3

46 3 0
                                    

MISSING DORK

"WHAAATT??" Nailayo ko sa tenga ko yung cellphone ko dahil sa boses ni Jas. "Tangina, di ako bingi." Umirap ako. "Hindi...kasi...ano ba nangyari?" 

Sabado ngayon at nakahiga pa rin ako sa kama ko katabi ang maliit na notebook kung saan ko isinulat yung piyesa ko. "Ewan ko...basta nagising ako kanina wala na siya sa akin." napa-buntong hininga siya. "Ang tanong...naging sa iyo ba?" I rolled my eyes. "Edi hindi na. Mga almost. Muntik na." bakas sa boses ko ang hinayang. 

Hindi rin ako nakatulog. Wala akong ibang ginawa kundi mag backread. I am finding reasons why it gone wrong. Saan may mali. Pero wala akong makita. Baka naman kasi may iba siyang gusto at hindi ako yun. Bakit niya pa ako pinakilala sa ate niya? Kaibigan niya kasi ako. "Hoy nakikinig ka ba sa akin?" napapikit ako. "Hindi. Agh!! Tangina. Nasasaktan ako." tumulo ang luha mula sa mata ko. I sniffed. 

"Hays. Hayaan mo na muna, Maria. Ang payo ko lang sayo wag ka na mag backread. Umiwas ka na rin sa kaniya." napalunok ako. "Okay," she sighed. "Wag ka nga. Hindi ako sanay na malungkot ka. Pag-ibig nga naman talaga. Sobrang delikado." hindi ako sumagot. Totoo naman. Sobrang delikado. Ang landi ko kasi eh. Yan tuloy.

"Sige na gurl, magsusulat na ako. Salamat." I ended the call. Ibinagsak ko ang phone ko sa kama ko. Hindi ko maipagkakaila na sobrang lungkot ko. 

Tumayo na ako at naligo. Kinuha ko ang ballpen at ang notebook na sinusulatan ko. I took a deep breath. Napagpasiyahan kong ibahin yung tula. Gusto ko sa araw at oras na marinig niya ang bawat salitang binibigkas ko, malaman niya kung gaano ako nasaktan. That was my objective.

Nag-umpisa sa pagchat ko sayo ng 'hi',

Agad ka naman sa akin nag-reply

Kinilig ako syempre ayoko na mag-deny,

Doon ko nasabi na ang puso ko talaga sayo'y patay na patay.

Ikaw ang dahilan kung bakit masarap ang almusal sa umaga,

Ang inspirasyon sa bawat letra at kataga na isinusulat ko sa aking mga tula...

Pinapasaya mo ako ng sobra.

Lumipas ang dalawang linggo,

Maraming nagbago.

Napadalas ang paguusap at pag kasama kita tila ba handa akong talikuran ang lahat ng problema sa mundo,

Sapat na sa akin ang ikaw...at...ako.

Sa bawat pintig ng puso ko sinisigaw nito ang pangalan mo.

Hanggang sa dumating ang kinakatakutan ko.

Kahit kasi walang kasiguraduhan, pinusta ko pa rin ang puso ko.

Ayan tuloy nasaktan ako. Oo! Nasasaktan...ako.

Akala ko ang magandang ugnayan sa pag-ibig magkakatuluyan ngunit ;

Akala ko lang ang lahat.

Pero gusto pa rin humingi ng salamat,

Dahil kahit paano naging parte tayo ng buhay ng bawat isa.


Sumimangot ako nung natapos ko na yung tula. Wala ako sa mood kumain. Ang alam ko lang nasasaktan ako. 

-

Two weeks already passed at competition na. Maraming tao sa gym pagkasilip ko mula sa back stage. May naalala ako dito. Dito ako naiwan. I mean, pinalaya. I mean...nasaktan. Nagsasalita na ang emcee at yung nag organize ng event busy sa pagbibigay samin ng motivation. 

Sana nanonood siya.

Pangatlo ako sa mga magpe-perform. Kinakabahan ako pero mas lamang ang lungkot. 


"And now, our third contestant, Miss Rivera." napalunok ako pagkabukas ng kurtina at pagtapat ng spot light sa akin. "Uhm...ako nga po pala si Maria Rivera...galing sa grade eight. Itong tulang isinulat ko ay para sa mga pusong mahilig sa sugal, mahilig sumugal." Naghiyawan ang mga tao. "Nang walang pamusta. Kaya sana magustuhan ninyo." I smiled. "HOOOO!! KAIBIGAN NAMIN YAN!!" Dinig ko pang sigaw ni Bryel habang si Cris may kulay pink na cartolina.


"Mars! Sa lahat ng contestant natin siya yung may pinaka masakit na tula," sabi nung isang emcee na nakahawak sa dibdib niya. "Para kanino kaya iyon ano?" sabi nung isa. Pagkasara ng kurtina, bumuntong hininga ako. Hindi ko siya nakita sa mga manonood. Wala siya para pakinggan man lang ako. Sayang.

"OMG BESSYYYY!!!" Sinalubong ako ni Jas pagpunta ko sa gawi nila. "Buti hindi ka naiyak." natatawang sabi ni Ahron. Umirap ako. "Hindi ko nakita ang anino ng ex mo, Maria. Umiiwas ata sayo." napakurap ako sa sinabi ni Cris. Umiiwas

Maya-maya pa ay nagsalita ulit ang emcee. "So we are back to announce the winners. Umpisahan natin sa second place." binuklat nila ang papel. Tinawag nila yung unang nag perform. Pinalakpakan namin siya. "Ikaw champion dito gurl," bulong sa akin ni Jas. "First place," tinawag naman nila yung nagperform pagkatapos ko. "And para sa champion, Miss Maria!" Nakangiti akong umakyat sa stage. Sinabitan ako ng medal at inabutan ng certificate. Ewan ko pero parang wala lang. Wala kasi ung pinagalayan ko ng tula.


Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon