21

14 0 0
                                    

Tapos na ang christmas break at back to normal na. Kalbaryo nga lang ang pagligo dahil sa lamig. "Belated happy birthday!" bati sakin ng isa kong classmate pagkapasok ko sa room.

Wala akong matinong kain at tulog last week pa. Sino ba naman kasi ang makaka-tulog ng mahimbing at makaka-kain ng nasa ayos kung alam mong hindi rin kumakain ng matino at nakakatulog sa gabi habang umiiyak dahil sa kagaguhan mo?

"Salamat." umupo ako sa assigned seat at naghintay ng mga profs pero wala kahit isang dumating. I rolled my eyes.

Naglalakad ako papuntang gym para manood na lang ng training ni Ahron. Nasa entrance pa lang ako ng gym dinig ko ang tawanan nila Bryel...kasama si James.

"Maria!" tawag sa akin ni Cris at napahawak ako ng mahigpit sa straps ng backpack ko. Mabagal akong lumapit sa kanila pero mabilis ang tibok ng puso ko. "Hi." halos hindi ako humihinga nung binati ako ni James.

He was smiling at me. "Hi." bati ko pabalik at naupo sa tabi ni Bryel. Nasa kabilang dulo siya. "Wala ka ng klase?" Bryel asked. "Wala na."

"Tara game harbour!" pagaaya ni Ahron. "Tara, tara." James stood up. "Sasama ka ba sakin Maria?" tanong niya sakin na kinakurap ko. "Sayo lang? Dapat kasi 'sa amin' yung gamit mong panghalip." nakangising sabi ni Cris.

Nag decide kami na maglakad na lang papuntang game harbour. Wala namang kaso sa akin na maglakad ng malayo kasi sanay naman na ako.

Kada streetfood stand na madaanan namin, humihinto kami kasi bumibili sila Cris. "Belated happy birthday." napalingon ako kay James na nakatayo lang sa tabi ko. "Thanks." binuksan niya ang bag niya at naglabas ng bagay na nakabalot sa gift wrap.

"Bigay ni Lola." napahigit ako ng hinga. "Pakisabi salamat." isinilid ko sa bag ko ang regalo. "Kamusta ka na daw..."

Yumuko ako baka sakali na mahanap ko yung mga tamang salita na sasabihin ko pero wala. "Ayos lang." tumango tango si James. "Musta kayo diyang magkaibigan?" Ahron chuckled.

Hindi na kami nagusap ulit ni James hanggang makarating kami sa game harbour. Naghanap kami ng pwesto at umupo. "Sagot ko na oras ni Maria. Pabirthday gift." Cris na naglabas ng wallet. "Salamat." natatawa kong sabi.

Hindi ko katabi si James. Umiwas din ako kasi nahihirapan akong kumilos pag katabi ko siya. Nagumpisa na ang game namin at magkasama kami sa bot lane ni James. Si Cris ang top, Bryel ang mid, at si Ahron ang jungle.

...

"Salamat sa inyo," sabi ko sakanila na hinatid ako hanggang bahay. Naglakad na palayo sila Bryel pero si James naiwan.

"Maria," lumapit siya sa akin, napalunok ako. "James?"

"I missed you calling my name." bumilis lalo ang tibok ng puso ko. "Ahh." yan lang ang lumabas sa bibig ko. "Maria, are we alright? Bakit kaya hindi pwede na maging tayo kahit mahal natin ang isa't-isa?" Every word he said went right to my heart and I felt nothing but pain.

"James...mataas ang level mo. Hindi ako ang babaeng deserving para sa pagmamahal mo." yumuko ako. "Yan ba ang iniisip mo the whole time? Kaya iniwan mo ako?" I bit my lip habang dahan-dahang tumatango.

"Maria, I dont fucking care about your flaws, wala akong pake kung mababa ang level mo sa akin. Simula nung minahal kita niyakap ko na ang lahat sayo, ang magaganda at hindi magandang bahagi mo, Maria." ewan ko pero I felt like crying right now.



James never failed to flatter me. I was speechless. "James, sorry kung nasaktan kita." he moved closer to me at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Kahit ilang beses mo akong saktan siguro hindi ako magsasawang mahalin ka. Paulit ulit din." wala na akong masabi kaya niyakap ko na lang siya.

I was lucky to have a guy like this in my life.



.....

MERRY CHRISTMAS READERS!! ❤ sorry for the long wait hehe

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon