Chapter 7

577 41 0
                                    

It's friday tapos na ang exam, result nalang ang hihintayin tapos practice na ng graduation. Nakakuha na din ako ng scholarship for college at enrolled na din same school kung saan napili ni Jade mag-aral pero hindi pa niya alam dahil di pa niya ako kinakausap ngayon ko palang sasabihin.

"Anak, hindi daw pala papasok si Jade ngayon dahil may entrance exam siya kaya wag mong agahan ang pag kilos. Ihahatid pa din naman kita." Sabi ni tatay.

"Kailan niya po sinabi tay?"

"Nagtext lang si Luisa ng gabi kaso tulog na ko kaya ngayon ko lang din nabasa. Hindi pa ba kayo naguusap?"

"Hindi pa po tay."

"Basted ka na agad anak? Umuwi ka agad mamaya wala palang susundo sayo. Tsaka bukas na ko ng hapon makauwi pupunta kami sa Tagaytay e."

"Opo tay. Ingat nalang po kayo." Hindi pala dito matutulog si Jade mamaya. Sobra ba galit niya sakin kaya hindi niya sinabing ngayon ang entrance exam niya. Ngayon lang kami hindi nagusap ng ganito katagal.

__

"Hi Althea, wala ata ang girlfriend mo?" -Kath

Breaktime kaya nasa music room ako ngayon, wala kasi akong ganang kumain. Wala naman kasi siya.

"Bestfriend Kathleen, mamaya may makarinig pa sayo. May lakad siya kaya hindi pumasok." Sagot ko. Laging akong inaasar nito na girlfriend ko daw si Jade.

"Edi may chance pala ako." Singit ni Tommy na kakapasok lang kasama si Kean.

"Umalis nga muna kayo, ako yung nanliligaw dito e." -Kath

"Guys, alam niyo namang pag aari na ng Tanchingco yan. Baka masira buhay niyo." -Kean nagtawanan naman sila.

"Mamaya tugtog tayo sa party ko. G?" -Kath, Oo nga pala nakalimutan ko yung tungkol dun.

"Sige tara, yung kanta nalang din nung prom." - Tommy

"Sorry, hindi kasi ako pwede. Pinapauwi ako agad ng tatay ko e." Wala din kasi ako sa mood.

Hindi na nila ako napilit. Ayoko din kasi talaga.

__

Nasa labas nako ng pinto ng bahay, parang may tao sa loob. Siguradong hindi si tatay to kaya kumuha ako ng pwede kong ipanglaban kung may akyat bahay man. Pag pasok ko ng pinto, natulala ako sa nakita ko.

It's Jade wearing my apron, smiling like a happy wife because her partner came home early.

Lumapit siya sakin para yakapin ako, "Hey, I missed you tey. Di pala kita kayang tiisin." Bulong niya na nakapagpatayo ng balahibo ko.

"Namiss din kita Jadey, wag mo na ulitin yun. Hindi ako sanay na di moko pinapansin." Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Alam mo kung pumunta ka sa party ni Kath tapos ako naghihintay dito, Friendship Over talaga tayo."

"Kaya pala walang dalawang isip na gusto kong umuwi dahil nandito ka pala."

"Ay! Yung niluluto ko pala! Wait." Hala, oo nga nagluluto siya kaya pala naka-apron .

"Kailan ka pa nagluluto? Ngayon ko lang nakita yan ha." Biro ko.

"You're mean Teya. I've been reading about cooking para ikaw naman ang ipagluto ko. Ngayon palang yun actual cooking ko so bear with it. No complains ha."

"Wow, adobo!!!"

"Maligo ka na nga muna, pag tapos mo luto na to. Go, scaddle!" Sinunod ko nalang siya baka magalit na naman sakin e.

__

Pag labas ko ng kwarto, nagutom ako sa amoy ng paborito ko. Sa tabi ng mesa, nakatayo ang napakagandang nilalang na napakaganda din ng ngiti.

"Dinner is serve my lady." May bow pa.

Kumakain lang kami, minsan susubuan niya ako o ako magsusubo sa kanya. Pareho lang naman kinakain namin nagsusubuan pa. Pero namiss ko etong pagiging sweet niya. Sana wala akong gawing ikakasira ng mood niya.

__

"Jadey, kamusta pala exam mo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang kama ko.

"Tss sisiw." At tumawa kami.

"Naka-enroll nako, same school tayo. Di ko sinabi agad kasi surprise." Ngiting kong binalita sa kanya.

"That's nice. Libre pa din ako ng lunch." Sagot niya na parang di siya nagulat.

"Hey, let's play tong its." Suggest niya. Galing magchange topic.

__

Graduation na! As expected, valedictorian ako at si Jade salutatorian. Kung gusto niyang tumaas ang grade niya kaya niya, point 3 lang naman ang lamang ko. Alam kong binigay niya na sakin to para na din siguro sa scholar ko.

Tinawag na ang pangalan ko, si tatay nasa stage na. Siya ang nagsabit ng medalya sakin, kita ko na maluha-luha siya. Ang emo talaga ni tatay. Speech na. Hindi ko pinaghandaan para galing talaga sa puso.

"Magandang araw para sa kapwa ko kamag.aral, mga guro at mga magulang. Pinili kong gamitin ang sariling wika natin para makapagpahayag ng konting saloobin, upang hindi tayo makalimot kung saan tayo nanggaling, kung ano tayo.

Gusto kong magpasalamat sa Panginoon sa buhay na ipinagkaloob niya mula sa aking ama na kung hindi dahil sa kanya, wala ako. Salamat sa tumulong sakin para marating kung nasaan ako.

Salamat sa mga naniwala sa kakayahan ko. Sa mga pagkakamaling nangyari upang maitama. Sa mga pangarap na pagsisikapan para makamtan. Sa mga lungkot at saya. Kung wala ang mga yan, wala rin tayo.

Maraming sa salamat sa inyo, Maligayang bati satin." Hindi ko na pinahaba para matapos agad.

_

Ininvite kami ni Boss Oscar sa mansion para dito na din kami magcelebrate ni tatay. Syempre siguradong si Jade ang may gusto nun. Ayaw din niya ng party dahil gusto niya pamilya lang ang kasama niya.

Dito na din niya kami pinatulog dahil late na din. Nandito na kami sa kwarto niya ng may inabot siyang regalo.

"Congratulation Tey!" Humalik siya sa pisngi ko at yumakap ng mahigpit.

"J-jadey, salamat nag-abala ka pa." Nauutal ako hindi dahil sa hiya kundi sa kaba.

"Open it!" Excite niyang sabi. Sinunuod ko naman.

Pag bukas ko lalo atang lumaki ang mata ko dahil cellphone ang regalo niya. Nokia ang nakalagay sa box.

"Surprise! That's the latest unit, I got myself too. See?" Pinakita niya ang phone niya, kulay lang ang pinagkaiba. Ang kanya Pink, ang binigay naman niya sakin Red.

"J-jade salamat, pero hindi ko matatanggap to. Hindi din naman ako gumagamit nito."

"But you have to. Magbabakasyon ako around the Philippines, ayokong walan tayo ng contact. Please Althea? For me?" Nakangusong siya at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"May magagawa pa ba ako e nagpapacute ka jan." Nag-ngitian kami at hinalikan na naman niya ako sa malapit sa labi at yumakap ng mahigpit.

Dati hindi naman tumitibok ang puso ko ng ganito sa yakap niya. Bakit bigla nalang ganito? Ibang pagmamahal na ba talaga itong nararamdaman ko? Ganito din kaya siya?

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon