MY BEST MISTAKE WAS YOU
Ngayong Christmas break ay dadalhin daw ni Dad ang pamilya niya dito para magbakasyon. The usual routine every Christmas. Hindi naman ako out-of-place sakanila, madaldal ang asawa niya pero hindi masungit. May dalawa akong kapatid sakanila. They are both baby girls.
Namimili ako ngayon sa supermarket malapit sa amin. Balak ko sana sa north edsa kaso baka maakit ako ng sale at imbes na pangkain, naipang-shopping ko na.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng short ko. Napakagat ako ng labi para mapigilan ang pag ngisi.
Luis :
Hello, Maria ko. Akin ka lang ha? Pinagtitinginan ka na ba diyan sa grocery? Wait mo ko. On the way ako.
Napailing ako kay Luis.
Maria :
Baliw ka! Hahaha. Nakapila na ako. Dinga? Pupunta ka?
Luis :
Yea. One ride away lang naman yan kaya sasadyain kita. Natapos ko na pinapagawa ni mama sa akin. Wait lang, Maria ko. Nasa byahe na ko. Mahal kita.
My heart fluttered kasabay ng pagusad ng pila. Hay. I'm so in love with him. Isang linggo na nakalipas pagkatapos nung opening ng intramurals namin. Everything went well, sumikat din ako sa dami ng nag-comment at like sa default profile picture ni Luis. I-tag ba naman ako. Nakita yun ng tatay ko at sabi, ipakilala ko daw sa kaniya si Luis.
Nagbayad na ako sa cashier at naupo sa waiting area. Mga dalawang minuto ay nakita ko na si Luis. He was wearing a gray v-neck shirt at shorts. Nakatsinelas lang din siya kagaya ko.
"Ang dami mo pinamili," umupo siya sa tabi ko at inusisa ang apat na plastic bag sa harap ko. "Good for three weeks stay nila Daddy yan." sumimangot siya. "Buti na lang at sinundo kita kung hindi, mahihirapan kang bitbitin yan at baka may iba pang lalaki ang tumulong sayo." natawa ako sakanya. Pano kasi, sagad kung mag imagine.
"What's funny?" he pouted. "Wala, ang cute cute mo kasi." I said pinching his cheeks.
Nag take out kami ng pizza at maiinom. Sabi niya tutulungan niya ako mag-ayos ng pinamili at ng bahay. Di pa kasi ako nakakapag decorate. Pagpasok namin, pinakealaman niya agad ung speakers pati ung iPod shuffle ko. Nagpatugtog siya. Napaindak ako sa mga kantang nasa playlist ko habang siya, nakangiwi.
"Hindi ako pamilyar sa mga kanta mo dito," umupo ako sa tabi niya. "Tawag diyan, EDM. Masarap sila pakinggan. Lalo na pag naka earphones." Kasalukuyang nagp-play ang Never be like You ni Flume.
Now I'm fucked up and I'm missing you
Inayos ko na ang mga pasta, macaroni, mga sauce, grahams at marshmallows sa isang part ng cabinet. Yung mga meat nilagay ko naman sa ref.
Stop lookin' at me with those eyes, like I could disappear and you wouldn't care why
Sakto pagkalingon ko kay Luis nakatapat sa akin ang camera ng cellphone niya. "Pinipicturan mo ba ako?" ngumiti siya na parang bata habang naniningkit naman ang mga mata ko. "Paano kung oo?" lumapit ako sakaniya. "Subukan mo lang i-post ulit sa facebook yan at babastedin kita!" Pananakot ko. Tumawa siya ng malakas. "Nah, mahal mo ko kaya di mo ako papatigilin sa panliligaw." sabi niya ng nakahalukipkip. Umirap ako. Oo na oo na. Hindi ko na kaya.
Please just look at me in the face, tell me everything's okay
"Kelan daw sila uuwi dito?" Tanong ni Luis habang nakaakbay sa akin at ako naman nakasandal sa balikat niya. "Bukas na daw," naramdaman ko siyang tumango.
I'm beggin' darling please absolve me of my sins, won't you?
Walang kumikibo sa aming dalawa at pinapakinggan lang ang kanta. Napalitan iyon ng Take me Home ni Cash Cash at Bebe Rexha.
You're my fault, my weakness
"Maria?"
"Hmm?" nakapikit ko ng sabi."In touch pa rin ba kayo ni Ace?" napadilat ako sa tanong niya. "Hindi na. Bakit?" tumango siya. "Wala lang. Syempre first love mo siya. Pinakilala niya sayo yung mga kantang malungk—" natawa ako sakanya. "Bakit na naman?" nagtataka niyang sabi.
Now you're dancing all over my soul
"Hindi naman kami umabot sa ligawan nun. At nung sinabi niya na hindi niya ako gusto, hindi ko na siya hinabol. Hinayaan ko siya, dun siya masaya eh. Hindi pa naman ganoon kalalim pagtingin ko sakanya noon." tumango siya.
But I still stay 'cause you're the only thing I know
"Luis? May nagustuhan ka na ba bukod sa akin noon?" Inayos niya ang upo at idiniin ang ulo ko sa balikat niya. Marahan niya ding hinahaplos ang buhok ko. "Meron pero hanggang crush lang. Ngayon lang ako nainlove." I blushed at napahigpit ang yakap ko sakaniya. "Kinilig ka naman?" he chuckled. "Sino bang hindi?" nagpipigil na ngiti kong sabi.
My best mistake was you
Sobrang kuntento ako sa kung ano mang meron ngayon sa buhay ko. Ang ganda ng taon ko. Sana hindi na matapos ang kasiyahang to. Sana sa 2016, 2017... masaya pa rin ako. Si Luis ang bumuo ng 2015 ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Fiksi RemajaMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)