Happiest birthday to the best guy in the world! James, I love you.
Minahal na kita agad mula nung nagkausap tayo, minahal na kita simula nung nasakyan mo lahat ng trip ko sa buhay. Minahal na kita simula pa lang nung magpakilala ka.
Ang sarap sa pakiramdam na minahal mo rin ako, sobrang saya ko James. Pinakilala mo sa akin kung gaano kasarap mag almusal sa umaga, pinatikim sa akin ang tamis ng pagibig, pinaramdam sa akin kung gaano ako kahalaga, at minahal mo ako sa kung sino man ako, James. Salamat.
Kung sa pagkakataong binabasa mo ang email na ito wag mo sa akin sasabihin. Nahihiya kasi akong sabihin sayo ng personal ang mga bagay na to.
Kung binabasa mo ito ngayon pero wala na ako sa piling mo, sorry kung ako ang dahilan pero kung sa tingin mo ikaw, thank you pa rin dahil naging parte ka ng buhay ko.
Magiingat ka palagi, James. Mahalaga ka sakin kaya ingatan mo sarili mo. Wag kang matakot mag open-up sa akin ng mga problema mo sa buhay, pwede mo akong human diary. Huwag kang mahihiya sakin magsabi ng kung ano mang nararamdaman mo. Nandito lang ako para sayo. Sobrang mahal kita.
Pagkatapos natin maging okay, hindi na ako nakapagsulat ng tula. Hindi na ako marunong malungkot. Hindi na ako marunong umiyak. Salamat sayo. Sobrang salamat.
Happy Birthday ulit sayo, James! Mahal na mahal kita!
- Maria Asuncion Rivera
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Teen FictionMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)