Chapter 1 Althea POV

1.6K 56 3
                                    

Althea

Sampung taong gulang lamang ako ng isama ako ni Tatay sa mansion ng mga Tanchingco. Dito siya nagtatrabaho bilang Family driver. 3 years na siya dito at mababait naman ang boss niya kahit may lahing chinese. Hindi daw magulo kausap kaya tumagal siya dito.

Pinasama daw ako dahil birthday ng bunsong anak nila Boss Oscar. Siya daw ang pinakapabirito ng lahat lalo na ng mga nakatatandang Tanchingco. Si Jade.

"Anak, magenjoy ka pero wag kang maglilikot ha. Nakakahiya sa ibang bisita. Mga mayayaman pa naman sila." Sabi ni tatay habang inaayos ang suot kong dress na may malaking ribbon na pula sa likod. Binili niya talaga ako ng bagong damit para sa party na to. Hindi ko naman gustong sumama kaso nakakahiya daw dahil inimbita ako. "Oo naman po tay." Ngiti kong sagot.

Pag pasok namin parang gusto ko ng umuwi dahil napakaraming tao parang fiesta, hindi pa naman ako sanay sa ganito dahil lumaki akong si tatay lang ang kasama. At hindi ko hilig ang makipaglaro sa iba, kailangan sa bahay lang ako dahil pumapasok sa trabaho si tatay, ako ang magbabantay baka kasi umalis ang bahay namin pag iniwan mahirap na.

"Kuya Felix dumating na pala kayo. Lapit ka muna kay Sir Oscar, kanina ka pa hinahanap may ipapasundo ata sayo." Sabi ng Babae na halos kaedad ni tatay.

"Ah sige, eto nga pala ang anak kong si Althea. Anak, si Luisa siya ang pinakaboss ng mga katiwala dito." Tawa naman si tatay at pinalo siya ng binibiro niya.

"Ikaw talaga kuya, Sige na ako na ang bahala sa magandang bata na to. Teka, bat hindi mo kamukha?" Siya naman ang natawa.

"Ewan ko sayo Luisa, sige na. Anak aalis muna ako ha. Magenjoy ka lang." Humalik lang si tatay sa ulo ko at lumakad na palayo.

"Iha, tara hahanapan na kita ng mauupuan mo." Hinawakan ang kamay ko at tinungo na namin ang pinag.gaganapan ng party.

"Dito ka na umupo para madali lang kita makita pag nasa tabi ako ng alaga ko. Sumali ka sa mga palaro ha." Sabi ng boss ng mga katiwala.

"Maraming salamat po Mam Luisa." Sagot kong nakangiti.

"Nanay Luisa nalang Iha. Parang anak na din naman kita. Pupunta muna ako sa alaga ko ha, sisilip-silipin nalang kita." Tumango at ngumiti nalang ako.

Marami nang palaro ang nagdaan, marami din naglalaro sa paligid. Ako nama'y nanunuod lang dahil wala naman akong kilala dito. Bigla akong nilapitan ng clown, isa ako sa pinili niya para maglaro sa susunod na game. Longest Happy Birthday.

"Last contestant na. Mukhang mahihirapang ma-beat ni althea ang 20 secs. Ready ka na ba?" Sabi ng clown. Tumango lang ako at 3, 2, 1. "Happy Birthday Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaddddddddeeee!" 30 secs. din akong sumigaw at nagpalakpakan na sila.

"Wow ang galing na bata kahit mahiyain. Eto na ang prize mo at tumabi ka na sa birthday celebrant para magpapicuture. Ano palang masasabi mo sa kanya?" Ngayon ko lang tinignan yung may birthday, si Jade. Ang nakadress na pink. Walang wala sa suot kong dress dahil ang kanya ay maraming palamuti. Nakatingin sakin at nakangiti.

"Maganda po." Yung ang sinabi ko. Na-kinatawa naman nila. Mali pala ako, "Happy Birthday Jade." Sabay kamot sa kilay ko. At pinalapit nako sa kanya.

"Thank you, Althea." Ngiting sambit ng magandang bata. Pagkatapos namin makunan ng litrato ay nagpasalamat din ako at bumalik na sa upuan ko.

Kainan na. Sa wakas! Lumapit sakin si Nanay Luisa na may hawak na dalawang plato na may lamang pagkain. "Iha ang galing mo ha. Matutuwa ang tatay mo nyan. Eto na ang pagkain mo. Gusto nga pala ng alaga kong dito kumain sa tabi mo. Gusto ka daw niyang makilala."

At napatingin ako sa gawing likod niya, nandun pala si jade. Mukhang nahihiya sa sinabi ni Nanay Luisa. "Hello Althea, Ok lang ba kung dito muna ako?" Tumango lang ako at pinaupo na siya ng maayos.

"Sandali lang mga bata kukuha lang ako ng juice niyo." Tumayo na si nanay at lumakad na palayo.

"Althea sinong parents mo? Bakit ngayon lang kita nakita? Ilang taon ka na? Taga saan ka? Saan ang school mo? Anong grade ka na?" Sunod sunod na tanong ni Jade.

"Ha? Si ano, si tatay Felix. Ngayon lang kasi niya ako sinama dito. 10 years old nako. Ano pa nga yung tanong mo?" Nahihiya kong sagot. Ang dami naman kasi agad na tanong. Napahahikgik naman siya sa sagot ko at sinabing

"You're funny, I want you to be my friend." Napakamot nalang ako sa aking kilay.

Madami pa siyang tinanong at kinuwento sakin ganun din ako. Lahat na halos ng nangyari sa buhay niya sinabi na niya. Simula na pala yun ng pagkakaroon ng ingay sa aking mundo.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon