15

20 1 0
                                    

WASTE OF TIME

I dont know pero napayakap na lang din ako kay James. Unang beses ko maka-encounter ng lalaking umiiyak. Sobrang bago nito. "Tara nga, pasok ka muna." pagyaya ko sakanya at binuksan ang gate.

Kumuha ako ng tubig sa kusina at inabot sa kanya. "Inom ka." kinuha niya iyon at binawasan. "Ano ba nangyari?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung pang ilan na pero ang sakit pa rin. Ang sakit pa rin pag sinasabi niya sa akin na hindi niya ako kayang mahalin," nakayuko niyang sabi. Hindi ako maka-imik. Ang sakit masyado nung statement niya, hindi ako ready.

"Siguro mas maganda kung itigil na kung hindi talaga pwede, James." I sighed. Yun lang naman naisip ko eh. Hindi na siya masasaktan kung siya na mismo ang lalayo kay Sheryl. Sobra na siyang nasasaktan, he needs rest.

"Paano? Kadikit na ng sistema ko ang paghatid kay Sheryl sa school kahit ayaw niya. Goodmorning at goodnight texts ko na tuloy tuloy kahit wala siyang reply o seen. Hindi naman importante sa akin na hindi niya ako gusto...o mahalin pabalik. Gusto ko lang malaman niyang gusto ko siya. Gustong gusto ko siya."

Kung alak ang tubig na iniinom niya ngayon siguro lasing na siya. Pinakinggan ko yung hinanaing niya para lumuwag ang damdamin niya.

Mga nine pm na nung nagdecide siyang umuwi. Natuwa nga ako sakanya kasi nagluto siya ng hapunan namin. "Hindi ko alam na ikaw lang pala magisa nakatira dito. Sana pala humagulgol na ko." I chuckled. "Baliw," ngumiti siya. "Salamat James. Ngayon lang ulit ako nakakain ng tunay na pagkain. Yung lutong bahay."

"Wala yon, Maria. You made me feel better. Bayad ko na yung pagluluto ko." sumandal siya sa gate. "Sige, maaga pa pasok ko bukas. Bye. Ingat ka wag ka magpapasagasa, ha?" bilin ko sa kaniya. "Masyado akong pogi para mamatay ng maaga." umirap ako sakaniya. "Goodnight, Maria." ginulo niya ang buhok ko at naglakad na siya paalis.

...

"Payment slips, pakilagay na lang dito..." aligagang sabi ng president namin. Bukas na ang Senior Night at maayos naman si James. Sabi niya pagkatapos nito, magm-move on na daw siya.

"Teh!" kumapit si Jas sa akin. "Oh?" pinakita niya sakin ang isang papel.

Can I be your date for tomorrow night, Miss Rivera?

- L

"Kelan niya inabot?" tinupi ko ang papel. "Kanina lang. Nakasalubong ko siya sa canteen. Ano? Payag ka?" siguro sinuhulan to ni Luisito. Ngayon lang namilit to eh. "Hindi." sumimangot siya. "Alam mo teh, pumayag ka. Maganda yan para magka kwentuhan kayo tungkol sa mga ganap sa buhay niyo at di kayo awkward sa isa't-isa."

Napaisip ako sa sinabi ni Jas. Oo tama. Yun ang kailangan namin ni Luis. Kahit hindi naging kami, we need to fix the broken string between us.

"Okay. Sabihin mo, pumayag ako." lumaki ang ngisi ni Jastine. "Sure thing!" lumabas na siya sa room. "Baliw."

...

General assembly ngayon para bukas. Tinuro sa amin ang pwesto namin pero sugurado akong iiba-iba to. Yung iba tatabi sa girlfriends at boyfriends pati sa mga kaibigan. "Bukas girl ha, 4 pm kami pupunta  sa bahay mo. See yah!" nagbeso sakin si Jas at umalis na.

"Maria!" napalingon ako sa tumawag sa akin. "James." malaki ang ngiti niya. "Pwede ba kitang maging date bukas?" I dont know...but my heart skipped a beat.

Kung papayag ako dito, mato-talkshit ko si Luis. Pag tinanggihan ko to, magtatampo to. "Wala ka bang ibang napiling date bukod kay Sheryl?" sumimangot siya. "Is that a no?"

"Niyaya ako ni Luis eh, nauna siya magyaya kaya pumayag ako." lalo siyang sumimangot. "Debale! Basta dapat maisayaw kita." kinurot niya ang pisngi ko. "Oo naman isasayaw ko kayo nila Ahron, kaibigan ko kayo eh." natatawa kong sabi. "Tapos na practice?" sabi ko sa kaniya. "Last one na lang tapos uwian na. Gusto ko na matapos to, para umpisahan ko na ang paglimot." he chuckled. "That's good to hear, mister James. Determinado kang kalimutan talaga siya." sumandal siya. "Tama na siguro ang paghihintay sa wala." he sighed. 

"Waiting is just a waste of time."

Siguro nga. Tama.

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon