All i want is nothing more to hear you knocking at my door
Sobrang lungkot ko. I badly wanna get drunk but I just cant. Inaakala kong hahabulin ako ni Luis pagkasabi ko noon pero hanggang akala na lang ako.
Cause if I could see your face once more, I could die as a happy man I'm sure
Nasa profile lang ako ni Luis at hinihintay kong magpalit siya ng profile picture. I am not crying pero sobrang bigat lang ng nararamdaman ko. I took a deep sigh.
But if you loved me, why did you leave me
Natauhan ako noong nag vibrate ang cellphone ko.
Cris :
I heard what happened.
Napabuntong-hininga ako sa message ng kaibigan ko. Lalo ako nalungkot. Ilang beses kong tinaktak sa utak ko na binasted ko forty five minutes ago yung anim na buwan kong manliligaw dahil sa araw araw na lang, yung Raina ang kasama at kausap niya. I just can't accept the fact that we are over. Ako ang tumapos.
Our love was made for movie screens
Nine thirty at naisipan kong matulog na. Pero wala, hindi ako pinapatulog ng mga iniisip ko.
Kinabukasan, pagkabukas ko ng gate ko ay tumambad sa akin si Luis na naka school uniform. He was smiling pero kita ko pa rin sa mukha niyang di siya nakatulog ng maayos. At alam kong I looked like that, too.
I locked the gate at nagkunwaring hindi siya napapansin. Hindi man lang siya nagsasalita. Sinusundan niya lang ako. Hanggang sa makapasok na kami ng school ay wala pa din siyang kibo. What is this? Mute effect treatment?
Lalo lang ako naiinis sa kanya. Ano ginagawa niya? Kung hindi na siya manliligaw ay dapat di niya na ako hinihintay sa gate. I rolled my eyes at my thought.
Mas nainis ako noong kinausap niya si Jas at tumayo naman ang kaibigan ko para si Luis ang umupo sa tabi ko. Hindi ko na napigilan.
"Better talk." sabi ko. Yumuko siya at inabot ang kamay ko. "Maria..." paos ang boses niya. I felt a part of me na nanlambot dahil doon. "Oh?" I tried to act cold. "I am sorry." napalunok ako. "Para saan?" tanong ko sa kaniya.
"Kay Raina." yumuko siya. "Ha? Wala yon. Siya na ba bago mong nililigawan? Sana naman sinabihan mo ako nung eksena pa lang sa canteen. Kung gusto mo palitan mo na yung profile picture mo eh. Hindi naman ako magagalit kung nagsasabi ka." tuloy tuloy kong sabi, still feeling strong.
"Sige. Kung gusto mo na akong tumigil, titigil na ako." napatingin ako sakaniya. Just, wow. Ang sakit. "Hindi ka hihingi ng take two?" pabiro kong sabi but I meant it."Sabagay...nagsasayang lang tayo ng oras sa isa't-isa." I said smiling like my heart wasn't broken.
Hindi na nagsalita pa si Luis. Hindi rin siya umalis sa tabi ko until the end of the class. Si Jas naman kalabit ng kalabit sa akin.
Balik normal ang buhay ko starting today. Pag uwian, puntang gym para hintayin ang mga kaibigan ko.
"Hay. Akala ko naman magiging masaya ka na!" sabi ni Cris na bakas ang pagkadismaya. "Me too! Wala man lang ba siyang ibang sinabi?" umiling ako kay Bryel. "Wala...bukod sa sorry at pagsang-ayon sa pagpapatigil ko sakaniya sa panliligaw." I smiled bitterly. "Gagong yun." tumikhim si Ahron. "Hayaan nyo na." Jas sighed.
Oo tama. Hayaan na lang. Wala naman na akong magagawa.
Nung patawid na kami sa kalsada sakto sa kabilang parte ay nandoon si Luis kasama si Raina. Nagtatawanan pa ang mga animal.
Sana ay hindi na lang pinilit pa, wala ring patutunguhan kahit sabihin pang mahal kita...
Sabayan pa nung tugtog sa pisteng dumaan na jeep na nagbaba ng pasahero! Nakasimangot ako hanggang makauwi. I deactivated my facebook account at handa na ako sa pagpapalit ng profile picture ni Luis pati sa pagbura niya nun. Bahala na. Phase lang to, I'll get through this.
Ano ba namang laban ko doon sa bata? The fuck! I am fifteen tapos iyon thirteen? I dont even know anymore. Mababaliw lang ako.
...
"CONGRATULATIONS BATCH 2016!!"
Pumalakpak kaming lahat ng Junior Highschool completers. Wala na akong ibang ginawa kundi umismid noong niyakap ni Raina si Luis.
"Huy girl wag na magpaka bitterella diyan! Madami tayong bagong makakasalamuha ngayong senior high!" Jas said with twinkling eyes. "Congrats sa atin!" inakbayan kami ni Ahron. "Tara picture bilis!" sabi ni Bryel na hawak ang kaniyang iPhone.
Matapos ang ilang picture taking sa stage ay nagpunta na kami sa bahay. Umuwi ang Daddy ko kasama sila Tita. Nagluto siya ng paborito kong lasagna.
"Congratulations ate Maria!!" sinalubong ako ng yakap ng mga kapatid ko sa ibang ina. "Salamat, cuties." binati din nila sila ang mga kaibigan ko.
Nasa kasagsagan kami ng hapunan ng nag vibrate ang phone ko.
Luis :
Congrats :--))
Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Parang gusto ko nga mag HUMSS eh," sabi ni Cris. "Basta ako STEM." Ahron na nag-ayos ng kwelyo ng polo. "Ako din, STEM." Bryel na nakangisi. "ABM naman kami ni Maria." sabi ni Jas bago uminom ng juice.
Excited na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Ficção AdolescenteMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)