11

26 2 0
                                    

Warning : Masyadong maraming pagmumura

June 2015

Unang araw ng pagiging senior namin ngayon, huling taon na namin dito sa Lizandruz Cruzette School of Quezon City. Ilang buwan na lang, junior highschool completer na kami.

Hinahanap ko ngayon si Luis na ang sabi nila Ahron ay nasa canteen. Ngumisi ako nung nakita ko ang likod niya. Busy siya sa pagdutdot sa cellphone niya. I sat beside him. "Hey," sinilid niya agad sa bulsa niya ang cellphone niya. "Uy," tipid siyang ngumiti.

Anong meron?

Imbes na magtanong ay di na ako nagsalita. "Maria...birthday na ni Mama next week." pagpapa-alala niya. "Yea. May regalo na ko sakanya don't worry." nginitian ko siya. "Sayo din meron." kumindat ako. Naningkit ang mga mata niya.

Mga two minutes na paguusap pa namin ay may dumating na grupo ng mga freshmen. Obvious naman dahil mga baby face pa. "Siya yun, Raina?" dinig kong sabi noong isa.

"Oo siya si Luisito." tumawa ito. Ewan ko pero nairita ako sa kaniya. "Ulan." balik naman ni Luis sa kaniya. Hanggang sa nagkausap na silang dalawa. "Luis una na ko." hindi niya ata ako narinig dahil nakikipagusap lang siya dun sa bata. I took a deep breath at lumabas na ng campus.

"Wat da hell was that, Maria?" bulong ko pa habang tumatawid.

Pabagsak akong umupo sa sofa at nagpatugtog. "Sino ba yung babaeng yon?" para akong tangang nakikipag-usap sa sarili. Dagdagan pa ng mga negative conclusions dahil hindi pa nagc-chat o text si Luis sa akin kung nakauwi na ba siya. "Hay! Bahala ka!" umakyat na ako sa kwarto at nagbihis.

"So selos ka?" umirap ako sa kaibigan kong nasa kabilang linya. "Hindi ba obvious? Nawala ako doon sa eksena ng hindi niya alam." sabi ko pa. Humagikhik si Jastine. "E kasi ikaw eh. Feeling ko in doubt si Luisito Esquivel dahil hindi mo pa siya sinasagot anong petsa na ba?" maaari ba yon? Akala ba niya ay pinapaligaw ko siya sa wala? "Ewan ko. Bahala siya di ko siya kakausapin. Kung gusto niya lang tumigil sabihan niya ako." nakasimangot kong sabi.


Ilang araw pa ang lumipas at wala ako komunikasyon kay Luis. Sa iisang room, sa iisang school, sa iisang subdivision lang kami pero wala. Yung dp niya kung gusto niya palitan niya na rin. Madalas daw siya makita nila Cris kasama yung bata. Si Raina. Yung tinawag niyang ulan. Wag ko lang sila makasalubong nang magkasama at baka sumabog ako.

Dalawang araw na lang ay birthday na ni tita. Nagf-facebook ako ngayon at naisipang mag stalk. Inistalk ko profile ng manliligaw kong ilang araw ng walang paramdam.

Wala naman siyang bagong post. Huli niyang post yung pagpapalit niya ng dp nung March pa. Naisipan kong magbasa ng comments.

Raina GeromDi kayo bagay Luisito

Wala namang reply si Luis pero pucha ako gustong gusto ko na replyan yung comment nung bata. Damn.

Online si Luis pero hindi man lang din ako magawang i-chat. Ano? Kamusta ka na? Kingina mo.

I was furious right now at di ko alam kung ano gagawin ko para magpahupa ng galit. Nag ring ang cellphone ko sa kabilang sofa. Binato ko kasi iyon doon dahil sa inis.

Ahron calling...

Akala ko naman si Luis na. "Ow?" bungad ko kay Ahron. "Nag-usap na ba kayo ni Luis?" bumuntong hininga ako. "Hindi na ata kami mag-uusap kahit kelan. Deputa siya!" I cant help but to cuss. Inis na inis ako, sobra. "Sshh. Kalma. Kasi magugulat ka sa balita ko." kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Nakita namin kanina ni Jastine si Raina and Luis sa mall. Sa National Bookstore to be exact. Sinabihan ako ni Jas na wag na sabihin sayo pero kasi..."

Wala na. Gumuho na ang mundo ko.

Ano ba talaga nangyayari? Gulong gulo na ko, sobra.

I dialled his number pero hindi sinasagot.

Ah. Ganon?

Nagayos ako ng sarili at nagpasyang pumunta sa bahay nila. Dinala ko na din ang regalo ko para sa mama niya. Ginapangan ako ng kaba nung nasa tapat na ko ng gate nila. Bumuga ako ng hangin bago ko pipindutin sana ang doorbell pero bumukas na ang gate.

"Salamat Luisito." natatawang bungisngis ni Raina. Nalaglag ang panga ko. Nabitawan ko rin yung regalo ko para sa nanay niya. Just wow! "Maria," casual na sabi lang ni Luis. "Uy! Akala ko hindi mo ako mapapansin." I smirked. Pinulot nung babae ang nalaglag na box. "To mama?" pagbasa niya sa card.

Hinablot ko iyon at inabot kay Luis. "Baka madumihan." I smiled. "Siguro ay siya na ang bagong tinitibok ng puso mo, ano? Buti na lang at hindi pa kita sinagot! Alam mo bang naghihintay ako ng text, tawag, at chat mo? Pero ano? Wala! Luis, pinipilit mo akong gawin to." tinignan ko yung bata. "Binabasted na kita. Salamat sa pag-aaksaya mo ng ilang buwan sa akin." I said as I turned my back to them.

Hinintay ko siyang pigilan ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko pero hindi eh. Tangina.

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon