17

19 0 0
                                    

HYDROBLAST

November 28 2016

Foundation week na namin at ang sinalihan nila Bryel ay ang League Tourna. "Kinakabahan ako," pang anim na beses na sabi na ni Cris yan. "Mananalo kayo diyan tiwala lang sa isa't-isa." sabi ko habang hinahanda ang bihisan ko para sa hydroblast na sinalihan naman namin ni Jas. Napansin kong panay tingin ni James sa akin.

"Bakit?" I mouthed. Umiling naman siya. Ilang minuto pa at may lumabas na lalaki galing sa amphitheater. "Team niyo na po," tumayo na sila Bryel at pumasok sa loob. "Goodluck!!" Sigaw ni Jas. Inayos ko ang bag ko at nagpunta na kami sa comfort room. 

"Mage-enjoy tayo dito no?" sabi ni Jas sa kabilang cubicle. "Oo, maputik sa grass field tsaka maraming may abs mamaya." humagikhik ako. Kasama daw sa hydroblast ang basketball team ng school namin. Pagkadating namin sa field ay marami ng tao na naka white tshirt.

Nakaready na rin yung truck ng bumbero na babasa sa amin mamaya. I was wondering kung ano na ang ganap sa amphitheater. Sana ay manalo sila. Nag practice sila para doon sa tournament, five thousand din kasi ang prize at kung palarin, sila ang marerepresent ng school sa intercollegiate tournaments.

Nagplay ang Black Beatles at naghiyawan ang mga tao kasama ko dito sa tent. Nakapila muna kami para kunin ang colored powders.


"Are you ready?" sabi nung emcee na lalong kinaingay ng crowd. Palinga-linga pa ako sa paligid kasi baka nandito na sila James. Ewan. Basta nitong mga nakaraang araw gusto ko lagi ko siyang nakikita. "We are going to do the mannequin challenge!" tumili si Jas kasabay ng ibang tao. "But first, lets get wet!"

Binombahan kami ng tubig galing sa fire truck. Nagsimula na ding pumutik ang field. Binuksan ko yung colored powder ko at hinagis sa ere. "Jas?" luminga linga pa ako pero napagtanto kong napaligiran ako ng mga varsity! Ang tatangkad nila.

"Do your best poses! In three...two...one," napatili ako ng may bumuhat sa akin. Napakapit ako sa kaniya, nagpipigil siya ng tawa. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. "James...wala kang pamalit,"


Nung natapos na ang chorus ng Black Beatles ay pinabalik na kami sa normal. "Sinong nagsabing wala? Pinaghandaan ko kaya to." he chuckled kasabay ng second wave ng pagkabasa namin.

Maputik na ang field at may mga isip bata na nagtatampisaw sa putikan. May iba naman tinutulak ng mga kaibigan kaya naging taong putik.

"May paandar ang president ng student council natin guys!" humina ng kaunti ang music at tumigil ang pagbasa sa amin ng fire truck. "Kanina may nakita kaming sobrang sweet na couple habang naka freeze kayo," nakangisi ang emcee. Lumabas sa white screen ang picture ng crowd. They zoomed it at sinakto samin ni James. Napanganga ako.

"Ang cute natin tignan." bulong niya sà akin. "Anyone who knows this couple? May cash prize sila!" hinatak ako ni James palapit sa mini stage kung asan ang emcee. "Kami po yon!" I bit my lip kasi nahihiya na ako.

Inabot sa amin ang nakaplastic na five hundred pesos. "Congrats! Sana next hydroblast ay kayo pa rin!" nagingay ang crowd at binombahan na naman kami ng tubig. I felt a tightening in my chest kasabay ng pagbagsak ng beat ng music. "Hey, you okay?" James asked me. "Oo...may iniisip lang." ngumiti ako.


No. I wont tell him I like him. I'll keep this go myself.


...


"Teh kayo ni James ha! Iniwan lang kita sandali nagka limandaan na kayo!" panunukso ni Jas na kinapula na naman ng pisngi ko. "Napagkamalan lang kami. Walang something sa aming dalawa." naningkit ang mga mata ni Jas habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang towel.

"Walang something pero di siya naiilang nung binuhat ka niya?" I sighed at sinilid ang pulbo sa bag ko. "Bakit maiilang eh magkaibigan lang naman kami?" Ewan ko pero parang may tumusok sa puso ko noong sinabi ko yung "magkaibigan".

" Sa friendship naman naguumpisa lahat. Pero bagay kayo. I ship MarJa!" kinikilig na sabi ni Jas. I rolled my eyes.

Sana may chance.

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon