Chapter 20

440 27 11
                                    

Inabutan ko na tinatadyakan si Paul nang sarili niyang Ama sa sahig. Si Tita At Gab na pilit umaawat. Hindi ko kayang nakita ko kaya agad akong lumapit kay Paul at sinalo ang sipa.

"ALTHEA!" Sigaw nila. Lumapit na sakin si Gab.

"Tama na Oscar! Ano ba!" Pilit na sigaw ni Tita Amanda dahil hirap na rin siya sa paghinga.

"NAKAKAHIYA KA PAUL! HINDI KITA KILALA! WALA AKONG ANAK NA BAKLA!" Umalis siya para din siguro kumalma.

"G, ayos ka lang? Saan masakit?" Alalang tanong ni Paul.

"Ikaw, saan walang masakit?" Napatawa siya kahit may luha sa mata niya.

"Ma, please calm down. Dun muna kayo sa mga bata, kami nang bahala kay Paul." Inakay namin siya papunta sa kanyang silid.

Nagdala si Pearl nang pangunang lunas sa mga sugat upang malinis na bago pa dumating ang doktor nila dahil hindi siya pwedeng dalhin sa ospital upang maka.iwas sa iskandalo.

Matapos siyang gamutin hiniling niyang dalawa lang kami maiwan sa silid.

"Nandidiri ka din ba sakin, G?"

"Why would I? Wala namang mali sayo. Satin."

"Wow, ganun lang kadali sayong mag-out sakin pero ako kailangan mabugbog muna." Natatawa niyang sagot.

"What happened, Paul?"

"Alam ko na noon pa, hindi ko dini-deny sa sarili ko kaya tinago ko nalang pero nung dumating siya, nakalimutan ko yung takot ko kaya sinubukan ko. To be with him is the best thing happened to me. Kaso may nakakita samin. And that's how it ends."

"I'm so sorry Paul. Lagi kang nanjan para sakin pero di ko nakita na kailangan mo din pala ako." Gusto ko siyang yakapin ngunit masasaktan siya dahil sa dami ng pasa niya.

"Althea, that is the choice I made. Lagi ka rin nanjan para sakin and I am very thankful for that."

"So what now?" Bago pa makasagot si Paul, pumasok si nanay Luisa.

"Nak, pinapatawag ka ni Sir Oscar sa opisina niya." Sabi niya sakin na bigla kong kinakaba.

"Althea, this is your chance to say no to him. That's what Jade always wants." Huling sinabi ni Paul bago ako makalabas ng kanyang silid.

Jade. Paano kung si Jade ang nasa sitwasyon ni Paul. Anong hirap kaya ang daranasin niya.

__

Sampung minuto nakong nakaupo sa harap ni Boss. Siya naman nakatingin sa family picture nila. Habang umiinom.

"Althea, Am I a bad father?

"I'm not your child Tito. But I know you are a good man."

"Would you trade your father for me?"

"I'm sorry but I would never. He's the best among men that I know." Napabuntong hininga siya sa sagot ko.

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang saktan ka Althea. Alam mo bang may mali kay Paul?"

"Wala pong mali kay Paul, kaya sana tanggapin niyo kung ano siya. Wala rin naman pong magbabago, siya pa rin ang anak niyo."

"Hindi lang ako Tatay, I have a name to protect too. Hindi ako papayag na masira ito dahil lang sa ka-imoralan ni Paul."

"You already made up your mind, what am I doing here?"

"Marry Paul, only you can save him. Jade will be happy to have you in the family."

Agad akong tumayo at nagpaalam na, "I have to think about it. Please don't hurt Paul again."

___

Bumalik ako sa RK to have peace in my head. Buti nalang bakante uli ang paborito kong mesa.

Naisipan ko sanang magsulat ng kanta, pero gusto ko munang makita si Chef. Naalala ko na naman yung lapit niya. Kamukha talaga siya si Jade.

Nakatulala lang ako sa pinto ng kusina baka sakaling dumaan siya--

"What are you looking at?" Bulong sakin na kinatayo ng balahibo ko hanggang hita.

"C-chef!" Gulat kong tawag sa kanya.

"Are you always like this? Or there is something bothering you? Are you sick?" Tuloy tuloy niyang tanong habang nagsserve sa table ko.

"W-wala pakong order--"

"It's on me. I want to share a meal with you. Whether you like it or--"

"I love to. Please take a seat." Bawi ko sa pang puputol niya sa sagot ko. Lol

"I think we set on the wrong foot the first time we met, so here I am again, I'm Alex." Sabay ng pag taas ng kamay niya.

"I'm Jath and sorry about last time, it's just that-- we pictured you as a guy and you are you. And starstruck kami dahil napakaganda mo." Todo paliwanag ko baka di na kami mag usap ulit, sulitin ko na.

She chuckled. Omg! That's the first time I heard her laugh. Mostly kasi pasigaw siya mula sa kitchen.

"You shooed me away because I looked pretty.. Oookay, apology accepted." Sagot niya na nagpipigil matawa. Nagserve na siya ng wine at tinanggal ang cover ng plate.

"Bon appetié!" Sabi niya.

She served us a Pork trotter.

"Is this in a menu? Hmm.. It taste like-- home." Pamiliyar yung lasa.

"It's just Adobo, Althea. Your Pambansang ulam kaya it taste like home." Natatawa na naman siya. Di ko alam kung pinagtitripan lang ako nito.

"Pardon me, It's just fun teasing you, wait for more, ayt mate?" She winked and rise her glass.

Is this the start of our friendship? From that moment, I forgot everything.. Even Jade.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon