10

29 2 0
                                    

March 2015

"Baliw ka, bakit mo tinanggihan yung sa cotillion?" sumimangot ako kay Luis. "Ayoko sumayaw na hindi ikaw ang ka-partner." kinurot niya ang pisngi ko. "Grades din yun eh, sayang naman." sabi ko pa. "Ayoko pa rin." natatawa niyang sabi. Si Ahron at Jastine magkapartner ngayon. Wala daw namamagitan sa kanila. Pag tinatanong namin sila.

Wala kaming klase dahil sa susunod na dalawang araw ay Junior and Senior's Promenade na namin. Sabi nung principal ay para daw hindi kami mukhang stressed. "May susuotin ka na sa prom? Anong kulay? Para parehas tayo." pinagsalop ni Luis ang kamay naming dalawa. "Wala pa e. Titingin pa lang kami ni Jas bukas sa boutique ng mama niya." mabait ang mama ni Jas. Sobra. "Hmm, excited na ako." ngumiti ako sakaniya. "Sa prom?" 

"Sa pag 'oo' mo sa akin. Habang patagal ng patagal lalo akong nae-excite." he chuckled.

Tatlong buwan na kaming nagliligawan. Sa June ko na siya sasagutin, sa birthday ng mama niya. "Konting hintay pa Luis. Okay yang ma-excite ka wag lang ang mainip." natatawa kong sabi. 

-

Kinabukasan ay di na kami pumasok nila Ahron. Nakatambay kami ngayon dito sa bahay dahil sabay-sabay daw kami pupuntang boutique nila Jas. Dala ni Bryel ang sasakyan at driver nila. Nasa sala sila at naguusap ng mga bagay na hindi ko ma-gets. Online games at basketball...babae. "Tara na?" pagaaya ko sakanila. Si Luis ay nasa eskuwelahan ngayon ng mama niya para tulungan ito sa paguwi ng mga projects ng estudyante ng mama niya doon. Naisipan ko siyang itext.

Maria : 

Paalis na kami Luis papunta kela Jas. Ingat ka diyan ha? 

Luis :

Sorry Maria ko at hindi ako nakapag text sayo. Busy masyado si mama at tinutulungan ko na din siyang magrecord. I love you.

Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang pagtili. "Luh, ang harot." pagsiko sa akin ni Jas at tumawa naman si Ahron na nasa kaliwang side niya. Wala silang ibang ginawa ni Ahron sa byahe kundi ang magharutan. Na-miss ko tuloy si Luis. "Dito na lang po manong. Ako na lang po uuwi magisa, salamat po sa paghatid." sabi ni Bryel sa driver nila at nagpasalamat din kami bago bumaba. 

Pagdating namin sa boutique nila Jas ay sinalubong ako ni Tita ng yakap. "I missed you iha." sabi nito at humiwalay sa yakap. "I missed you din po." Ang gaan ng ambiance nung tindahan nila at Thinking Out Loud ni Ed Sheeran ang tumutugtog. Nabaling ang tingin ko kay Jas at Ahron na nagtutusukan ng tagiliran. "Sila ba?" tanong ni Tita sa amin. "Hindi po namin alam." natatawang sagot ni Cris. "Masyado silang malihim." dagdag pa nito. 

Pinasukat sa akin ni Tita ang isang light blue na cocktail dress. sakto ito sa akin kaya di na ako naghanap pa. Si Jas naman ay naka dark blue na gown. Ang ganda ng kaibigan ko. 

"Ano dai? Bagay ba sakin?" pagtatanong niya habang nasa salamin. "Oo sobra." sincere kong sagot. Lumabas na kami at pinatignan kay tita ang ayos namin. "Ang ganda ng mga anak ko," nabitawan ni Ahron ang magazine na binabasa niya at natigil sa kwentuhan si Cris at Bryel. "Ang ganda nila mga iho ano?" humagikhik si Tita. 

Nagbihis na din kami at pinabalot ang mga damit. Sa makeup ay yung tita ni Jas na daw ang bahala sa akin. 

-

Luis :

Susunduin kita mamaya. Tinerno ko ang necktie ko sa kulay ng dress mo. I love you so much, Maria ko.

Maria :

See you later, Luis.

Six pm ang call time sa Rembrandt. Five thirty nung dumating si Luis sa bahay. He was awfully handsome sa suot niyang three-piece suit. "Tara na, Maria ko." he winked at me at binuksan ang pinto ng sasakyan. He has a driver with us. Yung mama niya nasa passenger seat. Wala na itong sinasabing iba bukod sa, "You really look good together." 

Pagdating namin sa hotel ay nagaya ng picture taking ang mama ni Luis. "May pang dp na naman ako," bulong niya sa akin habang nakahawak ang kamay niya sa bewang ko.

Sumakay kami sa elevator na magkahawak ang kamay. I mean...hanggang loob ng venue ay hawak niya pa din ang kamay ko. "Ayoko magsayaw ng iba, Maria. Ikaw lang ang isasayaw ko sa dancefloor buong magdamag." natawa ako sa kaniya. "Pano na yung mga babaeng may gusto sayo?" tinignan niya ako. "Wala naman akong pake sakanila eh." he shrugged. Grabe, ang pogi naman pala. Hahahaha.

"Good evening ladies and gentlemen. I am here to announce, that you may now have your first dance." napalitan ang background music ng kanta ni Ed Sheeran. Nagkakaroon na din ng couples ang dance floor. "May I have this dance, miss?" natatawa kong tinanggap ang palad niya.

And darling I will be lovin' you 'til we're seventy

Imbes na nasa balikat niya ang kamay ko at nasa bewang ko ang kamay niya, Niyakap ko siya. "Luis, salamat at dumating ka sa buhay ko." I almost whispered. "Sobrang halaga mo sa akin." Humigpit ang yakap ko sa kaniya.

We found love right where we are


Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon