7

25 2 0
                                    

HIBANG

Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na ako. Alas sais ang call time sa school at 8 am ang umpisa ng program. Napabuntong hininga ako dahil hindi pa ako bayad ng jersey kaya naka civillian ako sa parade mamaya. Next week pa daw makakapag padala si daddy ng pera. 

Luis :

Goodmorning, Maria.

Kakarating lang ng text kaya kakagising lang din niya. Bumangon na ako sa kama para maghanda. 

Maria :

Goodmorning din, Luis :) 

-

"MARIA!" nag-aayos ako ng props para mamaya ng tinawag ako ni Jas. "Bakit?" may inabot siya saking resibo. "Pinapaabot ni Miss Hondrade. Kunin mo daw ang jersey mo sa faculty," si Miss Hondrade ang adviser namin. Binasa ko ang resibo na katunayang may nagbayad para sa akin ng jersey namin. Sino? 

"Ma'am," pagtawag ko kay Ma'am Hondrade. Sinalubong niya ako ng ngiti. "Oh, this is Miss Rivera, the lucky girl." humagikhik siya habang binubuklat ang plastic bag na naglalaman ng mga jersey na di pa nac-claim dahil hindi pa bayad. Umupo ako sa harap ng table niya. "Sino po nagbayad?"

"Si Luisito Esquivel," kumunot ang noo niya. "Hindi niya sinabi?" kumurap ako. "S-Si Luis po? Hindi po eh wala siyang sinabi..." ngumiti ulit siya. "Hm, baka naman gusto ka niya at gusto niyang magpa-impress sayo, iha. Naalala ko tuloy noong kabataan ko..." she dreamily sighed at inayos ang salamin. "Kung nililigawan ka nun, sagutin mo na." kumindat siya at inabot sa akin ang jersey ko. "Yun nga po, hindi naman po nanliligaw." nanlaki ng bahagya ang mga mata niya.

"Ha? Hindi nanliligaw sa iyo pero ganiyan na siya?" Napaisip ang matanda. "Umamin na ba siya sayo nang nararamdaman niya?" nag-isip ako saglit. 

  "Pwede mo ba akong maging Francisco Baltazar?"   

Yan ang sinabi niya kagabi pero paano kung biro lang yon? "Wala po siyang sinasabi," umayos ng upo si Miss Hondrade. "Hay. Iba na ang istilo ng mga kabataan kung paano umibig at magpaibig." ngumiti ako. Naalala ko si Ace. Yung mga gesture niya noon ay isang malaking trap lang pala. Pinaibig ako lalo tapos hindi pala niya ako gusto. Hindi ko lang alam kay Luis.

"Ahm, sige po ma'am, mauuna na ako. Magbibihis na din po ako." ngumiti siya at tumango. "Sige iha, goodluck sa buhay pag ibig at sa cheerdance mamaya. Magiingat sa stunts!" 

Pagkalabas ko ng faculty hinanap na agad ng mata ko si Luis. Nagbihis muna ako ng jersey. Pag-akyat ko sa room ay nandoon siya at nagaayos ng buhok. "Maria," nginitian ko siya. "Salamat, ah. Pero hindi mo naman kailangan gawin to eh. Nagkautang pa tuloy ako sayo." umupo ako sa tabi niya. "Hindi ko kailangan ng cash," lumapit siya sa tenga ko. "Ang kailangan ko ay payagan mo akong manligaw sa iyo," he whispered na kinatindig ng mga balahibo ko. Napalunok ako.

"Hindi ko naman ngayon hinihingi ang kasagutan mo kung papayag kang magpaligaw sa akin Maria. Pero kahit na ayaw mo ay liligawan pa rin kita." kumindat siya sa akin na lalong kinabaliw ng sistema ko. Nababaliw na ata ako. 

"MARIA TA...Uy Luis hehe," alanganin na tawag ni Jas sa amin. "Baba na daw para sa parade..." she bit her lip na alam kong pinipigilan niyang ngumisi. "Okay sige bababa na kami." sabi ni Luis na nakatingin sa akin.

-

"OMG! ANG CUTIE PALA NI ESQUIVEL."

"IS MARIA HIS GIRLFRIEND? SANA HINDI!"

"MAMAYA PAPA PICTURE AKO SAKANIYA. ANG POGI NIYA NUNG SOLO NIYA KAHAPON! PANO PA KAYA MAMAYANG ACTUAL?"

Napapikit ako habang nasa pila. Wala akong ibang marinig kundi yung mga babaeng nag-gwapuhan kay Luis. 

"Please welcome, the FRESHMEN!!" pagkabigkas ng pangalan nila, lumadlad ang kanilang banner na katerno ng kanilang jersey. Orange ang letter cuts at black ang background. Ang confetti na nalalaglag ay color yellow na cellophane. Nagpalakpakan kaming mga nasa pila sabay ng pagwawala ng freshmen sa loob ng gym.

"Now, the SOPHOMORES!" umusad ang pila sa kaliwang side namin. Naka white and red naman sila na combination na jersey. Yung banner nila "sophies" lang ang nakalagay at may isang fire works. "Shiz, excited na ako sa hitsura ng sa atin." Bryel na siya daw ang sumagot ng fireworks ng sa amin.

"The JUNIORS!" Nagumpisa na kaming maglakad. Hindi kagaya ng ibang year level na naka align, kami naka-kalat. Parang entrance ng mga artista sa kanilang fight scene. May iba pa nag cart wheel. Sinalubong kami ng masigabong palakpakan.

Ang jersey namin ay color black and red na may white na borders sa bawat letters. Knights ang pangalan ng team namin. Ang banner naman namin ay color black and red din, at may pakpak. Natakpan ng bahagya ang banner ng sophomores.

Pumalakpak muli ang mga tao nang sumabog na ang mga fireworks nila Bryel. Nag-apir sila ni Cris. "Feeling ko tuloy tayo na ang champion!" sabi nung isa kong classmate.

"Last but not the least, SENIORS!" tumugtog ang isang swag na kanta at nakamotor ang mga seniors. Pang intro na sa cheerdance ang paglalakad nila papasok sa gym. Ang jersey nila ay kulay white and blue. Yung banner nila blue tapos white naman ang letter cuts. May confetti ding naglalaglagan at may dalawang kalapati silang pinalipad.

"Partner! Damang dama ko ang init ng opening ng intramurals natin ngayon," sabi nung emcee matapos ang unang part ng program. "Oo nga, paano pa kaya mamayang cheerdance na?"

"Mariaaa!! Picture tayo!" hinatak ako ni Jas mula sa pwesto ko. Kami kami pala to nila Ahron. We did three poses at nakuntento na sila. "Kayo naman!" Pagturo ni Ahron kay Luis na napakamot sa batok. I felt my cheeks burned.

Our first picture.

Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon