"Jade has been found." Paul is crying too. May nareceive din kaya siyang email?
I don't know what to say, napatayo nalang ako. Kakareceive ko lang nang email pero nagbalik na siya.
"Did you just knock? That kind of news need a surprise enter like you always do. Nasaan siya?"
Kinuha ko lang ang bag ko at lumapit kay Paul. I was surprised when he hug me tight.
"Her car was found on the river. With her body. Police and NBI confirmed it."
_
Did she die peacefully kaya hindi siya nagparamdam? Hanggang kamatayan ba naman hindi ka pa rin maramdaman. Sana sinama mo nalang ako, alam ko maingat ka magdrive pag kasama mo ko.
Knowing that she's not coming back killed me. Kung pwede ko lang bawian na rin ang buhay ko para makasama ko na siya sa afterlife.
After her funeral, I decided to abdicate my position. Nagstay lang naman ako para kay Jade kaya wala nang reason para magpatuloy pa dito. Hindi rin naman ito ang passion ko.
"Althea, I know you're sad, we all are but I can't accept this. If you want to take an indefinite leave, go. You're one of us, you can always come back anytime." Gab said.
"But Ahya, hindi ako sigurado kung babalik pa ko. ."
"I need you here, please. Yun lang ang maooffer ko. Tatawagan lang naman kita if I badly need, Okay?"
"Wala naman akong choice sa binigay mo e. I can see Tito Oscar to you now, Ahya. I have to go now. Thank you."
"Hindi ko alam kung compliment ba yan or what. Hope to see you soon Althea. Keep in touch ha." He hugged me. Nagkaroon ako nang extended family dahil kay Jade.
Pag labas ko sa office niya nakaramdam ako nang freedom. I've been here for almost a decade, I'll missed them but I will never regret this decision.
Now, I have to start a new life, the life without my Jade.
_
"Buti naman nakipagkita ka na Althea kundi pa kita kinulit." Nasa coffee shop kami ngayon ni Kath to catch up daw. Mabuti na rin sigurong lumabas after a week in the condo.
"May mga inasikaso pa kasi ako. Hihinto na muna kasi akong magwork. May ipon na rin naman ako." I said while stirring my Americano with sugar. Jade's favorite.
"Mukhang mas malaki pa nga ang savings mo sa akin. So anong pagkakaabalahan mo nyan?"
"Wala pa nga akong naiisip."
"I spoked to Kean last week. Do you remember him? Music ang pinursue niya at balak magtayo nang sariling banda. Baka gusto mong magbasist. Sayang naman yang talent mo." Napaisip ako. Matagal na rin nang huli akong kumanta.
"Hindi ko na ata kaya. Sira na vocal chords ko." Natatawa kong sagot.
"There's no harm in trying Thea. Pumunta na tayo sa studio niya ngayon para makapag.audition ka."
"Ngayon agad?!"
"Yep. Baka hindi na naman kita mahagilap e. Let's go!" Hila hila na niya ako kaya hindi na ako nakapalag pa.
__
Nakarating kami sa Malate nang alas siete nang gabi. Nasa bar kami dahil may set sila Kean dito. Hindi pa rin ganun karami ang tao dahil maaga pa naman.
"Kath! Sorry kararating lang namin ang aga mo naman kasi." Bati ni Kean at nagbeso sila.
"Nakita ko na ang kulang sa banda mo. Si Althea."
"Si Althea na to?? Tang ina gumanda lalo. Kamusta na?" Bumeso rin siya sakin.
"Ganun pa rin naman." Hiya kong sagot.
"I've heard about Jade. Condolence." Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti nalang ako.
"So, totoo ba? Gusto mo magbanda o pinilit ka lang nito?Ano na ba pinagkakaabalahan mo?" Sunod sunod niyang tanong.
"Pinilit lang, ang huli ko pang tugtog nung highschool tayo e."
"Makijamming ka ngayon para malaman mo, kung gusto mo? Kahit last 2 songs, choice song mo."
"Great idea!" Sagot ni Kath. Kung makasangayon akala mo siya ang kakanta.
__
Nagising akong masakit ang ulo. Dito nga pala ako hinatid ni Kath sa kinalakhang kong tahanan. Napatingin ako sa paligid na puno nang litrato namin ni Jade.
Kanina ulo lang ang masakit ngayon pati puso na.
Heaven is lucky having you there Jade. I missed you.
Nawala ang pagmumuni muni ko nang may tumatok at binuksan dahan dahan ang pinto.
"Mabuti naman nagising ka na anak. Alas dos na kumain na tayo." Napabalikwas ako nang bangon para yakapin ang Tatay.
"Tay di ka nagsabing uuwi ka. Kanina ka pa ba?" Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko sa kanya ang adobo.
"Kagabi pa ko nandito. Halika na, mamaya na ang kwentuhan." Sumunod na ko mukhang galit siya e.
"Althea kung kailan ka tumanda tsaka ka natutong maglasing. Mabuti nalang nandito na ako." Sermon niya sakin.
"Pasensya na po 'tay, nagkasiyahan lang."
"Basta wag mo nang uulitin."
"Susubukan ko pong hindi na malasing sa susunod kasi po imposibleng hindi ako maka.inom na. Tay sasali muna sana ako sa banda." Nasamid siya bigla sa sinabi ko.
"Seryoso ka ba jan?!"
"Opo tay, kagabi sinubukan ko makikanta sa banda, Nakaramdam ulit ako nang saya. Parang gusto kong tahakin yung path na yon."
"Siguradong matutuwa ang nanay mo kung susundan mo ang yapak niya. Susuportahan kita anak basta ikakasaya mo."
Kay Nanay ko nakuha ang hilig ko sa musika, ang pagluluto naman kay Tatay, tsaka ang talino sabi niya.
Bumalik na naman ang alaala ko gabi, malungkot man ang mga kinanta ko pero gumaan ang pakiramdam ko.
Mula nang makaramdam ako nang ibang pagmamahal kay Jade naging masikreto ako. Takot na malaman niya at layuan ako.
Siguro kung hindi ako nagpadala sa takot, magkasama pa din kami ngayon at nagmamahalan. Baka nga college palang nagpropose nako pero huli na ang lahat.
Alam ko gusto na niya nang kalayaan at kapayapaan para saming dalawa, ngayon tatahakin ko na ang buhay na gusto ko at mananatili siyang inspirasyon ko.
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?