Mula nang masali ako sa banda naniwala ako sa kasabihang 'Music is life'. Pakiramdam ko nagbago ako bigla, hindi na ako si Althea na susunod sa gusto nang iba pero alam ko ako pa rin si Althea na ang laman nang puso ay si Jade.
Sa mga kantang sinusulat ko, malungkot man o masaya tungkol pa rin sa kanya. Tanggap ko na hindi namin panahon ngayon pero sa susunod na buhay ko, siya pa rin ang hahanapin ko.
Marami na kaming bar na pinagtutugtugan. May fans na rin daw kami sa facebook and from time to time pare.parehong mukha ang nakikita namin na guest.
Si Kean nasira ang love life dahil ginulo nang fans ang girlfriend niya buti nalang hindi ako ma-social media kung hindi, alam na pati personal kong buhay. Yung dalawang kasama namin may edad at pamilya na pero mahuhusay.
Kararating lang namin sa morato para sa 3 gigs sa iba ibang bar nang makatanggap ako nang tawag mula kay Boss Oscar.
"Hello?"
"Althea narito ako sa coffee shop sa labas nang kinaroroonan mo, gusto sana kitang makausap."
"I'll be there in 5 mins. Sir."
"Ok, will wait."
Then he hang up. Ayoko sana pero siya pa din ang tatay ni Jade. Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko para puntahan siya.
_
"It's been a while Althea. How are you?" Tanong niya pagkaupo ko sa tapat niya.
"I've been great Sir. Thanks for asking. How about you?"
"Well, stressed again mula nang umalis ka. I told Gabriel to call you for help but you're on leave. Hindi ko nga alam kung bakit pinayagan ka niya."
"I worked very hard for him, I stayed for Jade pero iniwan na niya kasi tayo."
"Yes you did. You worked harder than my son kaya ako narito para pabalikin ka. Para na kitang anak Althea. I will promote you as VP."
"I'm sorry Sir but I can't. I'm living my life the way I wanted."
"You call this a life? How much are you making para sayangin ang talino mo? Jade will be disappointed Althea." Napayukom ako nang kamay sa sinabi niya.
"There will be a Share holders meeting, I want you to come. Consider my offer Althea. See you on the meeting." Tumayo na siya para umalis.
Wala akong nagustuhan sa mga sinabi niya. May puso ba ang tao na yun? Dinamay pa niya ang namayapang anak niya para konsensyahin ako.
Mula ng malaman ko na pinagkasundo niya sa kasal si Jade nawala ang respeto ko sa kanya. Baka yun pa nga ang dahilan bakit nagpakamatay siya.
__
"Hello Ms. Rockstar, pwede ka bang maistorbo?" Paglingon ko si Paul lang pala. Napayakap naman ako bigla.
"Pauleng!! Namiss kita! Buti naman pumunta ka rin sa gig namin." Marami na naman akong narinig na kinikilig.
Tulad noon, akala pa rin ng nakakakita samin ay may relasyon kami. He reminds me of her sister at ganun din siya sakin.
"Akyat tayo, maraming makakarinig nang kwentuhan natin e." Tumango naman siya at sinundan ako. Di pa rin kasi ako sanay na maraming nakatingin maliban nalang pag nasa stage kami.
"Kamusta kayo ni Gab?"
"Well, malapit na siguro silang maghiwalay ni Pearl dahil late lagi umuwi si Ahya."
"Bakit ba kasi hindi mo siya tulungan, dalawa na nga lang kayo e."
"Hey we are doing the best we could. Hindi lang sapat kay Dada. Ano palang sinabi mo nung nagkita kayo?"
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?