HEY THERE, CUTIE
October 2014
"Tae pagod na ko," kakatapos lang ng warm-up namin para sa practice ng cheer dance. Si Jas puro reklamo. Napailing na lang ako. "Okay guys stand up." pumalakpak pa ang choreo namin. "Countings muna tayo-" naputol ang pagsasalita ng choreographer namin nang bumukas ang pintuan ng studio. Niluwa nito ang lalaking maputi na nakabihis pang sayaw.
"Classmate nyo?" pagtatanong ng choreo namin sa amin. Umiling ang iba sa amin at napatingin sa aming class president. "Uh, sabi ng adviser namin may darating daw kaming bagong classmate ngayong third grading." tumaas ang dalawang kilay ko.
He was cute at bakas sa awra niya ang pagka-mahiyain. "Manood ka na muna diyan, mister. Para maka-catch up ka." tumango naman ito at umupo sa isang mono block. "Girl ang cute niya." bulong ni Jas sa akin. "I know." kumindat ako.
"Twenty minutes break." sabi ng choreo namin. Umupo ako sa tabi nung bago naming kaklase. Tinignan niya ako. Nagpunas ako ng pawis. "Hi." sabi ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. "Hi." ngumiti siya. Such a cutie.
"Ako si Maria Asuncion Rivera." pagpapakilala ko. "I am Luisito Esquivel." tinaas niya ang kamay niya. Nuks, ang pormal. "Nice to meet you, Luis." ngumiti siya kasama ang mga mata. I want to pinch those cheeks. Ang cute cute niya. "Ano? Sinolo mo?" biglang sulpot ni Jas. "Ako si Jastine, kaibigan ni Maria since grade two." she batted her lashes. "Hi."
Inintriga namin si Luis buong break time. Nag transfer siya dito sa school namin dahil binu-bully siya sa dati niyang school. Ano? Nainis sa kaniya sa sobrang cute niya? Hehe. Yung mama niya, teacher sa sikat na unibersidad sa Manila. Yung papa niya, may ibang pamilya pero sinusustentuhan siya. Only child si Luis. Natuwa pa ako kasi matanda lang siya sa akin ng isang araw. His birthday was January one habang ako January two. Natuwa din siya, kahit si Jean. "So feeling mo niyan meant-to-be na kayo?" bulong niya sa akin, siniko ko siya. "What?" takang tanong ni Luis. "Ah, sabi niya ang cute mo daw." alanganin akong tumawa.
Quarter to six na nung na-dismiss kami ni Kuya Boy. Sa December pa naman namin ipe-perform tong cheerdance pero nakalagay sa handbooks namin na maguumpisa ang mga practice sa third week ng October. Mandatory din. Wala na kaming third periodical exams sa tatlong subjects, physical education, edukasyon sa pagpapakatao, and sa english.
Naka-cope up na agad si Luis sa ibang step. Iilan na lang ituturo sa kaniya.
Nag ligpit na kami ni Jas ng gamit para magbihis. Si Luis naman sakto pag lingon ko nagtaas ng tshirt. Napalunok ako. "Anyare?" nagtatakang tanong ni Jas. Pagkalingon ko kay Luis nakabihis na ito ng bagong pang itaas. "W-Wala." Lumabas na kami ng studio at nagpuntang comfort room para magbihis. I put on my favorite cologne at nagsuklay. Naglagay din ako ng onting pulbo.
Hindi pa lumalabas ng cubicle si Jas kaya chineck ko muna ung cellphone ko. May text mula kay Ahron.
Andito kami sa gate, kakatapos lang din ng try out namin.
Si Ahron, varsity pa rin ng volleyball ng school. Habang tumatagal pumo-pogi ang kaibigan ko kaya habulin ng mga babae. Si Bryel, addict pa rin sa online game na League of Legends. Maagang umuuwi kaya di namin kasabay. Si Cris, chick boy. Sobrang dalas magpalit ng babae pero kahit ni isa sa mga nakakasama niya, wala kaming nakilala.
"Tara na teh." Inayos ni Jas ang ponytail niya. "You guys going home?" nagulat kami kay Luis na nakasandal sa pader sa harap ng pinto ng cr. "Yep." sagot ko. "Sabay ako, pwede?" tumango si Jas. "Sureness!!" natawa ito. Naglakad na kami papunta sa gate. Naningkit ang mga mata nila Cris at Ahron. "Your boyfriends?" ngumiti si Ahron. "No, our bestfriends." sagot ko. "Ahron, Cris. Siya si Luis. Bago naming kaklase." Luis smiled. "Hi." tumango si Ahron at Cris. "Tara na, gabi na." Lumabas na kami sa school at tumawid.
"Saan ang way mo?" tanong sa akin ni Luis. "Dito," tinuro ko ang gate ng subdivision namin. Tumaas ang dalawang kilay niya. "Diyan din ako eh." I chuckled. "Ingat kayo-" natigil ako sa pagsasalita nang nawala na sila Jas. Mga tarantadong yon biglang nawala.
"Dito ako sa kabilang street." Turo niya sa kabilang kanto. "Ah, ako dito." ngumiti siya. "Gusto mo sabay na tayo pumasok?" tumaas ang dalawang kilay ko. "Hindi nga?"
"Oo nga. Ano? Mula bukas?" sumingkit ang mata niya. "Deal!" we shakehands at nagpaalam na rin sa isa't-isa. Ewan ko pero umuwi akong nakangiti.
Si Ace? Siya pa rin crush ko at tinitibok ng puso ko. Nagpapansinan naman kami pero hindi lang tulad ng dati. Meron na din siyang girlfriend.
If happy is her, i'm happy for you.
Saktong tugtog sa dinaanan kong nakahintong jeep. Napairap ako.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Novela JuvenilMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)