MATAPOS MAG-TOOTHBRUSH AT MAG-LIPSTICK, LUMABAS NA NG LADIES' ROOM SI Geraldine. May fifteen minutes pa bago matapos ang lunchbreak. Puwede pa siyang umidlip saglit sa faculty room. Or she could use the time to call Cade. Pero ano ang idadahilan niya kung bakit siya tumawag?
Just want to hear your voice.
She cringed. Too eager-beaver. Ano ba ang mas magandang reason? Pumasok na siya sa faculty, naupo sa bandang dulo ng mahabang mesa doon at kinuha sa bag ang cell phone. May dalawa siyang co-teachers doon na nagsisimula pa lang kumain.
She brought up Cade's number and hit 'call'.
"Hey, what's up?" Sagot ni Cade, sounding pleased.
"Mmmmm, wala naman...just want to hear your voice." Aniya, natatawa sa sarili. But she didn't cringe this time.
Cade laughed, "That's...uh, I don't know what to say."
Feeling ni Geraldine, nag-blush pa ang lalaki, "Nag-lunch ka na ba?" tanong niya.
"Not yet. Nandito pa 'ko sa city engineer's office."
Oo, nga pala, sa loob-loob si Geraldine. May nilalakad itong approval mula sa naturang tanggapan, kailangan para sa patuloy na operasyon ng convenience store na nasa gusaling magulang nito ang nagpatayo noon pa. Medyo luma na nga naman, kailangang ma-check ng local government kung ligtas pa iyon gamitin.
"Ah, okay. Mmm, busy ka pa pala. Mamaya na lang kita kakausapin."
"Yes, actually...but it's okay. Tatawagan din naman kita, eh. Nauna ka lang ng mga ten minutes."
Natawa si Geraldine, "Bakit mo naman ako tatawagan?"
"Just to hear your voice."
Hindi makasagot si Geraldine. Siya naman yata ang nag-blush. Medyo self-conscious, tumingin siya sa dalawang co-teachers na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Mukha namang oblivious sa kanya, may pinagdidiskusyunan.
"Hey, you still there?" Tanong ni Cade.
May pumasok na tatlong estudyante, lumapit sa dalawang guro dahil mas malapit ang mga iyon sa pinto. Frantic ang asta ng mga bata.
"Uh, Cade, talk to you later. Something's up." End call. Lumapit siya sa dalawang co-teachers, "What is it?"
Uminom ng tubig si Miss Lou, "'Yung future stepdaughter mo raw, may kaaway na naman."
"S-Si Angela?" Parang magba-blush na naman ang pakiramdam niya. Obviously, alam na ng lahat na may 'something-something' sila ni Cade.
Isa sa mga estudyante ang sumagot, "Yes, Miss G. Sa library po. Inaaway n'ya si Missy."
"Si Missy?"
Tumayo si Miss Lou, "Lagi na lang."
Pinigil ito ni Geraldine, "Ako na lang ang aawat. Hindi ka pa tapos kumain."
Miss Lou was happy to oblige. Naupo ulit ito.
"Tara." Ani Geraldine sa tatlong bata.
pa riVM>

YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...