22

19 0 0
                                    

"You really look good together." bungad samin ng lola ni James. I blushed. "Ito ang susi ng hotel room nyo." inabot samin ng tito niya ang susi.

Nasa Tagaytay kami ngayon para sa bakasyon. Summer break namin ngayon. "Graduating na tayo next year," naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

"Ambilis ng panahon." I sighed habang nakatingin sa labas ng glass wall. "Kaya nga eh. Parang dati crush mo lang ako tapos ngayon tayo na?" kinurot ko ang braso niya. He chuckled. "Siraulong 'to."

Maganda ang suite namin. Glass wall nga lang kaya medyo nakakalula. Malululain pa naman ako. Airconditioned din at malaki ang malambot na kama. May bath tub ang banyo, walk-in closet. I checked my phone at viniew ang my day ni James three minutes ago.

Picture ko yun na nakatalikod habang nakatingin sa labas ng glass wall. Ito siguro ung bago nya ko yakapin. "Ang ganda ko naman dito," ngumisi ako. "Alam ko Maria."

...


Pagkatapos namin mag horseback riding, nag miryenda kami kasama ang tito at lola niya. "Kamusta?" tanong ng tito niya samin bago humigop ng kape. "We are fine." hinawakan ni James ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.

Mabilis na lumipas ang araw at natapos ang one week vacay namin dito sa Tagaytay. Sa totoo lang next week pa sana kami uuwi kaso may kailangan daw asikasuhin sa bahay nila James kaya napaaga. Natulog lang ako buong byahe at nagpababa na lang sa kanto namin. 


"Maria! Nakauwi ka na pala, punta ka dito sa bahay!" masayang bungad ni Jas sa akin sa kabilang linya. "Sige. Magbibihis lang ako." 


Nag shorts lang ako at tshirt. One ride away lang naman ang bahay nila Jas mula dito. Habang nasa jeep ako tinext ko si James na papunta ako kela Jas. Tatawag daw siya sa akin mamaya dahil susunduin niya ako. Sakanila daw ako magd-dinner. 



James


"Joseph buksan mo nga yang tv." utos ng lola ko sa tito ko. "Isang malagim na aksidente ang nangyari dito sa may intersection. Dalawang jeep at isang truck ang involved dito. Tumagilid ang eight wheeler truck at unfortunately nadaganan ang dalawang jeepney." 


Pinakita ang aksidente ang tumibok ng mabilis ang puso ko nung intersection sa lugar nila Maria ang aksidente. I texted her. 


James:

Maria?? Where are you? May aksidente daw diyan.


But she isnt replying. 


Nagbukas ako ng messenger at nagchat kela Bryel pero wala din silang update. Si Jas naman offline. Shit.


"Lola wait. Punta lang ako kay Maria." she smiled. "Sige apo magiingat ka." 



  When you try your best, but you don't succeed  


Habang palapit ako ng palapit sa intersection, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Lalo akong ginagapangan ng kaba. "Sir hanggang diyan lang po kayo,"

  When you get what you want, but not what you need  


"G-Girlfriend ko po yun," I saw Maria lying on the highway, walang malay. Her head was bleeding at binibigyan ng first aid ng mga dumating na paramedics. Pinalapit ako ng pulis sa katawan ni Maria. 


  When you feel so tired, but you can't sleep, stuck in reverse  


"Maria!" It was Jas na kakarating lang din. "Ma'am, Sir. Dadalhin na po siya sa hospital." sinakay nila sa ambulansiya si Maria at sumunod naman kami ni Jas dala ang kotse ko. 


  And the tears come streaming down your face  


She will be fine. Tama James. Your Maria will be fine. 


  When you lose something you can't replace  


Maria was all that I have bukod sa pamilya ko. Maria was my everything. She's my sugar and spice. She's my baby, she's my girlfriend. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin.

  When you love someone, but it goes to waste, could it be worse?


Humigpit ang kapit sa akin ni Cris nung lumabas ang doctor mula sa ICU. "She's in coma." Bungad samin ng doctor na kumurot sa puso ko. "Malala ang natamo niyang brain injury."


--


HUHUHUHU GUYYYZZZ SOORRRYYY KUNG MATAGAL KAYO NAGHIHINTAY NG UPDATEEE HHAHAHAHA BTW MY BIRTHDAY IS COMIIINNGGG HEHE SKL SORRY FOR THE LAME CONTENT

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon