Playboy 2.2

2.2K 63 3
                                    

"OH MY GOD! It's the Cruise brothers!"

"Gosh, sana mapansin tayo. Jerry! Vic! Ken! Vaness!"

"Notice us please!"

Kumaway at ngumiti naman si Ken sa mga babaeng tumitili para sa kanila at dahil sa ginawa niyang 'yon ay mas lalong nagwala ang lahat ng kanilang fangirls na nakasunod sa kanila dahil sa sobrang kilig. Kumaway din si Vic at nag-flying kiss pa. Usual, deadma lang sina Jerry at Vaness at siguro ay mas magugulat siya kapag kumaway ang mga ito sa mga babae.

"Hey bro, I like your dark glasses today." Natatawang sabi ni Vic sa kanya, habang naglalakad sila patungo sa main building ng school. Jerry is an art student, Vic is a Business Administration major in Business Management student and Vaness is a Biology student. Iba-iba sila ng mga gusto sa buhay, pero iisa lang naman ang hangarin nila; that is to become a successful in their chosen field and to make their parents proud.

Nakita niyang napangiti rin sina Jerry at Vaness sa sinabi ni Vic sa kanya. Kaya napailing-iling siya, alam naman kasi niyang inaasar lang siya ng kapatid dahil nagkaroon ng pasa ang kanang mata niya at namamaga nang kaunti ang kaliwang nose bridge niya at dahil 'yon sa pananakit sa kanya ng gangster na babaeng 'yon kagabi, mabuti na lang at hindi gano'n kalala at nadaan pa sa ice pack at pain reliever na ipinainom ng mommy niya. Humanda talaga sa kanya ang babaeng 'yon kapag nakita uli niya ito.

"Mabuti na lang at naitatago pa ng dark glasses mo ang mga 'yan dahil kung hindi naku, marami ng mga girls ang aayaw sa 'yo." Pang-aasar ni Vic.

"Shut up, bro!" naiiling na sabi niya.

Napapatigil sila sa paglalakad para pagbigyan ang kahilingan ng mga babae para magkuhanan ng larawan kasama sila except for Jerry na napapakunot-noo sa mga babaeng lumalapit dito.

Nagulat siya nang biglang matabig ng kung sino ang dark glasses na suot niya na ikinahulog niyon. Sumiwalat tuloy sa lahat ang kanyang pinakatatagong injuries na ikinasinghap ng lahat ng mga kababaihang nakakita doon.

"Ken, what happened to you?"

"Kawawa naman our Ken, oh, gosh!"

"Di bale Ken, super guwapo ka pa rin."

Tipid siyang ngumiti sa mga ito. "Thank you, guys." saka niya mabilis inabot ang dark glasses na pinulot ng isang babae para iabot sa kanya. "Nagkaroon lang ng minor accident kagabi." Aniya.

May grupo din ng mga kababaihan ang sabay-sabay na nagsabi ng "Ken Chrysander Cruise, we love you, please stay healthy." na ikinangiti na lang niya.

Flattered siya dahil hindi nabawasan ang mainit na pagmamahal ng mga fangirls nila sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito at muling isinuot ang dark glasses. "Thank you, guys. Mag-iingat ako, kaya sana kayo rin." saka uli sila nagpatuloy sa paglalakad.

"Wow! Hindi ko na-imagine na guwapong-guwapo pa rin ang mga fangirls mo sa 'yo kahit bugbog sarado na ang mukha mo, 'tol." ani Vic.

"Indeed, love is blind." Ani Vaness, na naiiling.

Umiling din si Jerry. "Hindi ko pa rin maisip na babae ang may gawa niyan sa 'yo. You were so helpless, bro."

"Oo na, e, sa hindi ko nga kasi napaghandaan 'yong move niyang 'yon e, hindi ko rin na-imagine na mukhang magaling siya sa martial arts."

"'Tol, akala kasi namin lahat ng mga babae ay naaakit mo, pero mukha yatang may nakaligtas sa bagsik ng charm mo." Panunukso ni Vic sa kanya.

"That girl was drunk, bro."

"Kahit naman lasing ay natatamaan pa rin sa charms mo, e. Pero iba ang babaeng 'yon, 'tol. Hindi kaya siya na ang karma mo? I mean, siya na 'yong babaeng makakapagpatino sa 'yo?" ani Vic.

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon