THE TRUTH BETWEEN THE LINES
Maraming nangyari sa loob ng dalawang linggo. Dalawang linggo na lang din bago yung contest. Sobrang maayos kami ni Ace. Sabay na nga kaming umuuwi eh. Kumakain muna kami ng kwekwek sa may kanto ng school bago kami umuwi. Marami kaming napagkwentuhan. Pinakilala niya ako sa ate niya na fourth year highschool. Kinikilig pa ko nun kasi nagtanong ate niya kung girlfriend niya ako, sabi niya 'hindi PA'. "PA" "PA" ibig sabihin may balak siyang ligawan ako? O maging kami? Hindi naman sa umaasa ako pero umaasa na talaga ako. Ang harot ko. Katorse anyos pa lang ako pero ang kiri ko na. Shemay.
"Huy teh sabi ko pabasa nung piyesa mo." Natawa ako. Pag tapos na." Kinindatan ko siya. "Hay naku, Maria ah. Nakakatakot ka na." Sabi ni Cris. "Ha? Bakit?" tanong ko naman.
"Paano, masyado mong nilalapit yung sarili mo kay Ace. Wala namang kasiguraduhan kung liligawan ka nga ba niya." Tumango si Bryel. "Pano ba naman pre. Crush mo na yun tapos close pa kayo. Hindi ba't malapit na mag level-up? Onting onti na lang siguro Maria liligawan ka na nun. Dalawang linggo pa lang naman. Wag tayo magmadali." Tumango naman ako sa sinabi nilang dalawa.
Pagkatapos ng klase, nagulat ako kasi nasa harap ng pintuan si Ace. Siniko naman ako ni Jas. "Teh manliligaw mo." Humagikhik siya. "Baka." tumawa ako. "Hi Maria, Hi Jas." tinanguan ni Jas si Ace. "Hi Ace." sabi ko naman. "Tara uwi na tayo?" pagyayaya ni Ace. Tinignan ko si Jas. "Una na ko guys. Hehe." And with a poof nawala na si Jas. "Tara na?" sabi ko kay Ace na medyo tahimik. He is not even smiling. "Ace?" Tila bumalik siya sa katinuan pagtawag ko sa pangalan niya. "Ha? Oo tara na." Nauna siyang maglakad at sumunod na lang ako sakaniya. Ewan ko pero may mali talaga. Bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba. Parang may mangyayari.
Huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako. "Maria, pwede ba tayong magusap?" Ngumiti ako. "We are already talking." Lumunok siya. "Hindi...yung tayo lang?" Napaisip ako ng tahimik na lugar. "Sa likod ng stage?" He nodded.
Parang alam ko 'to.
Hindi ako tanga. Dalawa lang pwede niyang sabihin. Ang mahal niya rin ako o itigil ko na, namin. "Maria... hindi ako bulag para hindi makita na gusto mo ako," napamura ako sa isip ko. "At hindi rin naman ako tanga para paasahin ka sa wala." bumigat yung atmosphere. Parang nawala lahat ng hangin sa lungs ko. Parang binagsakan ako ng sako ng bigas. "Maria," hinawakan niya ang kamay ko. I smiled sweetly at him. Ito na ata yung huling beses na ngingiti ako sa harap ni Ace Abad. "Sorry." yumuko siya. "Okay lang." hindi nawala yung ngiti ko. Kunwaring tinignan ko ang wristwatch ko. "Sasabay na lang ako sa paguwi nila Ahron. Bye, Ace. Thank you." Tumayo ako at inayos ang bag ko bago naglakad palabas...paalis sa buhay niya.
Hindi naman ako tanga na magd-drama dun at ipagsisiksikan ang sarili kay Ace, ano. Bata pa lang naman ako. Marami pang pwedeng mangyari sa buhay ko. Sinong broken hearted? WALAAAAA. Sinong malungkot? WALA. Aish! Para akong siraulo na naglalakad papunta sa gym kung saan nagt-try out si Ahron. Pabagsak akong umupo sa unang row ng bleachers. Varsity ng volleyball si Ahron kaya may scholarship siya. Nagmasid ako sa mga ka-team mates niya. Yung iba beki pero pogi. Tapos may mga nakaupo na mga lalaki sa kabilang side ng bleachers. Nakatingin sila sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ganda ko, charot.
"Oh? Bat andito ka?" Umupo si Ahron sa tabi ko habang nagpupunas ng pawis. "Wala lang gusto ko lang manood." Sumilip silip pa siya sa likod ko. "Asan si Ace mo?" Umirap ako. "He's not mine." Tumaas ang dalawang kilay niya at tumawa. "May nangyari ba? LQ kayo?" bumuntong hininga ako. "Nagusap kami five minutes ago... kaya ititigil ko na yung kalokohang namamagitan sa aming dalawa." lumakas yung tawa niya kaya hinampas ko siya sa braso. "What the hell? Ambait naman niya para abisuhan ka kung ganoon." I made a *oo-pero-ang-sakit-sakit-pa-rin* face. "Bayani pala siya. Pero alam mo? Kung nung umpisa pa lang di na niya ako in-entertain, di ganito. Nagsayang lang pala ako ng two weeks." Ngumiti si Ahron and he patted my shoulder. "Maria, marami pang puwedeng mangyari. Dalawang linggo na lang din spoken poetry contest mo na. Dapat tapos mo na yung piyesa mo tapos kabisaduhin." I nodded. "Tatapusin ko na yun bago ako matulog mamaya."
~~~
Author's note :
hello guys! how is it going? boring ba? hehe. let me know by your comments ^_^
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Teen FictionMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)