Mula ng party ay lagi na kong sinasama ni tatay sa mansion dahil request ni Jade. Lumipat din ako ng paaralan kung saan siya nag.aaral. Kinuha akong scholar ng Tanchingco Foundation. What she wants, she gets sabi niya nga. Magkalaro, study buddy hanggang naging matalik kaming magkaibigan. Kilala ko na ang buong angkan niya pero siya si Tatay lang ang kilala. Wala na kasi akong nanay, namatay siya ng ipinanganak ako. Nasa probinsya naman ang ibang pamilya namin pero alam niya ang istorya.
__
"Tey, anong ba talagang course ang kukunin mo?" Basag sa katahimikan ni Jade. Fourth year high school na kami at kasalukuyan gumagawa ng homework sa kwarto niya.
"Gusto ko talaga ng Culinary kaso sabi ni tatay ang focus lang nun sa pagluluto. Gusto niya mag.accountant ako bagay daw kasi ang ganda ko dun." Sagot kong natatawa. Ang babaw kasi ng dahilan ni tatay.
"Pero ako pa din daw ang bahala kasi ako naman ang mag.aaral kaya di pa din ako sigurado. Ikaw?" Dagdag ko.
"For sure Business Management ang gusto nila sakin kaya yun na siguro. Di nako mangangarap ng iba." Pilit ngiting sabi ni Jade at yumuko na ulit para magsulat. Nakakalungkot na wala siyang karapatan mamili pag dating sa future niya.
Alas siyete na ng gabi kaya nagliligpit na ko ang gamit ko dahil uuwi na kami ni tatay. "Bakit ba kasi hindi nalang kayo dito maghapunan?" Nakanguso at puppy eyes pa siya. Hay Jade, wag kang magpacute.
"Nakakahiya na kasi Jadey. Family bonding niyo na yun at kami din ni tatay. Yung nalang kasi ang time namin. Next time nalang tayo magsabay kahit sa bahay pa namin. Magluluto ako." Kinurot ko ang ilong niya at bigla na siyang ngumiti.
"Promise ha? Ipagpapaalam ko na yan kay Dada. Tara na sa baba." - Jade Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Opo pababa na po." Sigaw ni Jade at binuksan ang pinto. Si nanay Luisa pala,
"Althea, Dumaan ka daw muna sa opisina ni Sir Oscar bago ka umuwi." Sabi niya.
"Sige po. Pupunta nako." Nagkatinginan kami ni Jade pareho kaming nagtataka pero sa loob ko, kinakabahan ako.
Kumatok muna si Jade bago kami pumasok at umupo siya sa sofa na parang tatambay. Bumati naman ako ng magandang gabi.
"O Baby, anong ginagawa mo dito? Si Althea lang ang pinatawag ko." Bungad samin ni Boss Oscar.
"I just want to hear about it too Dada." Sabay hawak sa phone niya na parang wala lang.
"It's about her scholarship baby. Kaya it's personal. Bumaba ka na dun, hintayin niyo nalang ako for dinner. Sandali lang naman ito." -Boss Oscar
"Fine. Bye Althea, ingat kayo. See you tomorrow!" Tumango lang ako dahil kinabahan ako lalo. Pag ka beso niya ay lumabas na siya. Umupo naman ako sa katapat na upuan ng study table.
"Sir Oscar, Bumababa na po ba ang grades ko? Tatanggalan niyo na po ba ako ng scholar?" Tanong ko na parang maluluha. Hindi pwede to, hindi kakayanin ni tatay ang tuition ko kung magtutuloy pa din ako sa school na yun, ayokong malipat ng school, ayokong malayo kay Jade.
"Iha relax lang, wag kang matakot." Natatawang sagot niya. "Actually babatiin kita dahil consistent ang grades mo, above required average pa nga." Nawala na ang kaba ko kaya nakahinga nako ng maluwag.
"Graduating na kayo, Baka gusto mo pa ding mag.apply ng scholarship samin kaso pili lang ang kurso na binibigyan nun. I'll get straight to the point iha di ka naman na iba samin, gusto ko sana mag.apply ka ulit at kumuha ng Business Management para kasama ka pa din ni Jade at matulungan mo siya. Sa abroad sana siya mag.aaral pero ayaw niya, lalo lang daw siyang mahihirapan dahil di naman niya gusto yun." -Boss Oscar.
Nakakatuwa at makakasama ko pa din si Jade. Nakakalungkot dahil diniktahan kami na kunin ang kurso na yun. Teka, hindi nabanggit sakin ni Jade na dapat sa abroad siya mag-aaral. "Pero pag isipan mo pa din iha, pumunta ka nalang sa office para sa details." Tumayo na kami at nagkamayan.
"Salamat po Sir Oscar. Makikipag.usap din muna po ako kay tatay." -Althea
_
Kinaumagahan pagpasok, tahimik lang kami ni Jade sa biyahe. Sabay kaming pumapasok dahil si tatay naman ang naghahatid sa kanya. Sa pag uwi naman si Kuya Roger ang sumusundo.
"Magkaaway ba kayong dalawa? O hindi lang maganda gising ninyo? Di ako sanay na tahimik ang umaga e." Sabi ni tatay habang nagmamaneho.
"May exam po kasi mamaya tay, baka pag nagkwentuhan po kami makalimutan namin yung pinag-aralan namin." Sagot ni Jade. Nakiki.tatay siya dahil magkaibigan naman kami tsaka magalang siya pag dating kay tatay.
"Kaya pala, Althea hindi ka masyadong kumain kanina makakapag-isip ka ba ng maayos niyan anak?" Nagaalalang tanong ni tatay, napatingin naman si Jade sakin mukhang nag-alala din.
"Ah, Opo naman tay, ako pa ba. Tsaka papakopyahin naman ako ni Jade mukhang marami siyang kinain. Ang taba ng pisngi e." Biro ko para ngumiti na siya pero sumimangot lalo at tumingin sa labas ng bintana. Si tatay naman ay tumawa ng mahina.
Nasa classroom na kami, tahimik pa din siya. Siguro pangit ang gising niya. Napakamoody talaga nitong bata na to. Kagabe pabebe, ngayon mukhang naluging instik pero ang cute pa din niya. Pumasok na ang guro namin kaya winaglit ko muna siya sa isipan ko. Habang nageexam, nararamdaman kong may nakatingin sakin, mukhang may naghihintay ng sagot ko ah, pag tingin ko sa paligid si Jade pala.
Ang lalim niya tumitig sakin, hindi mabasa ang emosyon niya. Wala ba siyang masagot sa exam? E favorite subject niya to. Tumayo na siya at lumakad dala ang bag niya palapit sa guro para ipasa ang papel niya tapos ay lumabas na nagpinto. Ano bang problema niya?
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?