Chapter 19

822 42 11
                                    

Nasa designated table na kami ni Tatay pinaupo siya ni Boss sa tabi niya. Hindi ko alam bakit iba ang pakikitungo niya kay Tatay ngayon. Sana wala siyang ibang motibo.

Ako muna ang nagpapakain kay Theo dahil busy pa si Pearl.

"Kumpadre, napakaswerte mo sa unica iha mo. Sa pagaalaga pa lang niya sa inaanak niya makikita mo na magiging mabuting ina siya sa sarili niyang anak." Komento ni Boss.

"Wala pang asawa yan pero nakikita na naging maayos ang pagpapalaki ko sa kanya, diba?" Sagot naman ni Tatay. Ano ba naman to si Tatay, patola pa e. Napainom nalang ako nang tubig dahil sa kaba. Saan ba pupunta ang usapan na to. Tsk

"Totoo yan, nasa tamang edad na siya para mag.asawa. Matagal na rin sila ni Paul nagdidate, bakit hindi pa natin planuhin ang kasal nila?" Nasamid ako sa sinabi niya. Si Paul naman napasigaw

"Dada!!"

"Oscar, wala akong balak pakialaman ang gusto niyang gawin para sa hinaharap, malaki na siya kaya tiwala ako sa kanya at suporta naman ako sa mga gusto niya."

"Dada please, sinabi ko na sa inyong hindi pwede."

Galit na umalis si Boss kinaroroonan namin. Napagpasyahan naming umalis na rin dahil awkward na magstay pa.

Humingi naman si Paul nang paumanhin. Pupuntahan nalang daw niya ako para makapagusap kami.

__

Ngayon ang araw na mami.meet namin ang Executive Chef and Co-owner nang RK. Kagagaling lang daw nito sa London at kami agad ang kikitain. The manager said he was very impressed on our performance and everytime na may tugtog kami their sales tripled kaya gusto nila kaming mainterview to be a resident band.

Hindi niya alam hinahangaan ko rin siya. His bar, foods, concepts and everything. Hindi ko pa man siya nakikita nang personal iniidolo ko na siya.

"Sir Kean, parating na raw po sila Chef in 15 mins." Sabi ni Ms. Nadine na manager nila. Late na kasi sila nang 5 mins.

"Kinakabahan ako Jath, ikaw na bahala ha. Baka maubos ang english ko kay Chef Alex." Inunahan ako ni Kean. Ngayon lang ulit ako kinabahan nang ganito. Napatingin ako sa labas nang bintana at napahawak sa bracelet na regalo ni Jade.

Hindi naman ako natatakot, I've met a lot of high ranking people never naman ako kinabahan. But I know I am just excited to meet him. Simula nang magkwento si Ms. Nads about the company, naimagine ko na siya. How he works, how he thinks, how delicious his food and him. Charot. Ngayon nalang ulit ako nag.imagine nang iba.

"Guys, meet Chef Alex. Chef, si Mr. Kean Cipriano and Ms. Jath Gueco, the leads of the Upheavel Band." Nagulat ako sa biglang introduction kaya napaharap ako sa bagong dating.

Lahat nang iniisip ko tungkol sa kanya ay mali pala. He is a She.

And She looks like Jade. Her eyes that seeing the best in me, her shiny lips with a smile that I always fall for. Fvck, kakanasa ko sa iba minumulto ata niya ako.

"It is nice to finally meet you, I can not deny that I'm a fan of your music, Alex" Puri nang isang mestisang blonde. Nakikipagkamay muna siya sakin pero kinuha ni Kean ang kamay nito tsaka ako natauhan at nakipagkamay na din.

"We're a fan of your food too, Chef. Lets have a seat." Sagot na rin ni Kean at pinagdilatan ako nang mata.

"Chef, the City Mayor saw you and asking you to their table. Nasa 2nd floor sila. Should I tell them to wait?" Sabi ni Nads.

"If they can. I'm already late here, iiwan ko pa ba sila."

"I-It's fine C-chef Alex. Waiting won't hurt." Buong lakas kong sinabi so I can have a space from her.

"You insist. Please excuse." Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko. Tumayo na siya at umalis.

"Ms. Nads, babae pala si Chef. Mas kinabahan ako." Sabi agad ni Kean

"Mukha nga, wala naman akong sinabing lalaki siya. Hehe Jath are you okay? Kanina ka pa namumutla."

Tumango lang ako.

"Kean, tama ba nakita ko? Kamukha niya si Jade."

"Oo nga kaya sabi ko parang kilala ko. Mas maputi at blonde lang."

Is that really possible? That she have the same face as her? Hindi matalo nang isip ko ang puso ko, sinasabi niyang hindi si Jade yan pero bakit sobra ang tibok nang puso ko?

__

Sa mga nagdaang araw puro obserbasyon ang ginawa ko kay Chef Alex. Kahit wala kaming tugtog nasa resto ako para kumain. Sakto naman siya lagi ang nagluluto ng pagkain ko.

Marami silang pagkakapareho ni Jade. Pag ngiti lang tuwing nakikita ako ang hindi, lagi lang siyang walang emosyon. Mula ng magandang pagbati niya sa amin ay hindi na siya muling ngumiti sakin.

"Jath, try naman natin sa ibang floor kumain para iba naman ang ambience. I'm starting to feel this is a part of my place." Reklamo ni Kath.

"Well, think of it as my place. Yun naman ang concept nang resto na to." Dahilan ko pero ang totoo sa pwesto ko ay katapat nang pinto sa kitchen, pag magbubukas ito minsan kong nakikita si Chef or nakikita ko pag palabas na siya. Lagi kaming magkatitigan pag lumalabas siya.

"You got hooked in here. Kaya ba ayaw mo na tumugtog sa ibang bar?"

"Hindi naman sa ganun, may contract na kasi dito. I know how important having that to a company." Yun nga ba ang dahilan?

"Noong may gustong kumuha sa inyong talent manager tinanggihan mo dahil ayaw mo kamo matali sa ganun. Kung sayo hobby lang yun, kay Kean pangarap niya ang hinaharang mo." I was shocked on what she said. Oo nga naman. Grupo kami pero desisyon ko lagi ang nasusunod.

"You are not a businesswoman anymore, you're a musician now. Think about it." Dagdag pa niya.

Habang nag.uusap kami, nagring ang phone ko, nakakapagtaka na tumatawag si Tita Amanda sakin.

"Teka lang Kath, sagutin ko lang to." Pumunta ako sa hagdanan nang fire exit.

"Hello po Tita?"

"Althea si Paul. Tulungan mo si Paul, hindi ko alam anong gagawin ni Oscar sa kanya pag dating niya dito. Tulungan mo siya Althea.."

"Tita Amanda, Relax lang po, uminom kayo ng gamot at wag na mag.alala. Papunta na po ako, ibababa ko na po muna ha. See you po." I need to sound relax para hindi siya lalong magpanic dahil makakasama sa kanya.

Kinagulat ko naman ang nagbukas nang Fire exit door.

"I heard someone, Is everything okay? You look pale." Tanong ni Chef Alex at bigla niyang hinawakan ang wrist ko para pulsuhan ako. Mukha namang worried talaga siya.

"Yes Chef. I'm fine, I have to go. I'm sorry." Tumango lang siya. At gumilid para makadaan ako.

"Kath, sorry kailangan ko puntahan si Paul. Emergency lang." Paalam ko sa kanya. Pinagingat na rin niya ko magdrive.

Hindi ko alam kung dahil sa pagaalala ko kay Paul o dahil kay Chef Alex yung nararamdaman ko ngayon. Dun nalang ulit kami nagkalapit nang ganun mula nang meeting namin.

What the hell is happening?

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon