Chapter 6

588 40 1
                                    

You know you're everything to me and I could never see
The two of us apart
And you know I give myself to you and no matter what you do
I promise you my heart

I've built my world around you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before

I live my life for you
I wanna be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you

Nakatitig lang siya sakin, sana ramdam niyang para sa kanya to.

I dedicate my life to you, you know that I would die for you
But our love would last forever
And I will always be with you and there is nothing we can't do
As long as we're together

I just can't live without you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before

I've built my world around you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before

I live my life for you
I live my life for you.

Nagpalakpakan sila pagkatapos ng kanta ko, tinignan ko siya sa pwesto niya pero wala na siya. Nag.bow lang ako at bumaba na sa stage para hanapin siya. Nasaan na siya? Alam na ba niya ang nararamdaman ko kaya lalayo na siya? Bago pako lumabas ng back stage may yumakap sa likod ko. Alam kong si Jade to kaya humarap ako at niyakap din siya.

"I'm so proud of you Tey! Ang galing mo sa lahat ng bagay. " sabi niya pagkabitaw niya sa katawan ko.

"Tara na hanapin na natin si Paul, umuwi na tayo samin. Baka dumugin ka ng fans mo pag nagtagal pa tayo dito." -Jade hawak niya ang kamay ko ng lumabas na kami.
__

"Althea ang galing mo pala kumanta. Para akong proud boyfriend dahil akala nila para sakin yung kanta mo ang sweet mo daw." Natatawang sabi ni Paul habang nasa biyahe kami pauwi.

"Syempre Paul, mana sakin yan. Kaya ko nga napaibig ang nanay niya dahil sa harana ko." Sumagot naman si tatay.

"Tay parang hindi ko naman po kayo naririnig kumakanta." -althea nagkukwentuhan lang kaming tatlo, si Jade tahimik lang nakatingin sa labas.

Pag dating sa mansion tsaka lang nagsalita si Jade "Tay, dito na po kayo magpalipas ng gabi. Para makapagpahinga na po kayo. Althea dun ka nalang ulit sa kwarto ko matulog, kita nalang tayo dun. Goodnight tay." Humalik lang siya sa pisngi ni tatay at umakyat na. Pailing iling si Paul at umakyat na din.

Inayos ko lang ang hihigaan ni tatay sa kwartong pinapagamit sa kanya bago ako pumunta sa kwarto ni Jade.

Nakita kong nakahiga na siya at nakatalikod sa pinto. Lalabas na sana ulit ako para tatabi nalang ako kay tatay pero lumingon siya.

"Sabi ko dito ka na matulog, maghilamos ka na para makahiga ka na din." - Jade na tumalikod na ulit. Sinunod ko nalang siya.

Pagkatapos ko dahan dahan akong tumabi sa kanya, humarap siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Eto na naman ang kabog ng puso ko.

"Thank you Althea. Goodnight." Hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat pero yumakap nalang din ako sa kanya hanggang nakatulog na.

__

"Hi Althea!"
"Kamusta Idol?"
"Hi Crush."
"Papicture naman!"
"Guevarra Idol!"
Apir dito apir doon.

Yan ang sumalubong samin pag pasok ng campus. Kahit hindi ko kilala binabati ako. Anong meron? Si Jade nakasimangot lang tuwing may babati sakin. Napuputol kasi pag kukwento niya tungkol sa nabasa niya.

"Kamusta pagiging famous Althea? Ang dami mo agad fans." Sabi ni Tommy ng pumunta siya sa classroom namin. Wala pa naman kasi ang guro namin.

"Ha? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Wala ka bang facebook? Pinaguusapan ka kaya sa Page ng school. Ang daming ding nagpopost ng picture mo tapos ang swerte daw ni Paul Tanchingco" -Tommy

"Ah, hindi kasi ako mahilig sa ganun. Pwede mo bang burahin yun?"

"Hindi yun basta basta nabubura. Ano ka ba, ayos nga yun e. Para makilala ka sa talent mo hindi bilang nerd. Alis nako, mamaya ulit." Paalam ni tommy at umapir pa.

"Nakalimutan nako ng bestfriend ko, sikat na kasi siya." -Jade, hindi ko alam kung nagtatampo siya o nangaasar.

"Alam mong hinding hindi kita makakalimutan Jadey." Paglalambing ko at ngumiti na siya.

__

Nasa canteen kami habang nagaaral, bukas na ang finals kaya dapat magreview. "Hi Rockstar lover." Bati ni Kathleen,

"Ha?"

"Ang cute mo talaga Althea anyway, invite ko lang sana kayo this friday party at my place. So G?"

"Sure, anong oras ba?"

"After class deretso na. Baka kumanta ka ulit okay lang sakin. Invited naman ang fans club mo eh."

"Ha?" Ano ba yung sinasabi nilang fans.

"Nevermind. Wala ka palang facebook, so see you around nalang. Bye Idol." Pang aasar ni Kathleen at lumayo na din

Hala, ang sama ng tingin ni Jade sakin. Wala ata siya sa mood buong araw . "Bakit Jadey?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo ata anong meron every friday. Kanina mo lang sinabing hindi moko kakalimutan." Pagkatayo niya iniwan nako sa table. Oo nga pala dapat tinanong ko pala muna siya.

Hanggang nag.uwian hindi niya ako kinausap, sumasagot lang siya sa tanong ko pero hindi niya ako tinitignan.

Napansin kong may pinagkakaguluhan yung mga babae sa drive way pag lapit namin mas lumakas yung mga tili at nakita ko si Paul may hawak na bouquet at nakasandal sa bagong sekot nakangiti samin, naunang maglakad si Jade para lumapit sa kapatid.

"What are doing here Paul?" Sungit ni Jade

"Well, I just got my License and I'm ordered to fetch you. Hi Althea!" Sagot ni Paul at lalong lumakas yung tilian.

"Hi Paul," Balik kong bati sa kanya. "Commute nalang ako pauwi pakisabi nalang kay tatay ha."

"Ihahatid ka na namin, maaga pa naman. Let's go?" At binuksan niya ang pinto sa passenger seat para ata sakin pero pumasok si Jade dun at sinara ng malakas yung pinto. Nakakapagtaka, ayaw niyang umupo dun dahil maliit daw ang space pero dun siya umupo ngayon.

"Inggit lang yan dahil may license nako. Tara." Yung isa nalang binuksan niya pagsakay ko nagtilian na naman yung mga babae.

_

Hindi talaga ako kinausap ni Jade sa mga nagdaang araw. Wala namang nagbabago sa routine namin, sabay pa din sa pagpasok, sa pagkain ng baon ko, pero pag uwian hindi na ako napunta sa kanila. Si Paul din ang sumusundo sa kanya kaya hinahatid nalang nila ako. Lagi ding nakasuot ang earphone ni Jade sa tengga niya. Ayaw niya ding kausapin ko siya. Hinayaan ko muna para nakafocus lang kami sa exam. Pero sa totoo, namimiss ko na ang pagiging madaldal niya, ang mga ngiti niya, ang pagiging malambing niya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon