GRANDMA
Napagpasyahan namin nila Bryel na maginuman sakanila. I mean, sila lang pala. Pagkain lang habol namin ni Jas dun. Nanalo sila sa tournament kaya nagpadeliver kami ng chicken wings, pizza at bumili sila ng beer sa malapit na tindahan.
"I had so much fun today," sumandal si Ahron sa sofa. "Di ko nga in-expect na mananalo tayo eh." Cris chuckled bago uminom. "Pero mas nakakagulat nung nakita ko si James na nagbanlaw galing sa hydroblast." panunukso ni Bryel.
I pursed my lips. "Are you two hiding something?" tumaas-baba ang kilay ni Jas. "Wala." I smiled. Wala naman talaga. I mean...yeah may nararamdaman ako pero ayoko na palalimin. "Medyo." nakangising sagot ni James bago ilapag ang baso nya na may lamang beer.
"Medyo?" pagtatanong ulit ni Ahron. "Tinulungan niya ako kay Sheryl. Then days passed si Maria na gusto kong makita. Kanina pagtapos ng laro natin tumakbo ako sa field para puntahan si Maria. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko. I was following my heart, pero magulo pa." halos di ako makahinga sa sinasabi ni James. Sila Bryel naman nakatingin lang sakaniya.
"Gusto mo ba si Maria?" Tanong naman ni Cris. "Yea I like her." Kumurap ako. "Maybe kelangan namin kayo iwan." natatawang sabi ni Bryel. "Oo nga. Magusap kayo tungkol sa inyo," Jas stood up. Sumunod naman sila Ahron.
Uminom ako ng juice pagkaalis nila. "Lasing ka lang." sabi ko at alanganing tumawa. "Drunk or sober, I will say the same words." ngumiti siya. "Drunk or sober, ikaw pa din ang gusto ko." I felt my cheeks burned. "So Maria...do you like me too?" kinuha ko na naman ang baso ko para uminom.
"James...gusto din kita." nahihiya kong sabi. His expression was amused. He hugged me. "Really?" I nodded while smiling. "You just made me the happiest guy on Earth."
...
Days passed and it all went well. James wasn't courting me. Pero puyatan kami gabi gabi. Minsan nga pumapasok kaming dalawa na walang tulog.
"Maria," hinihingal na tawag sa akin ni James. "Bakit?"
"Gusto ka makita ni lola," nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?" he chuckled. "Oo nga. Tara na! Hinihintay tayo ni tito—"
"Tito mo? Andito?" tumango siya. "Oo sinusundo tayo. Tara na," hinatak niya ako palabas ng main gate. Doon naghihintay ang isang SUV na color gray. Audi ang tatak.
Bumukas ang bintana ng driver's seat. "Good day, ma'am and sir." inakbayan ako ni James. "Buksan mo na yung backseat tito. Ayoko paghintayin si lola ng matagal." I bit my lip.
Binuksan ni James ang pinto at pinasakay ako. Kinuha ko sa bag ko ang pulbo. "Fresh ba ko tignan?" bulong ko kay James. "You always look fresh, Maria." kumindat siya sa akin. Tapos nag fake cough ang tito niya.
Tahimik lang ako buong byahe. Si James at yung tiyuhin niya puro online games ang kwentuhan. Pinapakinggan ko na rin. May skins pati riot points akong naririnig. At mga pangalan ng mga character.
"Andito na tayo." Nakapark ang sasakyan sa bakanteng lote. Katabi ng apat na jeep, lahat may naka pintang 'James'. May dalawang motor din. Tapos may apat na sasakyan pa. Bale panglima itong Audi.
Sa kanang part paglingon mo ay court. May mga naglalaro na mga bata tapos mga kalalakihang nagbabasketball. Katabi non ay three storey na apartment at sa gitna ng compound ay malaking bahay na may rooftop. Sa kaliwa ay may two storey building din. Mukhang mga paupahan.
Naglakad kami papunta sa malaking bahay na nasa gitna. I took a deep breath.
I was aware that James came from a rich family. Only child. Tito niya at lola niya ang nagpalaki sa kaniya. May kaniya-kaniya ng pamilya ang nanay at tatay niya. Paupahan nila ang nasa paligid. Everything you see around this area, ay pagaari ng mga Balderama.
"Apo," sinalubong kami ng babae na nasa late eighties. She was old pero wala gaanong wrinkles. She dont even wear glasses. Naka pants at shirt pa siya. Bagets. "Lola, she's Maria." ngumiti ako sa lola niya. "Hello po." inusisa ako ng tingin ng lola ni James. "She's good." nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay gaya sa mga nababasa ko na susungitan ang kapalaran ko.
"Handa na ang hapunan." sabi nung tito ni James. Dinala niya kami sa sala.
"Nililigawan ka ba ng apo ko?" muntik na akong masamid sa bungad ng lola niya sa hapag. "Hindi po, eh." umiling iling ang tiyuhin ni James. "Anong hinihintay mo, James? Pasko? Pero sabagay. Malapit na ang pasko." ngumisi ito.
"Pinapunta kita dito dahil gusto kitang makita at makilala. Bukambibig ka kasi ng apo ko. Nagandahan pa ako sa pangalan mong Maria. Maria Asuncion Rivera." napangiti ako sa lola ni James. "I'll take that at as a compliment, ma'am." tumaas ang dalawang kilay ng matanda.
"Dont call me 'ma'am'. Call me grandma." kumindat ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Novela JuvenilMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)