INIIWASAN BA ni Neko si Ken? Bakit hindi niya matawagan ang cell phone ng dalaga? Ni hindi ito nagre-reply sa mga text messages niya at hindi niya ito matiyempuhan sa school nito? Kapag sa bahay naman nito siya nagpupunta ay parang ayaw siyang makita nito. Hindi tuloy niya alam kung may nagawa ba siyang kasalanan dito at kung bakit feeling niya ay bigla siyang binabalewala nito?
Katulad ngayon, since sabado ay dumalaw uli siya sa bahay ng dalaga ngunit sabi ng katulong ay natutulog pa daw si Neko at ayaw daw nitong nagagambala ang tulog nito, kaya umalis na lang uli siya. Mag-iisang linggo na rin siyang nagpapabalik-balik at gusto itong makita at makausap pero wala pa rin siyang magawa. Ang lungkot isipin na talagang nilalayuan siya nito, kung sana malaman man lang niya ang dahilan para makapagpaliwanag siya kung anuman 'yon pero isa 'yong malaking palaisipan. Muli ay uuwi siyang malungkot at bigo.
NAKASIMANGOT si Neko habang tanaw ang malungkot na mukha ni Ken na pumasok sa sasakyan nito saka ito tuluyang umalis. Gusto niyang mabilis itong takbuhin para pigilin ito at kausapin dahil sobrang nami-miss na niya ito ngunit natatakot siyang baka kapag nagkausap sila ay sabihin din nito sa kanyang titigil na ito sa kanya dahil may bago na itong mahal.
Oo, naduduwag siyang masaktan kay Ken dahil sobrang mahal na niya ito at hindi na niya alam kung ano'ng gagawin niya kapag nawala ito sa kanya. Gayunpaman, naisip din niyang kailangan niya itong harapin para klaruhin ang lahat sa kanila. Kung hindi na siya nito mahal ay dapat na niya 'yong tanggapin para makapag-move on na siya pero sa tingin niya ay matatagalan siyang gawin 'yon.
Sobrang miss na miss na niya ito at tinitiis niyang huwag itong makita at makausap para hindi masaktan pero hindi ito tama. Once and for all, kailangan na niya itong harapin. Bumuga siya ng hangin at natulala para mag-isip nang kung ano'ng dapat gawin kapagdaka'y mabilis siyang naglakad palapit sa closet niya para kumuha ng damit, kailangan na niyang makausap si Ken ngayon din!
Mabilis siyang naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili saka siya agad bumaba mula sa kanyang kuwarto, pupuntahan niya sa Ken sa Mansion ng mga Cruise. Palabas na siya nang pintuan nang makasalubong niya ang parents niya na galing sa isang brunch meeting.
"Saan ka pupunta?" tanong ng mga ito.
"May importante lang po akong pupuntahan, mom, dad." Aniya, saka siya humalik sa mga ito bago siya nagmamadaling lumabas ng bahay ngunit hindi pa man siya nakakapara ng taxi nang biglang may humintong magarang puting sasakyan sa kanyang harapan at pagbukas ng bintana ay nakita niyang si Vaness ang nasa driver's seat sakay si Vic.
"Ano'ng ginagawa ninyo dito?" nagtatakang tanong niya.
"Hop in, pupunta tayo sa hospital." Ani Vic.
Biglang kumabog ang puso niya, ba't sila pupunta sa hospital? Hindi kaya may nangyaring hindi maganda kay Ken? Parang biglang hinalukay ang loob ng sikmura niya dahil sa kaba at para din siyang pinanghinaan ng katawan. Gayunpaman, mabilis siyang sumakay sa back seat ng sasakyan.
"A-Ano'ng nangyari?" kinakabahang tanong niya.
"It's just a—"
Hindi naituloy ni Vaness ang pagsasalita nang mabilis sumingit si Vic. "Naaksidente si Ken."
"A-Ano?" gulat na tanong niya at tuluyan nang pinanghinaan ang mga tuhod niya, mabuti na lang at nakaupo na siya dahil kung hindi ay naglupasay na siya. "Saan siyang hospital dinala? Kumusta na siya? Bakit siya naaksidente? Kasalanan ko ba ang lahat? Oh, Ken." Tuluyan na niyang naisubsob ang kamay sa kanyang mukha. Mas triple ang kabang nararamdaman niya ngayon kumpara sa naramdaman niya noon para kay Joaquin, feeling niya ay unti-unting may pumipiga sa puso niya dahil nananakit niyon.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
أدب المراهقينPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?