Nakahiga na kami sa kama, di na bago samin ang magkatabi dahil madalas din akong natutulog sa kanila pag out of town sila Boss Oscar syempre kasama niya si tatay.
Yumakap siya sakin at nagtanong kung ano ang biggest dream ko. Ako naman ay parang tuod na kinakabahan. Hindi naman na bago sakin na yakapin niya dahil clingy siya pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang may parada sa puso ko bago pa niya mahalata sumagot nako,"Gusto ko magkaroon ng restaurant na healthy foods lang ang siniserve. Tapos may tutugtog na banda sa gabi. Yung pwedeng mula umaga hanggang gabi dun lang sa resto ko pupunta. Di sila magsasawa kasi araw.araw may Chef's Special." Napangiti ako habang nag.iimagine.
"Ikaw Jadey?" Balik tanong ko. Ngayon lang namin napaguusapan ang ganito, siguro dahil nagma.mature na kami. Ang bilis ng panahon.
"Gusto ko din magkaroon ng sariling business in my on way, that my family will leave me alone specially in my decisions. Ayokong maging puppet." Hugot sagot niya.
"Jadey nandito lang ako, promise ko sayo hindi ako kokontra sa mga desisyon mo at susuportahan pa kita." Sagot ko at naramdaman kong humigpit ang yakap niya kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Wala ng nagsalita samin hanggang nakatulog na kaming magkayakap.
Mula nang gabing yun mas naging sweet si Jade lalo na pag dalawa lang kami. Kasama na din sa routine namin na every friday sa bahay namin siya matutulog. May mga gamit na din siya sa kwarto ko para di na daw siya laging nagdadala. Habang tumatagal mas gumaganda si Jade dumadami din ang gustong manligaw pero lagi lang niyang sinusungitan, yung iba humingi pa ng tulong sakin kaya si Jade nagagalit din sakin pag ako ang nag.aabot ng pinapabigay sa kanya.
"This is not funny Althea, lalo mo lang silang pinapaasa." Lagi niyang sinasabi, hindi ako natatakot sa sinasabi niya ikinatutuwa ko pa nga. Ibig sabihin kami lang lagi ang magkasama wala akong kahati sa atensyon niya.
Habang tumatagal din ay lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa bawat hawak, yakap at halik ay may kahulugan na sakin o baka confused lang ako. Hindi niya pwedeng malaman ang nararamdaman ko. Ayokong bigla siyang lalayo kaya sinasarili ko nalang.
Araw nang linggo ngayon kaya kasama ko si tatay sa bahay. Kumakain na kami ng hapunan na niluto ko. "Anak, ang sarap mo talaga magluto ayaw mo ba talagang ituloy ang kursong gusto mo?" Tanong niya. Sinabi ko kasi ang napagusapan namin ni Boss Oscar para alam ni tatay.
"Hindi na po tay, marunong naman na ko bakit ko pa pag aaralan. Magandang opportunity na din po yung alok ni Boss." Sagot ko. Wala nang makakapagpabago pa sa desisyon ko.
"Basta anak dapat lagi kang handa sa mga posible at imposibleng mangyari. Ayokong magsisi ka sa huli lalo nang ayokong masaktan ka." Paalala niya at tumango ako. Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam ni tatay ang nararamdaman ko kay Jade.
__
Malapit na ang Graduation pero mas malapit na ang JS Prom. Maraming lumalapit kay Jade para magtanong kung pwede ba siyang maging date pero ang sagot niya meron na. Ikinalungkot ko naman dahil hindi niya naikwento sakin. Sino kaya ang maswerteng lalaki na yon?
Meron ding mga gustong manligaw at ayain ako pero si Jade ang sumasagot. "She's already taken, sorry." Para siyang jealous girlfriend na ikinatutuwa ko. Pero paano ako sa prom kung may kadate na siya? Hindi nalang siguro ako pupunta.
"Hi Althea! May itatanong sana ako." Si Tommy, hindi kami close pero lagi niya akong binabati inaya din niya akong maging date sa prom.
"I already told you she's taken. Ask somebody else." Pananaray ni Jade.
"Yes I know, Actually iba yung pakay ko. Ahm, nakita kita kahapon sa music room Althea, ang galing mong mag.strum ng gitara and siguradong marunong ka ding kumanta kaya yayayain sana kitang tumugtog sa prom. 3 songs lang dahil may banda naman talagang tutugtog. You want?" Tuloy tuloy na sabi ni Tommy. Ayaw na siguro niyang putulin pa ni Jade ang sasabihin niya.
Tinignan ko si Jade na parang humihingi ng permiso. Ngumiti lang siya at tumango. "Sige, Tommy sabihan mo nalang ako ng details." Sagot ko.
"Yes! Thank you Althea! Hingin ko nalang number mo para matext ko nalang sayo." Sabay labas ng phone niya at inabot sakin. Sasagot na sana ako pero inunahan na naman ako ni Jade.
"Althea dosen't have a phone, I'll give you mine para ako nalang ang itext mo. Lagi naman kaming magkasama. Ako ang manager niya." Sabay kuha ng phone ni Tommy napa kamot ulo nalang siya. Ikaw na talaga Jade! sabi ko sa isip ko.
Naging busy ako ng mga nakaraang araw dahil sa pagpa.pratice ng banda. Apat kami lahat, ako ang lead guitarist, si Tommy drummer, si Kean Bassist at si Kathleen bilang vocalist. Nakakatuwa na may bagong akong kaibigan aside from Jade. Nga pala, si Jade ang Number 1 fan ko at manager ko daw. Lagi siyang kasama sa practice namin habang natugtog kami siya naman nag.aaral, mas gusto daw niya yung may ingay kesa mag.isa lang siya sa kwarto niya.
Pag dating ng 6pm sinusundo na kami ni Kuya Roger, para pag dating sa mansion pauwi na kami ni tatay. Nakakapag.aral naman ako pag nasa biyahe kaya hindi affected ang grades ko kahit may extra curriculum ako. Suportado naman ako ni tatay kaya walang problema.
Next week Prom na, mas kinakabahan akong malaman kung sino ang ka.date ni Jade kesa sa pag tugtog namin. Hindi kasi namin pinaguusapan ayokong i.invade ang privacy niya kaya di ako nagtatanong.
Nasa mansion kami ngayon dahil holiday, walang pasok pero nag.aaral pa din kami. "Shobe, sinong mapalad ang ka.date mo sa Prom?" Nakakalokong tanong ng kapatid niyang si Paul, 2nd year college palang siya pero may internship na sa company nila para makapagtraining na daw.
"Wala pa Dhiya, hindi pako inaaya ng gusto kong ka.date eh." Patay malisyang sagot niya. Yes! May chance pako. Ha? Anong sinasabi ko?
"You should ask him first, bahala ka you won't get what you want this time." Sabay tawa ni Paul, hindi ka nakakatulong sa feelings ko. Sabi ko sa isip ko.
"None of your business Paul. Scram!" At tinignan niya masama ang kapatid pagkalabas ng pinto ng kwarto. Nagulat ako sa sunod niyang sinabi,
"Tey, Can you be my date on prom's night?
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?