NANG MAKARATING sila sa bahay nina Neko ay mabilis bumaba si Ken sa sasakyan nito para pagbuksan siya ng pintuan, gentleman as ever.
Bumaba siya agad mula sa sasakyan ng binata at naglakad palapit sa gate ng bahay nila, hindi na dapat niya lilingunin ito para magpapaalam para mas less na ang sakit na nararamdaman niya at akalain nitong rude pa rin siya, kung bakit kusang gumalaw ang katawan niya para lingunin ang nakangiting lalaki.
"Good night and sweet dreams, Neko." Nakangiting sabi nito, saka na ito naglakad pabalik sa sasakyan pero mabilis siyang nagsalita para pigilin ito, kaya bumaling ito sa kanya.
"Let's not see each other again." Halos ayaw pang lumabas ng mga salitang 'yon sa bunganga niya. Nakita niyang napakunot-noo ang lalaki na marahil ay hindi agad nakuha ang sinabi niya. "Let's stop this whole thing, Ken." Mabilis naman itong naglakad palapit sa kanya, pagtataka ang nakasulat sa mukha nito. "Hindi ko kayang kalimutan si Joaquin, hindi ko kayang mag-move on sa kanya, ayoko siyang kalimutan, Ken."
"Hindi ko naman sinabing kalimutan mo siya agad-agad, ang gusto ko lang ay maka-move on ka na sa nararamdaman mo sa kanya at bumalik na kung ano ka noon bago siya nawala. Life must go on, Neko."
"I love Joaquin at wala ng ibang lalaki ang makakahigit pa sa kanya."
Pero parang ayaw na niyang bumalik sa dati na gumising ng may hangover dahil naglasing siya. She'll going to miss the feeling of being happy and taking cared of by a man like Ken Chrysander.
"What do you mean to say, Neko?" naguguluhang wika ni Ken.
"Kung nandito ka para agawin ang puso ko kay Joaquin, hindi ka magtatagumpay. Ayoko ng mga babaero, hindi kita gusto at ayoko nang nilalapitan mo ako!" Matatag na sabi niya, ngunit halos magkabulol-bulol siya sa huling sinabi niya, dahil ayaw niyang sabihin ang mga salitang 'yon dahil kontra ang puso niya.
"I-I get it." Sabi naman ni Ken na biglang lumungkot ang hitsura, hindi siya sanay na makita itong gano'ng kalungkot. "I'm sorry for being persistent and annoying," anito, saka ito saglit na natahimik bago muling nagsalita. "Kung 'yan ang gusto at pasya mo, sige, hindi na uli ako magpapakita sa 'yo. So, I guess this is good bye?" Malungkot na sabi nito.
Napalunok siya nang mariin. Bakit ang sakit ng puso niya? Bakit naiiyak siya? Ilang araw pa lang naman niyang nakakasama ang lalaki, bakit feeling niya ay malaki na ang ipinuwang nito sa buhay niya?
Mabilis siyang tumalikod para hindi nito mapansin ang namumuong luha sa kanyang mga mata dahil sa weird na nararamdaman niya. Tumango siya dito. "Good bye." Aniya, saka niya binuksan ang gate, agad na pumasok sa loob at mabilis na isinara. Pumasok din siya agad sa loob ng bahay at agad isinara ang pintuan saka sumandal doon. Napahawak siya sa puso niya dahil kumikirot 'yon.
Ilang saglit pa siyang nakatayo doon bago niya narinig ang pag-alis ng sasakyan ng lalaki sa harapan ng bahay nila.
Ang weird dahil gusto niyang lumabas noon para habulin ito at bawiin ang lahat ng mga sinabi niya pero hindi na 'yon pwedeng bawiin pa.
LUMIPAS ang isang linggo. Pakiramdam ni Neko ay bumalik siya sa dating siya na; malungkot, bored na bored, lonely at hindi mahanapan nang dahilan para ngumiti. Kahit yata anong cartoons ang panuorin niya o gaano kadaming math problems ang i-solve niya ay hindi na mawawala ang lungkot na nararamdaman niya at hindi 'yon dahil kay Joaquin kundi dahil kay Ken Chrysander. Yes, she missed him already!
Na-miss na niya ang kakulitan nito, ang mapang-akit na mga mata at ngiti nito at ang ka-corny-han at pagiging high spirited nito. Nag-flashback tuloy sa isipan niya ang unang pagkikita nila. Natitiis nito ang kagaspangan ng ugali niya, ang mga kabaliwan niya at lahat-lahat.
Gustuhin man niyang uminom ng alak para makalimot pero kapag binabalak na niya ay mabilis na nag-a-appear sa harapan niya ang imaginary Ken at pinapagalitan siya nito, kaya hindi na niya naitutuloy. Tinamad na nga rin siya gumala sa gabi, instead ay naghanap na lang siya ng online na pagkakakitaan; tulad nang pagbebenta ng mga gamit niyang hindi na niya nagagamit, makalat na kasi sa kuwarto sa sobrang dami ng mga gamit niya.
"Oh my! Wala yata 'yong fake mong boyfriend."
Mabilis nag-angat ng mukha si Neko para salubungin ang nakakairitang pagmumukha ni Beverly. Nakangisi ito sa kanya nang nakakaasar. Malakas yata talaga ang radar nito at nahulaan din nito na fake lang talaga ang lahat sa kanila ni Ken. Nasa canteen siya noon at mag-isang kumakain.
"Ano'ng problema mo?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi rin ba nakatiis sa 'yo tulad ni Joaquin?" pang-aasar sa kanya.
Mas lalong napakunot ang noo niya. "Ano'ng pinagsasasabi mo?"
"Yeah, right. Hindi mo pa rin pala alam ng tungkol kina Joaquin at 'yong girl na kasama niya sa kotse no'ng maaksidente siya."Napatayo na siya sa kanyang kinauupuan at mabilis na hinila ang braso ng babae. "What are you saying?"
Nagkibit-balikat ito. "Narinig ko lang na bali-balita na no'ng time na naakisidente si Joaquin ay may kasama siyang babae, akala nga ng lahat ay ikaw 'yon pero iba. Alam ko ay nalumpo ang babae at dinala sa malayong lugar para ipagamot—at namatay si Joaquin."
Kumabog ang puso niya, ano'ng ibig sabihin ng babaeng ito? "W-Walang ganyang sinabi ang mga pulis sa akin at ang mga magulang ni Ken."
"Eh, malay mo, itinago lang. Sino bang naunang nakarating sa hospital sa inyo ng parents niya noon?" nakangiting tanong nito.
"I don't get you, Beverly. Ano bang gusto mong sabihin?"
"Na ipinagpalit ka ni Joaquin sa iba nang hindi mo alam."
"What the hell are you talking?"
Mabilis nitong binawi ang braso nitong hawak niya dahil humihigpit na ang pagkakahawak niya. "I shouldn't be telling you this but I couldn't stop myself. Bali-balita kasi sa amin since kapit-bahay ko sina Joaquin, may laging kasa-kasama siyang babae habang kayo pa." seryosong sabi nito. "We can be friends you know pero masyado kang hot tempered at hindi nakikinig sa sinasabi ng iba." Anito, saka na rin ito umalis.
Hindi tuloy maiwasang magulo ang isipan niya. May katotohanan ba ang lahat ng sinabi ni Beverly sa kanya? Oo at naramdaman niya ang panlalamig ni Joaquin sa kanya nang oras na 'yon at naalala niyang may importante daw itong gustong ibigay sa kanya na matagal na nitong gustong ibigay—may kinalaman ba 'yon sa mga sinasabi ni Beverly sa kanya?
Kumabog ang puso niya. Totoo nga kayang na-fall out of love sa kanya si Joaquin at habang sila pa ay may iba itong babae?
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Teen FictionPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?