ANG SIMULA
June 2013
"Maria!" napalingon ako sa tumawag sa napakahinhin kong pangalan. "Ano na naman yon Jas?" tanong ko sa kaibigan ko ng makalapit sakin mula sa pagkakatakbo. Medyo hinihingal pa siya. "Tignan mo, oh. Nagpapa-audition sila para sa mga marunong tumula." Napairap ako. "Jas, alam mong makapal mukha ko pero alam mo namang nanginginig ako pag nakatungtong na ko sa stage diba." Napasimangot siya. "Maria naman eh. Birthday gift mo na lang sakin oh." This time napabuntong hininga ako. "Sige na nga. Wag ka na manghihingi ng regalo, ah." napangiti naman siya. "Opoooo," inabot niya sakin yung papel ng announcement.
Ikaw ba ay mahilig sumulat ng tula? At marunong bumigkas ng mga ito?
Inaanyayahan ka namin na sumali sa darating na patimpalak sa susunod na Huwebes, alas tres ng hapon sa gymnasium ng ating eskuwelahan. Maari kang kumuha ng form sa ating mga mahal na Student Council officers. Maraming Salamat.
Tumibok ng mabilis yung puso ko pagkabasa ko sa "student council officers" . Ibig sabihin lang naman kasi non, makikita ko yung crush ko na si Ace. Dahil dun, maraming tumakbo sa utak ko na mga maaaring isulat pag-uwi. "Hoy, Maria? Nakikinig ka ba sakin?" napa-awang ang bibig ko nung nakabalik ako sa realidad dahil sa pag kalabit sakin ni Jas. "Ha?" inirapan niya ako. "Sabi ko sila Ahron nasa canteen na hinihintay tayo." Ngumiti ako. "Ahh. Okay." naglalakad na kami ni Jas ng may naaninag akong pamilyar na mukha. So familiar that my heart dropped.
"Teh si Ace ba yan?" tanong ko sa kaibigan ko. "Oo, namimigay ng fliers para siguro dun sa sasalihan mo. Sakaniya ko nga nakuha tong pinabasa ko sayo eh." Tumango ako. Ampogi niya. Ang linis niya tignan kasi bagong gupit siya.
Damn.
Ang sherep.
Nung malapit na kami sa gawi ni Ace nagpasada ako ng kamay ko sa buhok ko. Para hindi naman magulo tignan. Nagpunas din ako ng pawis. Hehe.
Sinadya kong tignan siya para ngitian. Mga mars. Nginitian niya ko pabalik. Naramdaman ko yung unti-unting pagbagal ng senaryo kasabay ng marahang pagtibok ng puso ko.
Pagpasok namin sa canteen tumakbo agad ako sa gawi ng mga kaibigan namin. "Mga besh! Nginitian ako pabalik ni Ace ko, grabe. Pakiramdam ko crush niya rin ako. How to calm? How to callllmmm??" Naghi hysterical ako na parang tanga sa harap nila Ahron at tinatawanan nila ako. "Libog lang yan, Maria." sabi ni Bryel na kumakain ng sundae. "Ipasak ko kaya sa ngalangala mo yang baso ng sundae mo. Epal neto." I pouted. "Sabi ni Jas sasali ka daw sa spoken poetry?" tanong ni Cris. "Yeeepp. Birthday gift ko na daw sakaniya eh." Umayos ako ng upo. "Siguro naman madami na pumasok na mga salita diyan sa bokabolaryo mo nung nginitian ka niya. Pabasa kami ng piyesa mo, ha." Siniko ako ni Ahron. "Sobrang dami. Lahat ng magagandang salita na tumutugma para sa kaniya isusulat ko." I sighed. Natawa sila sakin.
"Alas kuwatro na. Uwi na tayo?" Pagyayaya ni Bryel. "Tara."
Tahimik lang akong naglalakad palabas ng school habang nagk-kwentuhan sila Jas at ang tropa. Dalawa lang tumatakbo sa utak ko ngayon.
Ich-chat ko si Ace o Hindi?
We waved our goodbyes at nagkahiwa-hiwalay pagtawid sa kabilang kalsada. Tumakbo na ko pauwi at agad na nag-online sa facebook. Sakto online siya. Nagbihis muna ako at naglipit.
Hi ^_^
Parang tanga akong nagpipigil ng tili dahil sa kilig at excitement. Mga ilang segundo lang na-seen niya na ang message at agad na lumabas ang tatlong tuldok, sign na magre-reply na siya.
Hello, Maria :---))
Marami kaming napagusapan ni Ace. Bukod sa spoken poetry. Sabi niya siya daw magbibigay ng form sakin bukas para daw hindi na ako mahirapan sa pagpila sa registrar. Mga 12 am na nung nag- goodnight kami sa isa't-isa. Umupo ako sa study table ko at kumuha ng blankong papel at ballpen.
Inumpisahan ko sa pagsabi ng "hi"
Ikaw naman ay agad na nagreply.
Oo na kinikilig ako ayoko na mag-deny,
Papaano ba naman kasi, hinahangaan kita walang sablay.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Teen FictionMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)