HAPPY BIRTHDAY
December 30 2016
Days have passed mula nung nagalok ng ligaw sa akin si James. Maayos naman ang nakalipas na araw pero nagi-guilty ako. Mahal ko siya, mahal niya ko...pero ewan ko ba at parang mali.
"Maria?" nilapag ko ang baso sa center table. "James?" I heard him sigh. "Ang tahimik mo na simula nung gabing yon." Lumunok ako. "Is there something wrong?" I pursed my lips.
"James, mahal kita." ngumiti siya. "I love you too," yumuko ako. "Pero kasi..." hinawakan niya ang kamay ko. Damn. I just cant hurt him.
"Busted ba ako?" umiling ako. "Hindi sa ganon...baka masyado lang maaga—" huminto ako sa pagsasalita ng yakapin niya ako.
Fuck, Maria.
"No, kahit gaano katagal Maria kaya ko—" umiling ako. "James, waiting is just a waste of time...hindi kita deserve." I bit my lip as I stare at his face showing sadness...and pain.
"Maria. Gusto ka ng pamilya ko. Gusto kita. To the point na pagdating natin ng legal age papakasalan agad kita. Maria, I cant afford to lose you." parang patalim na sumasaksak sa puso ko ang mga salitang sinasabi niya. Tangina.
"Hindi naman kita iiwan. We can stay together as friends," I managed to smile habang hinahawakan ang kamay niya. "Yea friends." sabi ni James at mapait na ngumiti.
Nice.
...
"Hindi mo kakamustahin?" napabuntong hininga ako at napasandal sa sofa. "Jas, hindi ko kaya." She rolled her eyes. "Kasi eh. Magiinarte tapos magsisisi. Hays!" January one na mamaya at nagsisend ako ng mga 'happy new year' greetings sa mga kakilala at kamag anak ko.
"Ilang oras na lang, hindi mo talaga babatiin man lang?" Cris na kakabalik lang galing kusina para icheck ang niluluto niya. "Friends naman e." natatawang singit ni Bryel.
Napalunok ako bago bago itype ang "happy new year". Active two hours ago si James.
Maria :
Happy New Year!Inilapag ko sa mesa ang cellphone ko pagtapos masend nung message ko. Two hours na lang at bagong taon na.
" HAPPY NEW YEAR! BIRTHDAY NA NI MARYA BUKAS!" Ahron na tumagay. Kinuha ko ang cellphone ko na natatakot akong galawin. Hindi dahil takot ako na nagreply si James kundi takot ako na baka kahit seen, wala. Nasaktan ko siya. I'll understand.
James:
:)Napanganga ako sa reply niya. Its a fucking smiley that has thousands of meaning. "Nagreply?" Jas na sumilip sa screen ng phone ko. "Oo, smiley." tumawa sila. I pouted. "Friends, tangina." Bryel said while laughing. "Sabi nga nila, you cant just be friends with the person you loved. Awkward yon baliw. Ikaw kasi eh." umiiling na sa sabi ni Ahron.
Hay nako, Maria Asuncion Rivera.
...
"HAPPY BIRTHDAY!"
Napahawak ako sa dibdib ko paglabas ko ng kwarto dahil sa gulat. Andito sila Papa, Tita, sila Jas. Hawak ni Papa ang cake at ung mga step siblings ko may dalang lobo. Sila Jas naman abala sa pagkanta. Shit, may muta pa ako. Di pa ako nakahilamos, or toothbrush!!
"Seventeen na ang baby girl ko." my father chuckled, still holding the cake. I closed my eyes, making a wish.
2017, I wont mess up with you anymore. At sana batiin ako ni James.
I blown the candle at binaba na nila ang cake. "Check your inbox na atih, baka nagchat na." humagikhik si Jas. Pumasok uli ako sa kwarto at bumaba sa living room.
I reacted 'love' sa lahat ng bumati. Pero walang James Balderama sa timeline ko. I sighed. Nagpunta ako sa messenger para tignan ang convo namin at nagulat ako nung 'this person isnt receiving messages from you right now'. Hindi ako nagsalita kasi nagulat talaga ako.
"Bakit?" Bryel na umupo sa tabi ko na may dalang slice ng cake. Sumilip siya sa screen ng cellphone ko. "Ahh. He deactivated." I sighed in relief. "Akala ko binlock na ako." sumandal ako sa sofa.
"Just give him time, Maria. Sorry to say pero pinapangit mo ang ending ng 2016 at umpisa ng 2017 niya." yumuko ako.
"Nakita mo yung tweet nun?" Ahron asked me. "Hindi." kinuha niya ang phone niya at pinakita nya sa akin ang screenshot.
Kasabay ng pagsabog ng mga kulay sa kalangitan at ang pagkawasak ng puso kong sugatan...
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Novela JuvenilMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)