking kaharap.

Though hindi naman ito mukhang pervert dahil mas mukha itong artista kahit na may injuries ito sa mukha. Oo at medyo naawa siya sa ginawa niya sa lalaki pero paano nga kung tama ang iniisip niya dito? Oo, guwapong-guwapo ang lalaking kaharap niya, hindi ordinaryong guwapo na nakikita sa kung saan, para itong may lahing intsik dahil sa cute na mga mata nitong kulay kape na tila nang-aakit at nati-trace din niya na may pagka-american-filipino ang dating nito.

Siguro ay modelo din ito dahil sa height nitong mahigit six feet, maganda rin ang pangangatawan nito, makinis ang mukha at balat at bagay dito ang undercut hairstyle nito. Bigla siyang natauhan at napailing-iling, pinupuri ba niya ang lalaking ito? No! I was just describing him. Dahil 'yon naman talaga ang nakikita niya.

"Miss, hindi ako pervert tulad nang inaakala mo at marunong akong rumispeto sa mga babae. Oo, hinawakan kita sa balikat kagabi, pero 'yon ay dahil aalukin kita ng ride—"

"Kita mo na! Aalukin mo ako ng ride papunta sa motel saka mo ako... oh my, God!" naiiskandalong wika niya. Ngali-ngaling upakan uli niya ang binata, pero tila nakahanda na ang reflexes nito para ilagan siya sakali mang gusto niya itong saktan.

"Pwedeng patapusin mo akong magsalita?" anito.

"Bakit pa? Eh, sa 'yo na mismo nanggaling na—"

Naputol din ang sasabihin niya nang mabilis siyang sinubuan ng lalaki ng hawak niyang box of French fries. "Aalukin kita ng ride pauwi sa bahay ninyo dahil lasing ka na pero mukhang matino ka pa naman sa lagay na 'yon, nakauwi ka pa nga sa bahay ninyo ng maayos, e."

"I doubt it!"

"Wala kang tiwala sa akin?"

"Wala! At bakit ako magtitiwala sa 'yo? Eh, hindi naman kita kilala at wala din naman akong balak kilalanin ka."

Napangiti ito at umiling. He looks very manly when he smiles like that. Napailing-iling siya ng lihim. Gano'n din kasi ngumiti noon si Ken—ang namayapa niyang kasintahan.

"You're really impossible, lady." Naiiling na sabi nito.

"I don't care. Just don't get near me again nor talk to me." Aniya, saka na niya muling nilagpasan ang lalaki, ngunit nagulat na lang siya nang muntik na siyang madulas sa basang sahig na nadaanan niya, mabuti na lang ay may agad na nakasalo sa kanya—agad niyang binalingan ang sumalo sa kanya at ang lalaking 'yon na naman!

Ang lapit nang mukha nito sa kanya; like two hands span. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang kumabog ang puso niya at kasabay niyon ay ang kakaibang init na nagmumula sa kung saan sa parte ng kanyang katawan, kaya mabilis siyang umayos ng tayo at humiwalay sa lalaki.

"Y-You..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Sa loob ng isang taon ay wala pa siyang nakilalang lalaking nakapukaw sa atensyon niya at wala pa ring makakapalit kay Ken sa puso niya.

"I saved you." Anito.

"B-But I didn't ask for you to save me." Aniya, habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili dahil sa weird na epekto ng lalaking ito na nasa kanyang harapan. I am just annoyed with this crazy guy! I love Ken; I am forever in love with Ken! Aniya sa kanyang sarili.

"What?"

Hindi na siya nakasagot sa lalaki nang may babaeng mabilis na nakalapit sa kanila na umabrisyete sa braso ng lalaki. "Ken, what are you doing here? Akala ko ba sa tapat tayo ng Starbucks magkikita?" nakalabing sabi ng babaeng ayaw mag-suot ng mini-dress na labas ang cleavage at mag-make up ng makapal, pero okay naman dahil maganda ito at bagay nito ang suot dahil matangkad ito na hindi nalalayo sa height niya. Bumaling ang babae sa kanya. "Sino siya?"

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon