CHAPTER ONE
THE ANCIENT ONE IS DEAD.
Nakabulagta sa semento, dilat ang mga mata, isa na lang ang sapatos--the soft soled kind old ladies wear. Nagsisimula nang matuyo ang mga dugo na umagos mula sa ulo, sa ilong sa bibig.
Tanggal ang peluka pero nakadikit pa rin sa maninipis na hibla ng nalalabing buhok. Wala na halos buhok sa crown ng ulo, makinis ang anit.
The Ancient One.
Iyon ang bagong bansag sa wala nang buhay --obviously-- na librarian ng Hillcrest Integrated School, formerly known as Jose Rizal Academy.
Hillcrest.
Hindi pa rin matanggap ni Geraldine ang bagong pangalan ng kanyang alma mater. Too fancy. Too...trying hard.
What's wrong with Jose Rizal?
Pero bago na rin ang may-ari at pamunuan ng eskwelahan, and those people, it seemed to her, only cared about the revenues, never about the values on which the school was founded.
And she wondered how it would react with...this.
Hindi niya maalis-alis ang tingin sa peluka. It was stiff, maybe from too much hair spray, shaped like a bowl with a bun. Bakit hindi bumili ng bago at mas realistic na peluka si Miss Igarte, Geraldine would never know.
The Ancient One was dead.
They used to call her Octopussy.
An octogenarian that was always such a pussy. Pero hindi na nga naman applicable ang Octopussy ngayon. The librarian was what? In her nineties now. The Ancient One sounded just right. Pag lampas ka na sa otsenta, nararapat ka na ngang tawaging 'ancient'.
From what Geraldine had gathered--one month pa lang siyang nagtuturo sa Hillcrest as a substitute--nanggaling sa pelikulang Doctor Strange ang bagong nickname ni Miss Igarte. The Ancient One in the movie was as old as time. And bald.
Kids can be so cruel, do not doubt that.
Katunayan....
Iginala niya ang paningin. Kagaya niya ay nakadungaw rin sa pasimano ang mga estudyante, fascinated at amazed ang mga expression. They were taking pictures. Hindi magkandaugaga. Nagsisisksikan. Nagtutulakan, makasilip lang.
Nasa fourth floor siya ng five-storey building. Puno rin ng mga nag-uusyuso ang pasimano sa mas mataas na palapag, ganoon rin sa ibaba...lalo na sa ground floor mismo. Hindi magkandaugaga ang mga security guards kung paano pipigilan ang pagbuhos ng mga estudyante sa labi mismo.
Nasa gitna iyon ng atrium. Isang dangkal lang yata ang layo ng ulo ni Miss Igarte sa base ng bust ni Dr. Jose Rizal na naroroon. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula nang may makakita kay Miss Igarte. Freshman na late sa flag ceremony na ginagawa sa open gymnasium or oval na nasa likod ng eskwelahan tuwing Lunes ng umaga.
Halos lahat nang guro at estudyante, naroroon na, kumakanta ng Lupang Hinirang. The buildings were empty.
Nagsumbong raw sa security guard ang naturang freshman. Sadly, hindi trained sa ganoong sitwasyon ang mga sikyu ng paaralan. Hindi kinordonan ang paligid ng labi. Hindi binarikadahan ang mga entry points ng gusaling iyon.
Nakataas ang kanan nilang kamay habang kinakanta ang alma mater song nang ibulong ng isang guard sa principal ang nangyari.
Hillcrest children marching bright
For God, for country, we shall fight
Stand for what is right...
Dear alma mater, hail! Hail! Hail!
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...