GUSTO KITA
Nakabihis na ang lahat. Walang humpay na mga picture taking at sandamakmak na mga camera ang nginingitian namin. "Nakakangalay ngumiti," Jas na nasa tabi ko. "Kaya nga eh." supportive parents masyado ang meron ang mga kaklase ko. Yung iba dala pati tito at tita.
Nang matapos ang picture taking, may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa likod ko. "Ipapakilala kita kay mama." nalaglag ang panga ko. Lumapit kami sa babaeng mga nasa thirty plus ang edad. Light brown ang buhok niya at pormal kung manamit. Professor kasi, eh.
"Mama," tawag ni Luis dito. "Siya po si Maria." ngumiti ako sa kaniya. "Hello po." sumingkit ang mata niya pagkangiti niya sa akin. "So you are that 'maria' girl..." ngumiti siya ng nakakaloko sa anak niya. "Madalas ka niyang ikuwento sa akin. Siguro ay gust—"
"Mama..." namumula ang tenga ni Luis. He's probably shy. Natawa si Mrs. Esquivel. "Ako si Luna," inabutan niya ako nang kamay. "Nice to meet you po miss." sambit ko na ikinangiwi niya. "I think you should call me mama." namilog ang mga mata ko. Bumungisngis siya.
"Sige po mama, assembly na namin." paalam ni Luis at hinatak na ako papunta ulit sa pila namin. "Ikaw ha," pabiro kong hinampas ang braso niya. "Ano?"
"Crush mo ko!" pabiro kong sabi at tumawa ako. "Hindi kaya." napawi ang tawa ko. Ngumisi siya. "I dont like you because I love you." kumindat siya. Parang nakuryenteng binawi ko ang kamay ko. "Love mo ba ako?" umiwas ako ng tingin at nakinig na lang sa emcee.
"To all the participants in this cheerdance competition, please stay aside. Give way to our first performer. the FRESHMEN!" pumunta kami sa pwesto namin sa bleachers habang nagaayos ng props ang freshmen. Wala silang intro, kung ano sila kahapon sa dry run, yun pa rin sila ngayon.
Makukulay ang costume nila. May color coding. Lahat ng kulay na nasa rainbow. Ang sarap nila panoorin habang sumasayaw. Binigyan namin sila ng palakpakan nung natapos na sila.
"Ngayon naman, ang JUNIORS!" Humigpit ang hawak ko sa props na dala ko. Nilapag ko ito sa mga pwesto ko sa lifting. Ang costume namin ay palda kaya maiilang ako panigurado sa mga lifters ko. Lalo na kay Luis. Yea may cycling ako pero kasi e. Hay! Ewan. Lumabas kami ulit para sa intro namin. Sumakay kami sa sasakyan nila Cris na Toyota Hilux. Naghahagis kami ng mga candies sa audience at may dalawang motor sa magkabilang side. Si Jas at si Anette ang angkas na may hawak na mga flag. Pinalakpakan nila kami.
Nung nasa gitna na ay gumawa kami ng kaniya kaniyang stunts. Tapos ay bumalik na sa mga pwesto namin para sa cheerdance. Nung dumating ang solo ni Luis pinanood ko lang siya. Parang nas-slow motion ang mga galaw niya. Damn.
Nang matapos ang sayaw ay pinalakpakan kami ng madla. Dumiretso ako sa cr para mag relax. "Shit Maria. Kumalma ka." bumuntong hininga ako. Paglabas ko ng cr ay bumungad sa akin si Luis. "Can we talk?" seryoso niyang tanong. Tumango ako. Oo tama. Para malinaw na ang lahat. Sa canteen kami dinala ng mga paa niya. Kaunti lang ang tao kaya tahimik.
"Maria gusto kita." naramdaman ko agad ang pagbigat ng tibok ng puso ko. Sa unang beses may nagtapat sa akin ng ganito, at yung taong gusto ko rin. "Luis, gusto rin ki-"
"So tayo na?" malaki ang ngiti niya. Hinampas ko ang kamay niya. "Siraulong to, agad-agad?" inirapan ko siya. "Wag ka ngang magmura. Lalo ako naiinlove sayo eh." natawa ako sakaniya. "Baliw ka na, Luis."
"Baliw sayo." kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag ngisi.
"Saan kayo nagpunta? Kunin niyo pagkain niyo doon kay kuya Boy," nakangising sabi ni Ahron sa amin. "Pre hayaan mo lang." natatawang sabi ni Bryel. "Kuya Boy," sabi ko paglapit namin sakaniya. "Ito na pala ang mag syota." he chuckled. "O, salamat sainyo lalo na sayo Luis. Kahit na kakarating mo lang noon ay hindi ako nahirapan sayo dahil sumusunod ka. Sayo din Maria. Pinapagaan ninyo ang pagtuturo ko." ngumiti ako sakaniya at inabot ang dalawang styro. "Salamat din po sa pagtuturo sa amin. Kung wala kayo ay hindi kami makaka-sayaw." pasasalamat ko.
"Siya, siya. Balik kayo after thirty minutes dito at maga-awarding na."
-
Pagkatapos namin kumain ni Luis ay pumunta na kami sa pila. Wala siyang ibang ginawa kundi ngitian ako. "Ngayon ia-announce muna namin ang Mister and Miss intramurals." sabi nung isang emcee. "Our Mister and Miss Intramurals was number 10 and number 15!!" napatingin ako sa number ni Jas sa ribbon na binigay sa amin kanina. Siya yung ten!
"BESHYYY AKYAT! IKAW UNG MISS!" sila Bryel din ay nagkakagulo at nakita kong tumatakbo paakyat si Ahron sa stage. Hindi na ako umapila. Mga kaibigan ko ang nanalo. They deserve the title dahil parehas silang pogi at maganda.
Pumunta kami sa harapan ng stage para kuhaan sila ng litrato. Inakbayan ni Ahron si Jas na kinatili ng iba. May iba pa nagsabi na real life couple daw sila dahil madalas makitang sabay pauwi.
"Now, the best in jersey...JUNIORS!" nagka tinginan muna kaming mga juniors bago tumakbo sa stage. Hakot na kami. Inabot sa akin ang trophy at nag pose na kami sa camera.
"Now the best in banner na partner. Obvious naman na ata ang winner." humagikhik ang mga emcee. "JUNIORS AGAIN!" nagtilian kami at nagtatakbo sa stage. Humahakot na talaga kami. Kay Bryel namin inabot ang trophy dahil siya ang gumastos para doon.
"At ang pinakaa-abangan ng lahat, ang cheerdance competition." nanahimik na ang lahat. "Our third place, the SOPHOMORES!" Gumaan ang loob ko dahil hindi kami pang last. "Second place, FRESHMEN!" yumuko kaming lahat. Yung mga seniors kinakabahan na ng sobra. "Ang tatawagin ko, champion. I repeat. CHAMPION ANG TATAWAGIN KO." mahigpit ang kapit sa akin ni Jas.
"JUNIORS!" umalingawngaw ang tilian at sigawan ng mga manonood. Ang ibang seniors ay naiyak dahil gusto nilang manalo at maiuwi ang trophee dahil yun ang nais ng lahat ng mga graduating students. Nang makababa na kami ay hinatak ako ni Luis papunta sa mama niya.
"Mama picturan mo kami!" inakbayan ako ni Luis at hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko. Natawa ang mama niya. "YES! MAY PANG DP NA AKO FOREVER!" Sigaw niya na lalong ikinainit ng pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Rivera (REVISING)
Fiksi RemajaMaria Asuncion Rivera ng makabagong panahon. (will be revised soon)