Maaga akong umuwi sa condo at hindi muna pumasok sa OJT ko dahil sa sobrang sama nang pakiramdam ko. Rephrase, dahil sa sakit nang damdamin ko.
Hindi ko alam ano ba dapat kong ipakitang reaksyon pag nagkita kami ni Jade. Pwede ko bang iakto na, nagtatampo ako kasi ako ang bestfriend niya pero wala siyang sinasabi o magseselos ako na hindi ako ang nasa pwesto ni David.
"Hey, ok ka lang ba? May sakit ka daw?" Di ko namalayan nanjan na pala siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang nuo ko.
"Kulang lang ata ako sa tulog kaya mabigat ang pakiramdam ko."
"Then you should be resting, hindi yung nakatulala ka dito. Teka kukuha lang ako nang paracetamol, go to the room."
Bago pa siya makalayo sakin ay hinawakan ko ang kanyang kamay para mapigilan siya. Tinitigan ko lang siya bago ko sabihing "Jade, mahal kita."
Mga salitang matagal ko nang gusto sabihin ngunit hindi ko pa rin masabi-sabi.
"What? Why are you looking at me like that? You're scaring me Althea."
"Ahm, gusto ko muna sanang umuwi kay Tatay, namimiss ko na kasi siya." I half lied.
She looks relief on my request, "Okay, take a nap first. I'll drive you home after my class. Come, let me tuck you in."
"No Jade, gusto ko na sanang umuwi na ngayon. Magtataxi nalang din ako para hindi mo na ako ihatid. Baka ikaw naman mamiss ko pag baba ko sa kotse mo." Ngumiti ako para hindi niya ako mahalatang umiiwas.
Naglakad siya papuntang kusina para kumuha nang tubig. "She has a name. Call her Jath. Okay Tey, update mo nalang ako. When are you coming back pala? So I can pick you up. Siguro naman papayag ka na non." Asking me before taking her drink.
"Actually, hindi ko pa alam." Dahil wala na akong balak. Dugtong ko sa isip ko.
"Okay."
Huling salitang iniwan niya sa akin bago lumabas nang unit niya. Nabasa niya ba ang nasa isip ko?
__
Isang buwan na din nang huli kaming nagkausap, nakikita ko siya pero hindi ata niya ako napapansin. Bumalik na naman kami sa ganitong set up pero mas lumala pa ata.
Hindi pa din naman nawala ang lunch sa locker ko pero hindi ako nakakakuha nang sagot sa mga text ko. Parang hindi niya ako kilala. Siguro napakabusy nalang din niya, madaming activity ang department nila tapos lagi pa siyang may bantay. Yung unggoy na boyfriend niya, pwe.
Nagtagumpay siya. Isang buwan na nga sila e. Sinong hindi makakaalam? Kulang nalang ipabalita ni David kay Tita mel at Kuya Mike na sila na. Pangisi ngisi pa nga sakin ang unggoy na yun.
Ayoko nang isipin ang pangyayari yon. Nagmomove-on nako. Ngayon lang din ang balik ko sa TGC pagkatapos nang isang buwang pahingang hiningi ko.
Sakto tapos nang klase ko nang magtext na ang sundo ko papuntang office.
"I missed you G." Sinalubong ako ni Paul nang yakap at bumeso. Isang buwan din kaming hindi nagkita. As usual, nagtilian na naman ang mga nakakita. Tanchingco ba naman ang yumakap sakin e.
"Namiss din kita Pauleng, mga entrance mo talaga walang kupas. Bago kotse mo ha."
"Yep, first day nito ngayon. Isa ka lagi sa first ride nito." Kumindat pa ang loko.
"Drop the drama Paul. I'm running late. I call shotgun." Sabi nang babaeng bumaba sa passager seat at lumipat sa tabi nang driver seat.
Natatawang nailing si Paul sa pagtataray nang kapatid niya. "Jealous brat. Let's go G." At pinagbuksan niya ako nang pinto.
Mula ata nang hindi kami nagkita ni Paul ay kinukwneto niya mga pangyayaring alam niya. Ako naman nakikinig lang. Yung kapatid niya busy sa cellphone niya inaaliw siguro nang unggoy.
"Tatlo tayong nandito pero ako lang nagsasalita. Samantalang dati hindi ako makasingit nang kwento." Reklamo niya.
"Pasensya na Paul, wala naman masyadong nangyari sa akin kaya wala akong maikwento."
"I'm not refering to you G. I know you're a very good listener." Then he look at his sister.
"Grow up and make sense Paul." Sarcastic Jade.
"JADE!" Sita ko at biglang preno din nang sasakyan.
(On Chinese) "Would it be hard if you respect me sometimes, I'm still your Big brother Jade." Malumanay na sagot ni Paul. Hindi ko naintindihan pero alam kong galit siya.
"You don't deserve it Dhiya." Sagot niya habang nakikipagtitigan sa kapatid. Di ko na naman naintindihan pero ramdam kong pinalala lang niya.
"No more favors from now on. Get out of my car Precious stone. Althea, can you be a sweetie and transfer here beside me." Paul ask.
Sabay kaming nagbukas ni Jade nang pinto at bumaba. Balak ko siyang kausapin pero hindi pa din niya ako tinitignan. Pag pasok ko ay agad akong nagseatbelt. At pinaandar na ni Paul ang sasakyan.
"Hoy si Jade!" Napahoy nalang ako sa gulat.
"Let her be, she earned that."
"Baka mapahamak siya don!"
"Syempre hindi. Nasa likod lang natin yung boyfriend niyang unggoy e."
Napatingin ako sa side mirror para i.check, totoo nga. Sumakay na din siya agad.
"Mas delikado yon e." Sabi ko na ikinatawa ni Paul. Hindi na ko nagtanong obvious naman na personal ang pinagusapan nila. At tinuloy na niya ang mga kwento niya.
__
"Working with you makes my work easy, 8 deals within this week without pressure. Thanks to you and your lucky charm." -puri ni Gabriel at bigla akong napatingin sa bracelet ko.
"Happy 18th Birthday Teytey! I have a surprise for you! Here's your gift!" Which is not surprising, lagi naman siyang may regalo sa akin.
"Thank you Jadey! Di ka na sana nag.abala, lagi ka nalang may regalo sa akin nakakahiya na." Pero syempre inabot ko pa din.
"Ang pabebe mo Love, buksan mo na. Oh wait! I'll record this!" Syempre sinunod ko siya, nakaribbon lang naman ang parisukat na lalagyan na regalo niya kaya agad kong nabuksan.
"Lucky charm bracelet from China. Madaming magandang story si Ama tungkol dito kaya ito Tadah!" Siya na ang naglagay sa wrist ko while still recording.
"I'm already lucky having you Jadey. Thank you again." Nakita kong namula siya sa sinabi ko kaya niyakap ko nalang siya at kumiss sa cheek niya.
"Magaling ka kasi magturo Sir Gab. Thank you for the knowledge." Sagot ko
"Althea para na kitang kapatid, Ahya na ang itawag mo sa akin." Ngumiti at tinapik lang ako sa balikat. "I'll be going now, thank to you again Althea. Dahil sayo may social life na ulit ako. Ingat kayo ni Paul ha. See you tommorrow. Bye!" Bumeso siya at lumabas na nang office namin.
Sumandal ako sa swivel chair ko at iniharap sa bintana, isang buntong hininga ang pinakawalan ko at binigkas ang nararamdaman ko.
"I miss you Jade."
"Well, I miss you too. Uwi ka na, di nako galit."
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?