Chapter 12

586 37 4
                                    

Nasa star city na kami pero di pa kami bumababa. May hinihintay pa daw kami.

"Hello Jase, Can you go to 7.Eleven? Wait for us there. Thanks!" Pag kababa niya ng tawag, may tinawagan pa siya ulit

"Hello? Can we meet at 7.Eleven nalang? Thanks. Bye"

"May kasama pa pala tayong iba?" Tanong ko, akala ko solo ko si Jade ngayon. Hays

"Yeah, but don't worry. I'm all yours Love." Kumindat pa. Tsk bakit ba ko laging kinikilig dito.

Teka, si David yung nasa labas ng 7.eleven ah? Tapos yung Varsity player namin?! Napatingin ako kay Jade.

"Yep. This is Project G, Ganti. Let's go Tey."

Pag labas namin kay Jath, napatingin sa gawi namin ang dalawang unggoy. Si David parang pinagpapawisan sa takot ng makita ako.

"Hi, kanina pa kayo?" Bati ni Jade sa kanila.

Sasagot sana si David pero nagsalita agad si Jade."Jase, this is Althea my bestiest friend. Tey, this is Jason."

"Althea The G? Awesome! Nice to finally meet you." Nakipagkamay siya sakin. Ngiti lang ang sagot ko.

"And this is David Limjoco from school." -Jade

"Siya si Gaylord?? Yung sinapak ni The G?? This is going to be fun." Jason grinned. Gaylord ang tawag kay David mula nung nasapak ko siya. Hindi ko alam paanong kumalat yun pero simula nun binubully na siya.

"Let's go guys." -Jade

"Sandali Jade, I should go. Kayo nalang muna siguro next time nalang tayo ulit lumabas." -David

"If you bail, wala ng next time. You want us to get close pero iiwas ka sa friends ko. Goodbye then." Pagtataray ni Jade at naglakad na. Sumunod naman na sa kanya si Jason.

"Wag kang mailang sakin David. Tara na." Sabay na kaming pumasok sa entrance.
_
Awkward. Yan lang ang naramdaman ko sa mga ride na sinakyan namin. Si David kasi pilit na laging tatabi kay Jade pero pinapalipat naman siya para ako ang katabi niya.

Lagi ding nagpapapansin ang mga unggoy sa mga game. Ako effortless dahil sakin naman laging nakatabi ang pinag.aagawan nila.

"Gaylord ang epic ng mukha mo sa surf dance!" Kanina pa inaasar ni Jason si David. Mukhang pikon na nga.

"Isa pang tawag mo sakin niyan--"

"O ano? Magsusumbong ka sa parents mo?" Naglapit sila na naghahamunan.

"Stop that! Daig niyo pa yung mga bata! We should go. Let's go Tey." Sigaw ni Jade.
_

Ihahatid ako ni Jade sa bahay para masulit ko daw kasama si Jath. Yung dalawa, iniwan na namin at di na pinagusapan.

"Hmm, di ka pa ba pagod? Dito ka na kaya matulog?"

"Even if I want to, I can't. Sunday kasi bukas. Baka bawiin si Jathea sakin pag hindi ako umuwi."

"Sige, ingat ka sa pag drive ha? Thank you for today Jadey." Niyakap ko siya dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami magkakasama.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinatak niya ko, sakto pag linggon ko. Ang mga labi namin ay nagdikit. Hinalikan ako ni Jade. 😱 gumagalaw ang labi niya kaya ginaya ko siya. Eto pala ang french kiss.

"Wow, you're my first kiss. Goodnight Love." Nakangiti niyang sabi.

"You're my first too." Sagot ko at naglast peck lang ako bago lumabas. Syempre dapat sulitin na.

__

"Hoy G, nagka.kotse ka ba?" - Paul

"Ha? Bakit?" Takang tanong ko. Panira ng pagmumuni muni ko e.

"Si Jade kasi nagka.kotse lang, ganyan. Pa.ngiti ngiti tapos di pa makausap ng deretso."

Iniisip din kaya niya yun kiss namin? Syet ganito pala ang feeling nang first kiss.

"See? Pareho talaga kayo. Weird niyo."

"Simula palang ng linggo dapat masaya na kaya wag kang panira. Dun ka na." Ganyan ko kausapin si Paul, siya lang sa tanchingco ang kaya kong ganyanin. Haha

"Ikaw pa din pala yan, akala ko napalitan ka na mg alien e. Jan ka na nga."

Napailing nalang ako, habang nag.eencode may napansin akong hindi tama. Binasa ko ng buo ang report galing sa marketing dept. Napansin ko ang over pricing sa mga product so I doubled check the history ng ibang report, years na palang ganito. Agad kong pinakita kay Paul para siya ang magreport.

_

"Good job Althea. Sa dami ng dumaang intern ikaw lang ang nakapansin nun. You will be granted for this Iha. At ililipat na kita agad under Gabriel with allowance syempre." - Boss Oscar

"Thank you Sir. Wag niyo na po akong bigyan ng reward, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Yung promotion palang po sobra na."

"Hindi talaga ako nagkamali sayo iha. Sige, pwede ka ng umuwi."

"Salamat po." Pag labas ko sa CEO Office nakita ko si Paul.

"Congratulations G! Celebrate tayo."

"Congratulations to you too, acting Marketing head. Libre mo ha."

"Ok na sana e, may acting pa. Tara na."
_

Nakakastress pala maging intern sa company ng Tanchinco. Working student ang kinalabasan ko. Buti nalang pinayagan ako ni tatay na tumira muna sa condo ni Jade. Atleast malapit lang sa campus pero syempre huli na yun sa dahilan.

Tuwang tuwa ako tuwing darating ako, nakahanda na ang hapunang luto ng misis ko. Ay ni Jade pala. Parang nung mga bata pa kami na naglalaro ng bahay.bahayan. Di pa din nawawala ang harutan, magkatabi din kami matulog kahit na dalawa ang kwarto. Para tipid daw sa kuryente, para.paraan syempre. Gusto niya lang talaga ako kayakap matulog e.

Hindi na din namin napagusapan yung kiss. Kahit ilang beses kong gusto i.open, nagiiba siya ng usapan. Siguro nag.experiment lang siya, samantalang ako hanggang panaginip nadadala ko. Feeling ko totoong naghahalikan pa din kami lalo na nung tumira ako sa condo niya. Yun na ba ang Wet dreams?

_

"Tsong akala ko ba stress ka sa internship mo bat ang blooming mo?" Pansin ni Batchi.

"Wala ba kong karapatang gumanda kahit stress? Lunes dapat maganda ka para maganda buong week mo"

"Blooming lang sinabi ko hindi maganda."

"Ganun din yon."

"Guevarra!!" Sigaw ng classmate ko mula sa pinto.

"Si Gaylord kasabay yung girlfriend mo pumasok, naka.akbay pa! Banatan natin!" Sigaw naman nung isa.

Wtf? Isang araw lang kaming di nagkita may naka.akbay na sakanyang iba? Napalabas ako bigla para ako mismo ang makakita. Totoo nga. Alam kong may dahilan yun pero bakit ang sakit sa dibdib. Napatingin sa gawi namin si Jade at inalis ang pagkaka.akbay ni David sa kanya at naunang maglakad.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon