Chapter 3

667 48 1
                                    

Hinanap ko si Jade sa mga tinatambayan namin pero di ko siya makita. Nasaan kaya siya? Nagbell na para sa susunod na klase kaya pumunta nako sa next room namin. Pag pasok ko ay naroon na pala siya, nakangiti na sakin.

"Akala ko umuwi ka na. Di ka manlang nagsabi kung saan ka pupunta." Sermon ko pag kaupo ko sa tabi niya.

"Ayaw mo pa kasi gumamit ng cellphone para text-text nalang tayo e." -Jade. Eto na naman kami sa usapang cellphone. Para sakin kasi masyado pakong bata para gumamit nun. Baka hindi din ako makapagfocus sa pagaaral pag may iba pakong pagkakaabalahan. Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ko.

"Oo alam ko na. Old school." At tinawanan na naman niya ko. Ok na ding asarin niya ako kesa sa tahimik siya. Para alam ko kung ano tumatakbo sa isip niya.

__

"Hi Jade! Can I join you for lunch?" Wika ni David. Ang masugid na manliligaw niya. Half-Chinese siya katulad ni Jade. Heart rob daw sabi ng iba. Karamihan ng girls inggit kay Jade dahil siya lang talaga ang gusto ni David kaso etong bestfriend ko ayaw na ayaw sa kanya. Feeling pogi daw. Haha Nice one Jadey! 

"I'm sorry David, I'm with Althea na. At hindi ka din pwede sumama samin. Mag-gigirl talk kami e. But it's ok if your a gay?" Hagikgik ni Jade. Natawa din ako pero hindi ko na pinahalata.

"Ah, sige next time nalang. Text nalang tayo. Ingat kayo." Umalis si David ng tumango si Jade.

Nasa canteen na kami at kumakain. Nagbabaon ako para alam kong malinis ang pagkain ko, si Jade naman bumibili lang ng drinks namin dahil pinagbabaon ko na din siya kahit hindi niya sabihin. Dati kasi siya ang umuubos ng baon ko, yung binili naman niya yun ang pinapakain sakin pero ok lang, makita ko lang siyang masaya sa pagkain ng luto ko. Nabubusog na din ako.

"Ano palang pinag.usapan niyo ni Boss Oscar kagabi?" Haha nakiki.boss din siya pag kaming dalawa lang.

"Mag-inquire na daw ulit ako ng scholar for college naman para makapag-process na bago magbakasyon ." I half lied para hindi malungkot si Jade sa desisyon ko.

"Yun lang? Yun lang talaga Tey?" Tumango tango lang ako pero hindi ako tumitingin sa mga mata niya. Malalaman kasi niya kung nagsisinungaling ako.

"May pa.personal personal pa yung Boss mo. Yun lang pala sasabihin." Kunot nuong sagot niya. "Dada mo yun Jade." Sita ko sa kanya. "Oo nga pero Boss mo yun." Nagtawanan nalang kami.

Last class na namin at Friday pa, 10 mins. nalang uwian na. Makakapag.pahinga na ulit. Nakaka.pressure pag graduating na lalo na kung candidate sa valedictorian. Kailangan kong galingan para makakuha ulit ng scholar, para kasama ko pa din si Jade sa school. Siya lang naman ang kaibigan ko kaya ayokong magkalayo pa kami. May iba pang dahilan pero hindi ko pa maintindihan.

"Tey I want steak and mashed potato for dinner, tas mango float for dessert! What about you?" Suwestyon ni Jade. Di na ko nagtataka sa sinabi niya dahil ugali niya din ang ivoice out ang nasa isip niya. Naglalakad na kami palabas ng drive way para hintayin ang sundo niya. Every friday hindi ako sumasama sa mansion dahil ginagabi si tatay.

"Hindi ko pa alam, maghahanap pako sa ref. Late na naman siguro si tatay uuwi kaya pagkain ko lang ang iisipin ko." Sagot ko dito. At dumating na ang kotse. Pinagbukasan na siya ni Kuya Roger ng pinto pero tumingin siya sakin at sinabing "Sakay Althea." Nagulat ako dahil binuo ang pangalan ko, mukhang wala na naman siya sa mood. Bakit na naman kaya? Wala akong choice kaya sumakay nako. Baka ihahatid muna niya ko.

"Sa mall tayo Kuya. Samahan niyo kaming Mag.grocery." Sinabi ni Jade na parang normal naming ginagawa yun. 

"Ah, Jadey. ." Di pa ko tapos sa sasabihin ko ay inunahan na niya ko.

"Di ba sabi mo ipagluluto mo ko? Steak ang gusto ko. And mag.sleepover ako sa inyo nagpaalam nako kay Dada kagabi. Besides may out of town meeting sila kasama si Tatay Felix. Kaya sasamahan nalang kita sa inyo." Tumaas taas kilay pa siya sa sinabi niya.

"Edi sana sinabi mo na sakin kanina para nakapag.paalam ako kay tatay. Tsaka sana dun nalang tayo sa inyo, nakakahiya maliit lang ang kwarto ko." Kamot kilay kong sabi.

"Dapat nga kagabi pa kaso wala kang phone, and that's what I want." At bigla niyang kinuha ang phone niya para maglaro. Di nako kumibo dahil walang saysay kung makikipagtalo pako.

_

Pag dating sa bahay, pinasok na ni Kuya Roger ang mga binili namin para pang dinner daw. Dito din pala siya magpapalipas ng gabi para may bantay kami pero sa kotse siya pinapatulog ni Jade para daw may quality time kami.

"Jadey, tulungan mo kaya ako para matapos na agad. Gutom nako, ang hirap naman kasi ng gusto mo biglaan pa." Reklamo ko.

"Kaya mo na yan. Panunuorin nalang kita Tey. Bisita kaya ako." Tinawanan na naman ako. Sa totoo lang masaya akong pag silbihan siya ngayon. Buti napag.aralan ko ang pag luto nito sa magazine. Napaisip tuloy ako sa kursong nais kong kunin pero para kay Jade, magsasakripisyo ako.

"What are you thinking Teya?" -Jade, Kumakain na kami pero tahimik lang. Nahihiya kasi ako para kaming nagdi.date, siya kasi ang nag.set up ng mesa like a romantic candle light dinner. Minsan lang daw kasi kaya dapat special.

"Ah, wala naman. Nagutom lang talaga ako." Ngumiti ako para maniwala siya. "I think we should do this often para escape na natin sa school. Right?" Suwestion niya. Magsasalita na sana ako para tumutol kaso nagsalita na siya ulit.

"No buts Althea, I'll tell it to Dada tomorrow. Yey!" Kita ko sa mukha niya ang saya sa sinabi niya kaya tumango at ngumiti nalang ako. That's what she wants.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon