LOSING CONTROL
"Ako na bahala sa intro natin."
"Maghuhulog ba tayo ng candies?"
"Gusto ko may kwitis at confetti pagka-ladlad ng banner natin,"
Bukas na ang intramurals. Hindi pa kami nakakapag-practice ngayong araw dahil gumagawa kami ng karagdagang props. Napatitig ako kay Luis na nasa harap ko at dinidikit ang cut-outs para sa iaangat ko habang naka-lift ako.
Ang cute niya talaga.
Ganun pa rin naman kami. Madalas kaming magsimba tuwing linggo, sabay pumasok. Sumasama na rin siya samin nila Ahron kapag may gala kami nila Jas. "Bakit?" napakurap ako sa tanong niya. I felt my cheeks burned. "A-Ah...ano wala." alanganin akong tumawa. "Ikaw ah. Tinititigan mo ako," tumawa siya ng mahina. "Hindi k-kaya." I refused. Lalo siyang ngumisi.
Alas onse na ng sinabi ni Kuya Boy na maghanda kami para sa practice.
Madalas kaming makatanggap ng mga papuri sa mga graduating students, yung mga grade 10. Baka daw kami ang mag-uwi ng title na gustong maranasan ang lahat, ang pagiging champion. Hindi naman kami nagsasalita, ngumi-ngiti at nagt-thank you lang. Pagkarating namin sa gym, nagaayos na ang mga janitor ng bleachers at dine-decorate na din ang stage para bukas. May ilan doon gumagawa ng props.
"Gusto ko makita yung gagawin ninyo para bukas." binigyan kami ng ngiti ni Kuya Boy. Hindi gaya ng dati na mainit ang ulo niya kahit warm-up pa lang. "Opo!" pagsisigurado ng ilan sa mga kaklase ko. I expelled out a deep breath habang hawak ang piraso ng card boards na itataas ko. Si Luis, spotter ko siya. Sa buong practice namin mula October hindi pa naman ako nahuhulog.
Dumadami ang tao sa gym. Dry-run pala to. Nanonood din yung mga elementary na dito rin nagaaral. Ngayon pagbubunutan ang sequence ng mga magpeperform bukas.
Kami yung pangalawa.
Lalo akong kinabahan nung nakita ko ang performance nung grade seven na unang nagsasayaw. Gamit na rin nila ang props nila at makukulay iyon. Kahit bata pa lang halatang determinado makuha yung championship title. Pulido at malinis ang liftings nila, parang walang kaba.
Pinalakpakan sila ng mga tao kasabay ng paglalatag namin ng mga props namin sa malamig na sahig ng gym. "Kapag may nahulog, tuloy tuloy lang. Act normal." bilin sa amin ni Kuya Boy na tumutulong sa paglalatag ng props. Dry run pa lang naman to pero ewan ko at kabang-kaba na ako. "Panay buntong hininga mo fren ah," siniko ako ni Jas.
"Kinakabahan ako eh." ngitian niya ako. "Lagi naman," I chuckled. "Push na gerl. Okay lang magkamali. Wag lang bukas." kinindatan niya ako.
Nag drum roll na senyales ng unang part ng cheerdance namin, ang lifting. "Habang paakyat ako sa mga palad ng mga lifter ko ay iniabot na sa akin ni Luis ang isang card board na may letrang S. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Lumakas ang hiyawan ng nabuo namin ang salitang 'JUNIORS'.
Pagkababa ko ay tumakbo agad kami papunta sa susunod na pwesto. Panay bulong sa akin ni Luis ng mga salita na nakakapagpa-ngiti sa akin. Bahala siya diyan pag ako nalaglag.
Oops, double meaning.
Nang matapos ang unang part, nag umpisa na ang music namin.
Huminto kaming lahat at nagkaniya-kaniyang pose para sa solo ni Luis. Nagtilian ang mga babae. He was awfully handsome habang sumasayaw. Nakakainis pa kasi ambigat ng tibok ng puso ko. Lalo ko na ata siyang nagugustuhan.
-
Pagkatapos ng dry run, bumalik na kami agad sa classroom para magligpit at umuwi. Natuwa si Kuya Boy sa ginawa namin at sabi niya magpapakain daw siya bukas manalo man kami o matalo. "Ako na diyan," kinuha ni Luis ang dala kong cardboard. Hanggang ngayon di pa rin ako nakakabihis at pinauna ko na sila Ahron pauwi kasama si Jas dahil marami pa akong inayos na props.
Tahimik na rin dahil wala na gaanong mga tao dahil alas sais na. "Labas ka nga muna dito na lang ako magbibihis, nakakatakot mag-cr." pagtulak ko kay Luis palabas ng room. Nagtago ako sa ilalim ng teacher's table atsaka nagbihis. Nagpulbo ako nag-ayos ng buhok.
"Luis ta-" pagkabukas ko ng pintuan ng classroom wala na si Luis. Pinatay ko ang ilaw at ni-lock ang pinto. "Luis?" hinanap ko siya sa buong floor at medyo natatakot na ako. Sobrang lamig ng pag dampi ng hangin sa balat ko dahil Disyembre na. Bumaba ako at madilim na third floor ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko. "Luis ano ba?" alam kong tinataguan niya ako at gugulatin. Lalo tuloy ako kinakabahan.
Bumaba ako sa second floor, at first floor. Nakita ko ang isa sa mga plastic na dala ko sa tapat ng bukas na pinto ng lumang library.
Putangina.
Natatakot kong hinablot ang bag at napatalon ako ng paglingon ko tumambad sakin ang gwapong si Luis.
Hinampas ko siya.
"Leche ka! Natakot ako alam mo ba yun?" inirapan ko siya. "Alam ko," natatawa niyang sabi habang naglalakad na kami palabas ng school. "Maria?" tinignan ko siya. "Hmm?" kumamot siya sa batok niya. "Pwede mo ba akong maging Francisco Baltazar?" Kumunot ang noo ko. "Ha?" he chuckled. "Wala, wala." Inakbayan niya ako hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay ko. Lumapit siya. "Goodnight," lumapit siya lalo at niyakap ako. I felt my face blushed.
I've been keeping myself up. Tinuturuan ko ang sarili kong kontrolin ang nararamdaman ko para kay Luis. Jas even told me na umamin na pero sabi naman nila Ahron huwag muna hangga't hindi umaamin si Luis.
Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Novela JuvenilMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)