Playboy 1.2

2.3K 60 1
                                    


Mabilis siyang bumaling sa babaeng bigla na lang tumawid sa daanan niya—nakita niyang tumatawid pa rin ito sa kalye kahit naka-go light. Gusto na sana niyang iwanan ito dahil mali-late na siya sa dinner kasama ang pamilya kaso ang bilis niyang ma-konsenysa.

Napailing siya at saglit na nag-park sa gilid ng kalsada, kung ang babae ay walang pakialam kung may sasakyang makabangga dito, well, naaawa siya sa mga madadamay na driver sa pagpapakamatay nito. Mukha itong lasing dahil hilo ito kung maglakad. Mabilis siyang bumaba sa kanyang sasakyan.

Tumingin muna siya sa kaliwa't kanang bahagi niya bago siya tumawid sa daan para akayin ang babae sa safe road. Nagulat ang babae nang hawakan niya ang braso nito, pati siya ay saglit ding natigilan dahil sa kung ano'ng naramdaman niyang 'yon sa pagkakadaiti ng mga balat nila nito. Gayunpaman, mabilis na niyang inalalayan at hinila ang babae pabalik sa safe road.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ng babae sa kanya, saka nito pinipilit na agawin ang braso sa kanya pero hindi niya ito pinapakawalan. Humingi din siya ng despensa sa mga sasakyang nagbibigay ng daan para sa kanila. Nang tuluyan silang makarating sa safe road ay bumaling ang babae sa kanya. "Sino ka ba? Bakit mo ba ako pinapakialaman?" galit na sabi nito sa kanya.

Napailing siya dahil sa amoy ng alak na nagmula dito. Lasing ito ngunit parang aware pa naman ito sa nangyayari sa paligid nito at parang kayang-kaya pa nitong makipag-upakan sa lagay nito. Nagkalat ang mahaba at tila malambot na buhok nito sa mukha nito na pilit nitong inaayos pero bumabalik sa pagbagsak. Matangkad ang babae na marahil nasa five feet and six inches, maputi at may katamtamang pangangatawan.

Pansin din niyang astig ang pananamit nito dahil naka-ripped jeans ito, nakasuot ng puting shirt na pinaibabawan ng black leather jacket.

"Dahil maaari kang masagasaan sa ginagawa mo! Wala ka bang kasama?" aniya, saka niya hinawi ang buhok nito para makita ang mukha nito. Nakapikit ito ng mga mata ngunit naagaw pa rin ng kanyang atensyon ang maganda at maamong mukha nito.

Nagulat siya nang mabilis nitong tinabig ang kamay niya na nanghahawi ng buhok nito. "Mind your own business!" sigaw nito sa kanya saka siya hinawi sa daraanan nito at nagsimula na itong maglakad.

Mabilis siyang sumunod sa babae saka niya ito hinakawan sa balikat para mag-offer na lang ng ride para ihatid ito sa bahay nito dahil nakakatakot para sa isang babae ang gumala sa gano'ng lagay—ngunit nagulat siya nang mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso, inapakan ang kanyang kanang paa at malakas na h-in-ead butt gamit ang likuran ng ulo nito—natamaan ang kanyang mga mukha—saka siya nito siniko ng malakas sa kanyang sikumura hanggang sa maglupasay siya sa daanan; sapo ang kanyang mukha at masakit na sikmura.

Napamura siya. "Ano ba siyang klaseng babae?" Naitanong niya sa sarili. Napailing siya nang maalala niyang baka magka-black eye siya sa ginawa nito.

"S-Sandali..." aniya, nagpatuloy na sa paglalakad palayo ang babae, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin kung kumusta siya pagkatapos siyang mabugbog nito. At dahil hindi siya nakatayo ay nakasakay na agad ang babae noon sa taxi hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

Saglit muna siyang nakalupasay sa kinaroroonan niya para pakalmahin ang nananakit na parte ng kanyang katawan. And this was his first encounter with a gangster like girl. Nakakatakot ang babae dahil hindi siya nakapalag sa sobrang gulat. Dahan-dahan na siyang tumayo at naglakad palapit sa kanyang sasakyan para umalis na rin sa lugar.

Nang makarating siya sa Cruise's mansion ay halos mag-hysterical ang kanyang mommy dahil sa pangingitim ng palibot ng kanyang kanang mata at namamaga ang kaliwang bahagi ng kanyang ilong.

"What happened to you, bro?" nagtatakang tanong ni Vic sa kanya, nakatingin lang din sina Jerry at Vaness sa kanya. "Para kang napaaway sa isang grupo ng mga gangster." Marunong kasi siya sa self-defense kung bakit siya nagtamo ng gano'ng pinsala.

"Ano'ng grupo, isang babae lang ang gumawa sa akin nito, 'tol." Pag-amin niya, saka siya napailing-iling nang maalala niya ang babaeng 'yon.

"What?" gulat at sabay-sabay na tanong ng mga kapatid niya kasama na ni Chenee—their childhood friend—na nasa likuran din ng mga kapatid niya noon.

Nasapo niya ang kanyang noo at palihim na umiling. Minsan mahirap talagang maging masyadong matulungin sa kapwa—nasira tuloy ang kaguwapuhan niya.

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon