Chapter 11

575 42 5
                                    

"I've heard what happen. Are you okay? What did Dada say?" Tanong ni Jade ng makapasok kami sa kanyang silid.

"Syempre ok lang ako, hindi naman ilong ko ang nabali." Pagbibiro ko.

"Kung ilong mo lang talaga baka ipamurder ko ang bakla na yun! Thank you Althea for standing for us. I'm so proud of you!" Niyakap na naman niya ko.

Wala nang nagsalita, wala nang nagtanong. Sinulit nalang ang oras na binigay ng pagkakataon.

_

Nasa hapag kainan kami ng mga Tanchingco, matagal na din ng huli akong kumain dito. Nag.uusap sina Sir John, ang Lolo ni Jade at si Boss Oscar tungkol sa kumpanya nilang di naman nalulugi.

"Wow, may bisita pala tayo. Good evening guys. Buti umabot kami." Pagbati ni Gabriel at nagmano sa mga nakakatanda. Siya ang panganay ni Boss Oscar. May posisyon na din siya sa TGC.

"Good evening, Hi Althea! I know what you did, you're so awesome!" Bati naman ni Paul. Ngumiti lang ako.

"Paul, stop making her uncomfortable." Sungit ng bunso.

"Jade, Oo nga pala. Gusto kong makipagkaibigan ka kay David. Malay mo siya na pala ang para sayo. Gustong gusto ka talaga ng batang yon." -Boss Oscar. Napatawa pa siya sa sinabi niya. Parang kinikilig ah.

"Ok." Maikling sagot niya. At palihim na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"So, how's the meeting?" Tanong naman ni Boss Oscar sa dalawang kararating lang.

"Hon, pwede ba wag naman puro trabaho ang pag usapan. Kakauwi lang ng mga bata. Mamaya na yan." Pag pigil ng asawa niya.

"Pag usapan nalang natin ang Debut ng unica iha natin! Jade, may mga idea ka na ba para sa party mo?" Dugtong niya.

"Yeah, about that mama. Ayoko ng cotillion. Ang gusto ko magpa.party sa mga home for the aged at sa mga cancer patient. For them to have hope na magbibirthday pa din sila." Seryosong sagot niya.

Lahat kami tulala sa kanya. Wala sa pagkatao niya ang magiisip ng ganun o sadyang nagbago na talaga siya? Hindi na siya ang malambing na spoiled brat na nakilala ko.

"That's great Jade. Magandang publicity yan para sa pamilya natin." Sagot ng kanyang Angkong.

"Jade the princess doesn't want a fairy tale-like party. That's new!" Pang-aasar naman ni Paul.

"I think she's been replaced by an alien." Dagdag naman ni Gabriel na nakipag.apir sa kapatid. Ang bully talaga nila.

"Tumigil nga kayo Paul, Gabriel. Jade anak, pwede naman nating gawin yung gusto mo pero pwede pa ding may cotillion maraming nagaabang nun anak. Ikaw lang ang nagiisang baby girl namin. Hindi pwedeng wala yun." Pagaalalang sabi ni Mam Amanda

"No mama, I just want to give and help. For more blessings na din satin yun, right Angkong?" -Jade. Tumango naman ang matanda sa pag sangayon sa apo.

"Alright, anong regalo nalang ang gusto mo? Anything anak."

"I want to have a condo. I want to live by my own."

Muli na naman kaming natulala sa kanya.

"Hindi pwede anak. Ayokong umalis ka dito. Oscar pigilan mo ang bunso ko." Naiiyak na sabi ni Tita.

"Mama, I'm sorry. I need to be independent, to be matured. I have to grow. Si Dada nga iniisip na akong pag asawahin e. Kailangan ko ng maging ready."

"Amanda, tama ang anak mo. Hayaan na natin siya para matuto. Asikasuhin mo nalang ang mga kailangan niya para makakuha ng condo." -Boss Oscar

"Ang daya mo talaga Jade! Ginagamitan mo si Dada ng spell no?" Reklamo ng ni Paul.

Sinita na sila ng mama nila dahil baka magtalo na naman sila. Ang sunod na pinagusapan ay ang intership ko. Next month na ang start ko. Lalong hindi na kami magkikita ng bestfriend ko.

_

Kakalipat lang niya ngayon at nagpatulong siya sa aking mag.ayos. Ayaw niyang may ibang humawak ng mga gamit niya, syempre hindi naman ako iba.

Malaki ang kinuha niyang unit, may dalawang kwarto at dalawang cr. Kumpleto na din sa gamit lalo na sa kusina. Ganito ang pangarap kong bahay, magkakaganito din ako.

Nasa sala kami nakahiga para magpahinga, "Tey, Thank you for helping me move. Wait, can you smell that?"

"Ang ano??" Naalerto ako bigla dahil baka yung gas sa stove dahil sinubukan kong buksan yon.

"The freedom." Ngiti ni Jade at pumikit. Ilang minuto lang nakatulog na siya. Pag tingin ko sa orasan, saktong 12 midnight na.

"Happy Birthday Jade Tanchingco." Bulong ko at humalik sa pisngi niya. Tulad lang ng lagi kong pagbati sa kanya.

"Thank you for everything Althea Guevarra." Sagot niyang nakapikit pa din pero nakangiti.

_

Nagsimula na kong mag.OJT sa TGC bilang encoder. Sabi ni Paul ganito din daw siya para makita kung paano tumakbo ang kanya-kanyang departamento kung saan ka interesado, don ka ililipat. Kasama ko din siya sa opisina dahil intern pa din naman siya pero graduating na. Mas naging close kami.

Minsan sinusundo o hinahatid niya ako pag hindi pa makakauwi agad si tatay. Siya din ang kumakain ng baon ko dahil di ko nakakain. Si Jade kasi laging may iniiwang pagkain sa locker ko. Luto niya yun para makabawi daw sa ginawa ko dati.

Hay, si Jade? Hindi na talaga kami nagkikita. Minsan lang din siyang magtext pag nangangamusta. Ako nalang ang nagtitext para purihin ang luto niya kasi masarap talaga. Hindi ko akalaing magiging hilig niya yun. Bestfriends talaga kami.

"G, tara? Sa bahay ka daw mag.dinner." -Paul

"Ha? Bakit daw?"

"Syempre ipapakilala na kita sa parents ko para legal na."

"Bakit di pa totohanin ang lahat." kanta ng isang kasama namin. Lagi talaga kaming inaasar dito, sinasakyan nalang namin para katuwaan.

"Kaya mo ba akong ipaglaban kung hindi ako matanggap ng pamilya mo?" Sagot ko kay Paul. Nagtawanan sila dahil kilala naman nila ang pamilya Tanchingco.

_

Sabado ngayon kaya half day lang ang klase at walang pasok sa OJT. Pag labas ko ng gate, nakita ko si Jade nakasandal sa kotse at nakangiti parang si Paul noon nung nagka.kotse na. Syet, sorry sa word pero syet talaga. Mas astig siya sa kuya niya plus ang hot pa niya sa short shorts at white loose shirt.

"Hey, Love." Bumeso siya sa akin. Nakalapit na pala siya.

"Ah, Hi!?"

"Ang cute mo. Guess what?" Pinakita niya sakin ang susi ng bago niyang kotse. Taas baba pa ang kilay.

"Wow congrats Jadey!" Niyakap ko siya sa dalawang dahilan, Congrats at Namiss ko siya.
_

"Amoy bago pa talaga sekot mo Jadey. Saan pala tayo pupunta? " Tanong ko dahil inaya lang niya akong umalis.

"Hey! She has a name! She's Jath. Pupunta tayong Star City. Diba sabi ko dati pupunta lang ako dun pag may license nako." Hihi

"She pero Jat?"

"It's Jath. Short for Jathea." Namula ako dahil naalala kong ako ang nagisip ng combination ng pangalan namin para sa kunyaring anak namin nung panahong naglalandian kami.

"She's our baby, Love." Dugtong niya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon