The Start

1.2K 14 5
                                    

Kainis naman oh! Bakit pa kasi ako kinuhanan ng kotse ni lolo? 'Di niya ba alam na mahirap na magcommute sa panahon ngayon?

Kung 'di ko lang talaga kadugo ang matandang 'yun, baka matagal ko na ginupitan ang pormado niyang bigote.

Patawid na sana ako papuntang other side of the road nang may biglang sumigaw ng pangalan ko.

"Reeeeed!"

Huh? Sino naman yu— What the f? Sira na nga ang araw ko, sisirain pa talaga ng babaeng ito. Pwede bang sa susunod na araw nalang siya magpakita?

Sino siya? 'Di ko rin siya kilala. Ang alam ko lang, isa siya sa mga pumupuno ng locker ko tuwing February, June at December for the past 2 years. Narinig ko rin na siya raw ang creator ng facebook fanpage ko. Minsan nga nakakatakot na ang pagiging stalker ng babaeng yun sa akin.

"Uy Red! Teka lang!" sigaw niya habang tumatakbo.

At dahil masama ako, dali-dali akong tumawid at hindi na siya hinintay makalapit pa sa akin. Ang ingay-ingay niya kasi tapos sobra pang magalaw.

Nung nakatawid na ako sa kabilang side, saka pa lang siya nakatungtong sa kinatatayuan ko kanina. Ang bagal naman niyang tumakbo.

"Red! 'Wag ka muna sumakay! Sabay tayo!"

Nagsimula na siyang tumawid papunta dito sa side na kinatatayuan ko. Sinuot ko nalang ang headphones ko para hindi na marinig ang kaingayan ng babaeng ito.

"Red!"

Wow lang. Rinig ko pa rin ang boses niya kahit naka-headphone na ako at naka-max volume pa ito. Ilang decibels kaya ang sigaw ng babaeng 'to?

"Red Valderama!"

"Reeeeeed!"

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtawid at hindi man lang tinitingnan kung may sasakyan bang paparating.

"Reee—"

Sh*t! May paparating na sasakyan! Bakit nakatunganga lang siya dun?! Magpapasagasa ba ang babaeng yun?!

Kung ililigtas ko siya, may 100% chance na mapupunta ako sa hospital at kung 'di ko naman siya ililigtas, may 100% chance siyang mapunta sa hospital.  Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Walang kwenta ah.

Ugh! What to do? What to do? What to do? Ililigtas ko ba siya? Baka ako naman ang mapahamak sa gagawin ko? Alangan naman pabayaan ko nalang siya mamatay sa katangahan niya? Bahala na nga.

"Tabi!" tinulak ko siya papunta sa gilid habang ako, eto, nasa harapan ng mismong kotse. Goodbye Red...

.

.

.

.

.

*Booooooooooooooooooogsh!*

Naramdaman ko na lang ang tigas ng semento sa aking likod at kanang kamay. Kung mamamatay man ako sa oras na ito, mumultuhin ko talaga ang babaeng yun.

Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi ng mga taong nakapaligid sa'kin. Unti-unti na ring lumalabo ang aking paningin hanggang sa nawalan na nga ako ng malay.

**

A/N: Hi! This is my first story :) Please bear with me. Thank you!

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon