chapter 5

1.8K 67 4
                                        


ISANG NAPAKAHALAGANG BAGAY ANG NATUKLASAN NI GERALDINE SA BUHAY-GURO. Mga one week na siyang nagtuturo nang maganap ang kanyang enlightenment. Three weeks later, the knowledge was proving to be very useful.

Her whole life has been a lie, 'ika nga sa mga memes.

For the longest time, kinainisan, kinamuhian niya ang mga taong SIPSIP. Ang kapatid niyang sipsip sa kanilang magulang, mga kaklase at kamag-aaral na sipsip sa mga teachers, mga co-sorkers na sipsip sa superiors.

Kairita ang mga iyon.

Hanggang maging guro siya.

Bagamat nakakarindi at nakakatuyo ng pasensya ang walang katapusang 'good morning' at 'good afternoon' ng mga estudyante niyang sipsip, aba'y ang laking tulong pala ng mga ito sa kanilang mga guro.

Mahalaga pala ang mga SIPSIP.

Pinapagaan ang trabaho niya dahil ang mga sipsip ay laging willing maging courier, researcher, trouble-shooter, secretary, at pinaka-importante, intelligence source.

"Hindi ka ba sasabay hanggang labas?" Tanong niya kay Missy. Una pa lang, mapapansin na ng kahit sino na, there's quite something off about this girl. Nangunguna na sa pananamit. Bagamat naka-uniporme lahat ang bata--navy blue pleated skirt, white top with blue pipings-- kakaiba pa rin si Missy.

Her top seemed too tight. Pinagliitan siguro ng kapatid o pinsan. It didn't help na imbes na kamison ang ipang-ilalim, T-shirt. Boys' undershirt at kung minsan, hindi plain white. Aninag pa sa blusa ang print at design.

Bihira rin makita ni Geraldine na walang jacket si Missy. Normal pa rin iyon kung tutuusin dahil karamihan ng mga estudyante, naka-jacket araw-araw. De aircon ang mga classrooms. Pero si Missy, dahil nga siguro patong-patong na ang suot, laging mukhang init na init. Parang nanlalagkit. Pero maski sa umaga, hindi pa niya nakitang fresh ang bata. Sa classroom na malamig, hindi niya masyadong naamoy. Pero sa labas, maasim. Not exactly B.O., pero papunta na siguro doon kung hindi mag-i-improve ang hygiene.

Makapal masyado ang buhok. Kulot pero mukhang in-straight at some point kaya may parteng unat, may parteng kulot. Amoy latik.

The girl's demeanor was something else too. Missy walked and talked like she lost all the fight in her already. Defeated. Laglag ang balikat, walang sigla ang mga mata, hindi ngumingiti.

Undestandably, no one wanted to befriend Missy.

Lalo na at nangunguna ito sa pagka-sipsip.

Unang araw ni Geraldine bilang substitute teacher, si Missy ang kanda turo, without being asked, kung nasaan ang mga switches, outlets, pati kung paano bubuksan ang mga bintana. Mga bagay na malalaman naman niya kaya hindi siya nagtatanong.

Later that day, dinalhan siya ng sandwhich sa faculty room. Hindi niya alam ang gagawin dahil ang alam niya, bawal tumanggap ng kahit ano ang mga guro mula sa mga estudyante at parents. Sinabihan naman siya ng katabi niyang teacher hayaan na niya. Sandwich lang naman at ganun daw talaga si Missy.

Weird.

Pero appreciate na appreciate niya ito sa araw na iyon.

"Um, we have a club meeting, Miss." Sagot nito.

"I see. Ano'ng club ka kasali?" Science Club...Drama Club...Travel Club..Book Club...

Pumasok na sila sa entrance ng gymnasium, iyong nasa ibabang gilid ng entablado.

"CM, Miss."

"CM?" Ang problema pa kay Missy, tinitipid ang mga sagot. Parang nirarasyon para hindi agad maubos. Ganoon rin ito ka-chat at nag-sign off na ang lahat sa grupot chat ng klase, si Missy ayaw pang tumigil.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now