September 2016
"Jas, si James Balderama nga pala, bago naming kaibigan." binaba ko ang kubyertos at tinignan ang lalaki. Nginitian niya ito. "Hi." ngumiti ito pabalik. "Hello."
"Ito naman si Maria." nginitian ko lang siya. "Aw masungit?" sabi nung James at tumawa sila Cris. "Hindi. May dalaw lang siguro." umirap ako sa kaibigan kong siraulo.
Naging mainitin ang ulo ko sa mga lalaki simula nung ganap kay Luis. Maliban na lang sa mga kaibigan ko.
Masaya kami ngayon sa unibersidad na napasukan namin. May mga kaibigan din ako sa classroom pero hindi ko nga lang ganoon ka close. Si Jas pa rin talaga ang pinakabestfriend ko. Sila Bryel naman ganoon din. Yung James nga lang ata ang naiiba kasi pinakilala pa sa amin, e.
Pagkatapos naming kumain sa canteen ay sabay-sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Last class bago mag-uwian. "Pag ikaw Maria mapano diyan bahala ka," pagsuway sa akin ni Jas nung naglakad ako sa grass field. "Mapapano ba ko?" natatawa kong sabi at napatili nung natapilok ako.
Bakit ba ang tanga ko in all levels.
Napaupo ako sa sobrang sakit. Natatawa ako na naiiyak. "Saan ang masakit?" sabi ni Ahron. Tinuro ko ang ankle ko. "Masakit ankle mo?" natatawang tanong ni Bryel. "Ha? Wala dito tiyuhin niya pre." napanganga kami kay James. Mga three second pause at humagalpak kami sa tawa.
"Shit! Di ko kinaya," sabi ni Jas nakahawak sa tiyan niya. I bit my lip to stop myself from laughing. Hindi ko na naramdaman ang sakit nung tumayo ako. "Uyy, napatawa ko yung masungit." sabi niya ulit na ikinatigil ng tawa ko at kinakunot ng noo ko. Ngumiti lang siya sa akin.
Nung paakyat na kami ay may nakalagay na kulay pink na papel sa bulletin board. Announcement siguro.
What : Magic Ball
When : October 29, 6 pm
Where : Gymnasium
Attire : FormalMay naalala na naman ako. Yung yakap at yung mga sinabi ko kay Luis noong grade nine. Damn, sa sobrang bitter ko hindi ako sumama noong grade ten sa promenade namin. It just hurts.
"Sino dito willing sumali sa cotillion?" pagtatanong nung president namin. May nagtaas ng kamay na tatlong babae. Sila Sheryl, Karla at Josef. Nilista sila ng president. "Bukas ang practice neto. Stay online mamayang gabi kasi gagawa ng group chat ang head teacher para dito." sabi niya at naupo na.
...
Pagkauwi ko ay nagbihis agad ako at kumain para rekta tulog na. Nag notif sa akin ang post ng head teacher about sa cotillion. May attached picture din na nakalista ang mga magkakapartner para sa cotillion.
Sheryl Jaden and Luisito Esquivel
Napakurap pa ako at zinoom in yung photo. We're on the same school? Hindi ko alam yun ah.
James Balderama added you
Bago ko i-accept ay ini-stalk ko muna siya. Puro League of Legends din ang posts at ngayon alam ko na kumbakit kasundo siya nila Cris. I accepted his friend request at agad naman na lumitaw ang chat head niya.
James :
Hi!
Maria :
Hi
James :
Sasali ka ba sa cotillion?
Maria :
No
James :
Kilala mo si Sheryl?
Maria :
Classmate ko
James :
Eh yung Luisito?
Natigilan ako.
Maria :
Oo
James :
Can you please help me?
Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.
Maria :
Di nga tayo close nanghihingi ka na agad ng favor.
James :
Sige na. I owe you bigtime pag hindi sila natuloy sa pagsayaw o di kaya ay ako ang magiging partner ni Sheryl. Please please please?
Sumakit ang ulo ko pagkabasa ko sa message niya. Ano to? Mission impossible?
Maria :
I can't do something dahil di kami close ni kahit isa sakanila.
James :
I am courting Sheryl and I dont want to see her dance with anyone else but me...
May naalala na naman ako. Hay! Ano ba to?
Maria :
Edi isend mo sa kaniya yan! Malay mo kiligin at mag back out.
James :
Hindi niya ako nirereplyan.
I took a deep sigh.
Maria :
I'll try my best. Wag mo ako i-talkshit ha. Gusto ko ilibre mo ako for one month pag sakali na nagtagumpay tong kalokohan mo.
James :
THANK YOU! OO PROMISE. I'LL TREAT YOU BETTER THAN HE CAN HAHAHAHAHAHA GOODNIGHT MARIA.
Maria :
So feeling mo ikaw si Shawn? Night.
Nag-vibrate pa ang cellphone ko but di ko na tinignan. Ambigat na ng eyelids ko.
Tutal kesa magpakamukmok, maganda to at may mapapasaya ako kung sakali.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Teen FictionMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)